KABANATA 25

626 5 1
                                    

FUTURE IN LAWS

(SOPHIE DIANNE'S POV)

Agad nagpatawag si Drake ng mga organizer natatawa ako dahil atat na agad syang maikasal sa akin.

We are preparing for 1 week. First week of April is the date na napagkasunduan namin.

"Baby...The organizer is talking to you. Gotta go may meeting ako eh" he kissed me in my cheeks as he bid goodbye.

Nakangiti akong humarap sa organizer.

"Ma'am saan po bang Church ang napagusapan nyo?" the organizer asked.

"Sa Caleruega po ang napag-usapan namin" the organizer give me a akward smile.

"Just call me Florence. That church is small yet fascinating. Why choose that?" she asked.

"Hmmm...nagustuhan po namin na ganoon ang magandang church simple lang pero maganda" tumango ito sa akin.

Iniharap nito sa akin ang theme naman ng kasal.

"We want it to be Blue." tumango naman ito at isinulat iyon.

Sumunod ay inilabas nya ang design ng cake. Sumunod ay ang wedding gown at theme song.

"Simple po ang gusto ko. I want to feel I am like in a fairytale." pinapili nya ako at pumili ng isang napusuan ko.

"What about sa Theme Song?" she asked. Napangiti ako ng maisip ang isang kanta.

"Hmmm. Fool Again by Westlife po sana?" tumango agad ito.

Marami pa kaming pinag-usapan. Mukhang magiging busy ako ngayong linggo.

Habang naglilibang I check my email account. A uknown email caught my attention.

From: Uknown

Stop the wedding plans Sophie! Take care of yourself.

Nagtaka naman ako doon. Nawala ang iniisip ko ng tumunog ang phone ko. Nagulat ako ng makita ang pangalan ni Snow.

"Snow!" masayang bati ko sakanya.

(Hello Sophie...Sorry we did not have any chance to talk.)

"It's okay. Nagtatampo lang ako dahil umalis ka ng walang paalam." she chuckles wala pa rin syang pinagbago.

(Sorry talaga. I heard you are getting married? Congrats Sophie! Sayang hindi ako makakapunta pati sa bridal shower mo. Take some videos okay?)

"Sure! Next time naman dalawin mo ako ha" she just response yes saka nagpaalam.

Tumayo ako ng marinig ang doorbell panigurado kasi nandyan na si Drake. Agad kong binuksan ang pinto only to see drake with his parents.

"Hi baby. Mom and Dad come in" agad kong nilakihan ang bukas ng pinto at pinapasok sya.

Nilibot nila ang tingin sa buong unit. Dumiretso ako sa kitchen at nagtimpla ng maiinom at kumuha ng meryenda.

Kabado akong ngumiti sakanila. Sinimulan nilang imunom ng kape. Yumuko ako at nagkutkut ng kuko.

"Kamusta Hija?" her mother asked smirking at tumingin sa tyan ko. Nagtaka naman ako sa ginawa nya.

Inakbayan naman agad ako ni Drake at tinignan ang mata ang mga magulang nya.

"Mom and Dad she's not pregnant. We are just decided to get married" nagtataka naman kaming tinignan ng magulang nya.

"I thought....Nevermind" pinagtaka ko iyon. Inisip ba nila na pakakasalan lang ako ng anak nila dahil buntis ako?

"Mom and Dad...We are planning to get married at the first week of April." He smiled casually.

Kinakabahan akong nag-angat ng tingin. Nakita ko pa din and seryoso nilang mukha.

"Hijo are you sure anak baka nabibigla ka lang." Her mother said at sinamaan ako ng tingin.

Napayuko ako. Mukhang ayaw nila saken. Hirap din naman akong pakisamahan sila.

I felt sick kaya nagtatakbo ako sa banyo. Nahihilo akong napaupo. Shit! What is this again!

Dinig ko ang katok nya sa pinto. Kinapa ko ang box sa likod ng salamin. Dinampot ko ang gamot ko at nilulon ko iyon agad.

Nagpakalma muna ako bago lumabas ng banyo. Pilit na ngiti ang ibinigay ko sakanya.

"Are you okay baby? You look pale" napayuko ako at pilit na ngumiti ulit sakanya.

Niyaya naman ng Dad nya si Drake naiwan ang Mom nya sa akin. Ramdam ko ang sama ng tingin na ipinupukol nya sa akin.

"Honestly hindi pa rin kita gusto para sa anak ko."nandidiri nya akong tinignan.

Napayuko ako lalo. Pakiramdam ko hindi na talaga ako magugustuhan ng mother nya.

"Wag ko lang malalaman na buntis ka. Ngayon pa lang lumayo ka na sakanya." banta nito. Ramdam ko ang pagpatak ng luha ko

'Masakit' buong buhay ko ramdam ko ang pagmamahal at saya hindi ko alam na ganito pala ang kapalit.

Hindi ako nakaimik. Pinamukha nya sa akin na mali ang mahalin si Drake.

"Unang-una masyado kang bata para sakanya" duon ako nag-angat ng tingin at direktang tinignan sya sa mata.

"Age doesn't matter Ma'am hindi hadlang ang 5 taong agwat namin para magmahal ang iba-"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng dumapo ang kamay nya sa pisngi ko.

Nakaramdam ako ng pamamanhid. Masakit sa totoo lang ang sampal nya. Maari dahil sa ngayon lang may dumapong kamay sa mukha ko at dalawang beses pa sa parehong tao.

"Bastos! Sumasagot ka pa!" masakit ang pagkakatulak nya sa akin. Tumama ang likod ko sa gilid ng sofa at ininda ko iyon.

"Hindi talaga kita kahit kailanman magugustuhan" at lumabas na sya ng unit ko.

Tumakbo agad ako sa kwarto duon tuloy-tuloy na bumuhos ang luha ko. Agad kong kinapa ang ointment sa side table at iniharap sa salamin ang pasa ko dulot ng pagkakatulak sa akin.

'Drake, ganito ka ba kahirap mahalin?'

(THIRD PERSON'S POV)

Lumabas ang Ginang ng may ngiti sa labi sumalubong sakanya ang babaeng nagmakaawa kay Drake.

"Ah...Mom...Ano pong nangyari?" the lady asked.

Ngumiting tagumpay ang matanda at binalingan ng tingin ang babae.

"Maganda ka kaunting pang-aakit pa para makuha mo ang anak ko. Sigurado ako sa mga oras na ito nag uumiyak na ang Sophie na iyon" at sabay silang humalakhak nang tila demonyo.

Author's note:

Pag hindi ako busy dadalas ang update ko.

Hope you like it!

See you next update!

DREADFUL SERIES #1: EON INTERSTICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon