"Mommy, alam mo ba nagalit ako kay Daddy! Kasi niloko niya ikaw saka si Mama Sehyeo---" Naputol ang sasabihin ni Jiwoo nang sumabat si Wonwoo."Hindi naman kasi totoo yun!" Sabi nito saka ngumuso. Binatukan naman siya ni Sehyeon na ngayon ay sinasandalan ni Jinwoo. Kasalukuyang nagpipicnic ang pamilya kung saan nakalibing ang dating kasintahan ni Wonwoo na si Jihyeon.
"Basta ayon, Mommy! Pero bati na kami ni Daddy hehe."
Napatawa nalang si Sehyeon sa inasal ng anak-anakan. Anak-anakan kasi ayaw naman niyang angkinin ang kambal at tanggalin ang karapatan ni Jihyeon sa dalawa bilang respeto at pasasalamat dito.
Anim na buwan na rin ang nakalipas magmula nang press conference ni Wonwoo. Sa loob ng anim na buwan na yon, ipinagpatuloy lang ni Wonwoo ang pagsama sa tour ng grupo habang si Mina naman ay pansamantalang naghiatus mula sa grupo nito. Maraming nagalit sa kaniya, pero mayroon namang ilang nagalit kay Wonwoo na fans ng dalaga. Pero hinayaan nalang niya ang mga ito.
Naging matagumpay naman ang concert tour nito, halos lahat ng concerts ay sold out sa iba't ibang bansa sa buong mundo. Nandoon naman lagi si Sehyeon at Chaejin, na sumusuporta naman sa mga kasintahan nila.
"Se," napatigil sa pagkain si Sehyeon nang tawagin siya ni Wonwoo. Seryoso ang itsura nito, hanggang sa may dinukot ito sa bulsa niya.
Isang kwintas.
Wala itong pendant ngunit may singsing na kasama. Hindi maipaliwanag ni Sehyeon ang nararamdaman niya. Hindi niya alam, kung bakit sa dami-dami namang pwedeng pagpropose-an ay dito pa sa sementeryo.
"I want to do it here in front of Jihyeon." Tila ba sinagot na ni Wonwoo ang katanungang nabuo sa isip niya.
"When the right time comes, will you spend your life with me forever?"
Sehyeon smiled, holding his hands. Tahimik naman na nanunuod sa kanilang dalawa ang kambal.
"You know my answer, Wonwoo."
-
VOUS LISEZ
left behind • wonwoo
Short Story❝how's life after you broke me and left me fragile?❞ left behind ↷ j.ww ❀shuaniverse ; 2018