023

71 1 0
                                    

Sehyeon
•active 1 minute ago

Sehyeon: I love you, Jeon Wonwoo.

Tangina. After reading that message for almost 1 minute, I am now grinning ear to ear and it scares me.

"Ngina, hyung. 'Wag kang ngumiti ng ganiyan. Nakakatakot." Sabi ni Seokmin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nagpeace sign siya at pumunta na sa banyo para magbihis.

This is a good energizer, Shin Sehyeon.

"Ngiting-ngiti ah." Bungad naman ni Seungcheol na kakalabas lang ng dressing room. Bihis na siya.

"Hyung, I...I..bwisit." Hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil sa kaba na nasa dibdib ko.

"You already love Sehyeon. I know." He chuckled then tapped my shoulders before he left.

Wala bang kokontra sa'kin?

I need a sign whether I should pursue this or not.

Kapag lumabas si Seungkwan sa dressing room habang kumakanta ng 20, ipupursue ko na 'to.

Tinitigan ko lang ang message ni Sehyeon dahil wala akong masabi. Wala akong maireply, bwisit.

"I wanna be your morning baby~" Naalarma naman ako dahil lumabas nga si Seungkwan sa dressing room habang nagwawarm-up ng boses niya.

Putangina.

Sehyeon
•active now

Wonu: I love you too.
seen

-

It's my turn to perform a song. Sinabihan kami ng management na hindi dapat namin alam ang performances ng isa't isa, kaya naghanda din ako ng sariling performance.

Tapos na si Jisoo hyung, at talaga namang ang lakas ng hiyawan sa kaniya dahil kumanta siya ng isang western song.

"Wonu! Wonu! Wonu!" The crowd shouted my name as soon as the VCR ended, senyales na kailangan ko na lumabas.

Kinuha ko ang gitara na iniwan ni Jisoo hyung sa stage. Napangiti ako nang magsigawan ang mga tao sa dome. It's my first time to play a guitar on cam, madalas kasi ay sa practice room lang kami.

"Oh, Florida, please be still tonight
Don't disturb this love of mine
Look how she's so serene
You've gotta help me out
And count the stars to form the lines
And find the words we'll sing in time
I wanna keep her dreaming
It's my one wish
I won't forget this
I'm outdated, overrated
Morning seems so far away. ."

It's also my first time singing an english song, I hope she appreciates.

"So I'll sing a melody
An hope to God she's listening
Sleeping softly while I sing
And I'll be your memories
Your lullaby for all the times
Hoping that my voice could get it right.."

I ended my performance amazingly. Maging sila Seungkwan ay nagulat sa pagkanta ko noon, dahil alam naman nilang hindi ako mahilig sa western rock bands.

Natapos ang concert namin ng walang nagaganap na aksidente. Buti nalang. Muntik na nga akong magka-injury kanina, puta. Hindi ko rin nagawang bisitahin ang dressing room kung nandoon man si Sehyeon at ang iba pa, pero sabi ni Seungcheol ay hindi daw sila nakapunta.

Pauwi na kami sa hotel kaya itong si Seungcheol hyung excited na. Makikita na daw kasi niya ang bebe niya.

"Hoy, tingnan niyo si Wonwoo. Lalovelife na 'yan soon." Sabi ni Jeonghan sa akin at kumindat. Puta, kadiri.

"Yie si hyung may gusto kay Sehyeon. Ahehe." Asar ni Mingyu sa akin kaya nabatukan ko siya ng malakas.

"Palibhasa ayaw mo pa kasing sagutin 'yung tsino."  Sabat ni Seokmin. Nagreklamo siya pero hindi na siya pinansin at tumingin nalang sa bintana.

"Hyung, di'ba 'yung Wonu 'yung dummy mo?" Tanong ni Hansol sa akin kaya tumango ako. Nagtaka naman ako sa tanong niya.

"May nagpost sa wall mo. Nami ang pangalan." Sino 'yun?

I checked my wall at totoo nga. May nagpost nga.

Nami posted on your timeline.
>> I know who you are, I love you, J.WW. See you.
😮 Kwannie and 7 others

"Gwapo naman ni hyung."

"I don't care."

"TSUNDERE!" Sigaw nilang lahat kaya nabingi ako nang wala sa oras.

"Hyung, may nagreact pa oh. Siya lang naiba. Hahaha, love reacts."

Sehyeon reacted "💜" to a post you are tagged in.

"Paktay ka diyan, hyung."

"Mga pakyu."

-

left behind • wonwoo Où les histoires vivent. Découvrez maintenant