Epilogue

137 3 0
                                    


J E O N
Pinagpapawisan ako ng malamig. Ngayon ko lang kasi nakita ang tatay ni Sehyeon. Parang gusto ko nalang magkulong sa kwarto.

Nakakatakot.

Alam niya pala ang nangyari sa aming dalawa, syempre, napaka-laking tao ni Mr. Shin sa business industry lalo pa't may hawak din siyang modeling agency at clothing line sa Amerika.

Nakakahiya kasi, napaka-low profile ko kasi para sa kaniya. Isa lang akong hamak na artista sa paningin ng tatay niya. Ngayon nga ay ang talim ng tingin niya sa akin.

Nagising lang ako sa katotohanan nang tapikin ako ni Sehyeon. Umalis na siya sa tabi ko para puntahan ang niluluto niya sa kusina.

"Jeon Wonwoo....hmm."

"Y-yes, sir." I mumbled. Natigilan lang ako nang bigla siyang tumawa.

"You're funny. I like you."

"Po?"

"Don't you remember me? I was once at your home, persuading you and your father to sign a contract in my agency." Ngumiti siya bago uminom ng tsaa na hinanda ni Sehyeon kanina. "Pero masyado ka pang bata noon. Kaibigan ko si Woohyun, ang tatay mo."

"Ganon po ba? Pero hindi po ba kayo galit sa ginawa—" He didn't let me finish. Instead, he stood up and tapped my shoulders.

"Son, I know how much pain you brought to my child. Pero ngayon, I saw how happy she is with you. Hindi ko kayang pigilan 'yon, dahil iyon ang hiling sa akin ng nanay niya. Makita lang siyang masaya, kuntento na ako. Besides, it's her second life. I have nothing to ask for but her happiness and her safety."

And with that, he left. Napatingin naman ako sa kusina at nakita ko si Sehyeon na maluha-luhang nakasandal sa pader. Agad ko siyang nilapitan at niyakap.

"Everything's fine now, Se."

"I have nothing to ask for."

-

Months later..

"JEON WONWOO! YUNG PANCAKE!"

Maluha-luha akong lumabas mula sa kusina dahil sumisigaw na naman si Sehyeon. Wala ang iba ngayon dahil may individual shooting sila. Wala din ang kambal dahil may pasok. Ako naman, kahapon pa tapos at ngayon ay kasama ko na naman si Sehyeon.

"Ayan na, Hyeon." Sabi ko sabay abot sa kaniya ng pancake na niluto ko. Tangina, pang-ilang ulit ko na nyan pero ayaw niya pa rin tikman.

"Bakit ganoon 'yung amoy? Ayoko niyan," reklamo niya saka inilayo ang plato. Napamura nalang ako sa isip ko bago kuhanin ulit ang plato.

Babalik na sana ako sa kusina nang hilahin niya ako pabalik at inilapag ang plato sa mesa.

"Ikaw ang gusto ko, Wonwoo." She smiled and kissed me. It was a passionate one, and a long kiss. We even have to catch our breaths after.

"You are the only girl I want too, Sehyeon."

-

ended ; 112418
revised ; 01212020

sA WAKAS HUAHUA

left behind • wonwoo Où les histoires vivent. Découvrez maintenant