004

140 5 0
                                    


K W O N

"Daddy Cheol~ ikaw po...tunay daddy?"

Hindi ko intensyong kilalanin ng kambal si Seungcheol bilang ama nila. Bakit ko papatulan ang boyfriend ng bestfriend ko? Ever since the day I gave birth to my two angels, I thought they were sent by Sejin, of course, with God. That was exactly four years ago, after I left Jeon Wonwoo in Seoul, with nothing.

Humihingi rin ako ng pasensya kay Chaejin, ang bagong girlfriend ni Seungcheol. I think she understands, besides, she already knew about my secret. She's her precious little sister, and no wonder Seungcheol fell in love with her.

"No, Jiwoo. I'm not your father. But I know who he is."

Alam mo naman talaga kung sino e.

"Pero sabi mo, ako tawag ikaw Daddy." She insisted. Having morning calls with Seungcheol is such a pain in the ass, lalo pa 'pag ganitong naggy si Jiwoo at talagang persistent na malaman kung sino ang ama niya.

"Cute. Jiwoo, gusto mo ng playmate? Punta ka dito. Ipakikilala kita sa anak ko." He diverted her attention in a weird way so I laughed at him. Really, Coups?

"Sperm mo ba 'yon? Bwahahaha!" Sinamaan ako ng tingin ni Seungcheol. Grabe, tagos na tagos sa screen. Akala mo naman matatakot ako sa ganiyan niya. Eh tutal, mukha lang naman siyang camel na galit.

"At least may anak. Basher. Sumbong kita kay Chae eh." Inirapan ko lang siya saka tiningnan si Jinwoo na nagbabasa pa rin hanggang ngayon. Ewan ko lang din kung paano niya agad naiintindihan 'yan, bukod sa maagang pagpasok niya sa prep. Light children novels lang naman binabasa niya. Samantalang 'tong isa, magtatantrums pa kapag may hawak na libro unlike her twin.

Hindi kaya sumakit ulo nitong anak ko?

"Kapag payag mommy, punta po ako. Nandiyan ba tunay kong Daddy?" Napasinghap ako sa tanong na iyon. I never really expected that she would really barge this line, between our worlds, para lang makita o makasama niya ang daddy niya. Ji...we can't. In this world full of hatred and lies, it would take a lot of time before we reach our home. .our happiness.

"Wala siya dito sa kwarto ko, baby. Pero sasabihin ko sa'yo pangalan niya." Seungcheol looked at me as if he was asking for my permission, so I slowly nod my head. Napatingin naman ako kay Jinwoo na ibinaba ang libro niya saka tumingin sa amin. Jiwoo looks so pleased at her uncle's statement, with pure excitement and anticipation in her eyes.

"Ano pangalan po?" Excited na sabi ni Jiwoo. Ramdam ko rin ang pag-upo ni Jinwoo sa tabihan ng kakambal niya.

"Jeon Wonwoo."

I heard it again.

No matter how I tried to forget everything, I still can't.

"Kids, tara sa ice cream shop?" Aya naman sa kanila ng kadadating lang na si Mama. Nagtataka nga ako at wala pa rin si Stacey, ang half-sister ko. Siya dapat ang magxaalaga ngayon sa kambal dahil may shift ako mamaya. Nakakahiya rin kasi kay Mama na siya nalang lagi ang nag-aalaga.

Naaya naman ni Mama ang dalawa kaya pagkaalis nila, sumeryoso na din si Seungcheol.

"Why don't you just tell them?" He asked. I answered that question already.

"I still don't want to ruin what he currently have now. The career, his work, his fame, his fans. Besides, I still don't have the courage to tell him."

"Jihyeon, payong kaibigan lang. Sabihin mo na sa kanila ngayon before they find out. Magagalit sila sa'yo kung sa ibang tao pa mismo manggaling ang katotohanan. You know Wonwoo. You've been with him ever since we were kids, just like me and Sejin. Alam mo ang gusto at ayaw niya. Ayaw niya ng mga materyal na bagay. Ayaw niya ng atensyon ng ibang tao. What matters for him the most are the people he loves. For example, you."

"Natatakot ako, Cheol. Kapag pinili kong maging masaya, ang laki naman ng nagiging kapalit. Ayokong maulit pa 'yon. Baka mawala ang mga mahalagang bagay sa buhay ko. ."

"Don't worry, Kwon. I'll protect you. We'll protect you. Pag-isipan mong mabuti lahat."

The call ended. Matapos ng tawag na iyon, tila natauhan ako.

Gusto ko ng bumalik. Sa Korea. Sa kaniya.

I threw the vase out of frustration, kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Sana nga lang ay hindi ako maabutan ng kambal na ganito. Lalong lalo na ni Mama. She saw how vulnerable I am for the past years and I don't want to be a burden to her anymore. Hindi na siya bumabata and I understand that part.

Pinunasan ko na ang mga luha ako at akmang kukunin na ang dustpan para linisin ang kalat pero biglang tumunog ang cellphone ko.

jjh.casper is now online!

Good day to my sunshine,
see you later. I'll pick
you up.
seen 10:36 AM

Hmm, bakit?
10:36 AM

Date?
seen 10:38 AM

Don't worry about the
kids. I already informed
your mom. Take care.
Love you.
seen 10:38 AM

Sorry|

Sorr|

Okay.
10:40 AM

Hindi ko naman kayang sabihin sa kaniyang mahal kita. That three words is exclusively for that person only. Si Jaehyun ang una kong kaibigan dito sa Amerika simula ng pumunta ako rito para ilayo ang sarili ko kay Wonwoo, and he is also the one who persuades me. Hindi ko magawang aminin sa kaniya lahat, madadamay lang siya.

Nang kumalma ako ay agad akong nagwalis para maalis ang mga bubog ng vase na binato ko kanina.

Hindi ko mapigilang isipin si Wonwoo at ang kinalalagyan niya ngayon.

I know, he's an idol already pero pinigilan ko ang sarili kong isearch ang tungkol lahat sa kaniya. I heard some news about their group going here in New York but hindi na ako nagbalak na pumunta.

Duwag ako.

I only want the best for him, gaya ng bilin sa akin ng Mama niya bago ito umalis sa bahay nila.

"You are the only friend Wonwoo can look up to. Ikaw lang ang gusto niyang pumapasok sa kwarto niya, even Seungcheol and Mingyu can't. Jihyeon, please. Please help him to catch his dreams, kahit na alam kong mali 'tong ginawa kong pang-iiwan sa kanilang dalawa ng kuya niya. Sorry."

That time, when his father and mother filed a divorce, umalis na ang mama niya papuntang abroad, at hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nahahanap.

Unlike what I've promised him.

————

left behind • wonwoo Où les histoires vivent. Découvrez maintenant