3 R D。
Mabuti na lang, may isang linggo na bakasyon ang grupo dahil iyon ang pagitan ng pagsisimula ng concert nila internationally. Tapos na kasi ang concert nila dito sa Japan at bago sila umalis sa isang linggo, susulitin na nila ang natitirang oras.That's why Wonwoo and Sehyeon decided to go out with the kids, sila lamang pamilya. Hindi nila kasama sila Seungcheol dahil kaniya-kaniya sila ng plano. Ngayon ay katatapos lang nila kumain sa isang restau sa Tokyo, malapit sa hotel na tinutuluyan nila.
"Daddy, where are we going next?" Tanong ni Jiwoo. Halata kasing gusto na nitong umalis dahil ang bilis niya kumain.
"Beach." The elders saw excitement on their children's eyes, kaya agad na nilang inayos ang gamit nila at sumakay sa sasakyang dala nila. Sobrang bait ni Manager at pinayagan siyang magrenta ng sasakyan dito sa Japan.
Hindi maiwasan ni Sehyeon na ngumiti. Dito siya unang dinala ni Wonwoo pagkarating nila sa Japan. Dito sinabi ni Wonwoo na ispesyal siya dito. That beach...is such a memorable place for her.
Hindi napigilan ng dalawa ang pagtakbo ng kambal. They are really having a precious time with their dad, and their new mom. Wala ng gusto pang hilingin ngayon si Sehyeon kundi ang kasiyahan ng bago niyang pamilya.
"Tita Mommy, bili tayong cotton candy!" Aya ni Jiwoo kay Sehyeon habang hinihila ito papalapit sa isang kiosk. Naiwan naman sa may dalampasigan ang mag-ama na busy sa pagkuha ng litrato.
Ibinili na rin nila si Jinwoo. Alam kasi niyang ayaw ni Wonwoo sa sweets kaya hindi na siya nag-abalang bumili ng isa pang stick.
"Bakit wala ako?" Wonwoo asked all of a sudden. Jinwoo laughed at his father. Nakanguso kasi ito, and it is not his usual self.
"Daddy, sabi kasi ni Tita Mommy baka daw ayaw mo eh."
"Dad, sabi mo dati ayaw mo sa matamis?" Jinwoo added.
"Sige na, pakagat nalang." Sabi ni Wonwoo kay Sehyeon na hawak ang sarili niyang cotton candy.
-
Hours passed pero hindi man lang sila nag-abalang umalis ng beach. Hindi rin kasi ganoong kadami ang tao kaya malaya si Wonwoo na gumalaw kahit hindi siya naka-disguise. Yun nga lang, extra caution din ang ginagawa niya maging si Sehyeon. It's not only for him, but for his whole family.
Alam niya kasi kung gaano kadumi maglaro ang mga kakumpitensya ng kumpanya nila.
"Daddy, picturan namin kayo!" Sabi ni Jiwoo saka nilabas ang phone ni Sehyeon. Nakuha pala nito ang bag niya nang hindi niya alam, siguro habang naglalaro siya ng buhangin kasama si Jinwoo.
"Sure kang ayaw mo kumuha ng photography class, Ji?" Sehyeon mumbled as she saw Jiwoo's shots. Masyado itong advanced compared sa normal na kuha ng mga bata, kaya talagang napahanga siya."Mommy, dagdag oras lang po 'yon. Hindi ko na po makakalaro si Yeonji kapag nagtake ako noon." Sagot naman nito. Lalo siyang humanga kay Wonwoo at Jihyeon dahil sa kinalabasan ng ginawa nilang pagpapalaki sa kambal, at pinangako niya sa sarili niyang pagbubutihin niya rin ang pagpapalaki sa mga ito.
"Mana sa'kin 'yan e. I'll take a picture of you both." Wonwoo pointed the shore kaya pumwesto doon si Sehyeon at Jinwoo. Ayaw naman ni Jiwoo kaya nagstay lang ito sa tabi ng ama niya.
"Teka lang, mahangin. Mag-iipit ako." Sabi niya saka inilabas ang pang-ipit niya. Namula naman si Wonwoo dahil malandi siya. Charot. Unang beses niya kasi nakita na nag-ipit ito, at ang masasabi niya lang, cute.
"One, two, three!" Wonwoo counted.
Agad napangiti si Wonwoo dahil sa ginawang pose ng dalawa.At hiniling niya, sana hindi matapos ang araw na 'to. Sana, wala ng mawala sa kaniya.
-
VOUS LISEZ
left behind • wonwoo
Short Story❝how's life after you broke me and left me fragile?❞ left behind ↷ j.ww ❀shuaniverse ; 2018