EPILOGUE

1.8K 14 6
                                    

GOODBYE

(DRAKE LUTHOR'S POV)

Death is an event anyone wouldn't expect. Years ago I met her in the Memorial Park crying and mourning over his dad.

Sabi ko masakit talaga ang mawalan dahil ako danas ko iyon kahit ilang taon na ang lumipas ng namatay si Louise.

Bubbly siya, matalino, talkative yet smart and observative person. Magaling sya sa lahat ng bagay kaya ko siguro sya minahal ng ganito.

Aaminin ko nagpadala ako sa tukso ng kaibigan nya kahit na alam kong mali pinilit ko.

Sising-sisi ako sa nagawa ko. Alam kong walang kapatawaran iyon pero she really did forgive me from everything.

And now I will do everything to make it up to her. But I do not think that would happen.

Here I am standing in the middle of everyone who are mourning, crying and calling her name.

Pakiramdam ko tumigil ang pagikot ng mundo ko. Pakiramdam ko nasa isa akong bangungot. At umaasa ako na magising na ako.

Masakit isipin na hindi ko na naman nagawa ang pangako ko na I will make it up to her lahat ng pagkukulang ko ay pupunan ko, lahat ng pagkakamali ko itatama ko kahit alam kong huli na.

"Condolence" 10 salita na hindi ko inaakala na maririnig ko ulit sa ika-lawang pagkakataon sa buhay ko.

Oo aaminin ko narinig ko rin ito noong libing ng father ko pero hindi ganito kabigat marinig.

"Sophie?! Sophieee! Wag naman ganyan! Paano na ang anak mo? Ang asawa mo?" nakaluhod na ani ni Auntie.

Tumalikod ako dahil naramdaman ko ang nagbabadya kong luha. Napatingin ako kay Allira. Alam kong sya ang pinaka-nasasaktan sa amin. Hindi man lang nya nasabi na sya ang half sister nito.

Napatingin ako kay Chiara. Mahimbing syang natutulog sa isa sa mga upuan doon. Masakit na makita bilang isang ama na nangungulila si Chiara kay Dianne.

Nasa Pilipinas na kami at huling araw na ng burol ni Dianne. Hindi pa rin ako makapaniwala na eto ako isa sa mga umiiyak at nangungulila sa kanya.

Biruin mo hindi ba kamalasan matatawag ang pagkamatay ng ikalawa sa papakasalan kong babae. I didn't also mary Louise yet my surname is written sa lapida nya.

"Dianne?" pagtawag ko kay Dianne kahit alam ko na hindi na nya ako maririnig.

Mahimbing na syang natutulog at hindi na muling gigising. Ito yung tinatawag na lifetime na.

"Bakit naman ganito? Ang bilis mo kaming iniwan? Hindi pa sanay si Chiara na wala ka. Paano na ako? Sabi ko sayo magpahinga ka lang hindi ganyan pangmatagalan." nakakabakla mang pakinggan pero umiiyak ako.

Hindi ko noon gaanong iniyakan si Louise pero pagdating kay Dianne sobra ang paghihinagpis ko marahil na rin siguro sa dami ng nagawa kong kasalanan.

"I hope you are happy there. Sorry sa lahat ng nagawa ko. Sana mapatawad mo pa ako kahit huli na. Gusto pa kitang kantahan at syempre makasama ka ng matagal pero ang lupit ng tadhana ano? Dapat siguro hindi na ako mag-asawa ulit. Nakakatawa ano yun sumpa?" parang akong baliw na tumatawa habang umiiyak.

"Mababaliw ako dahil dito. Hindi ko pa kaya. If I can just turn back the time I would kahit ibenta ko pa ang kaluluwa ko kaso hindi eh. I love you so much" I kiss the glass of her casket.

Dumating na ang oras na pinaka-ayaw ko. Halos mag-wala kakaiyak si Chiara at pagtawag sa mother nya. Dahil sa komplikasyon noong pinagbubuntis sya ng ina nya she has a weak heart.

"MOMMY! DON'T LEAVE ME! MOMMMY!" Palahaw na iyak ang pumuno sa burial ni Dianne.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin ang casket nya. Hindi ko akalain na gagawin ko ito. Hinawakan ako ng mga body guards ni Auntie pero pilit akong kumawala.

Hanggang sa mawala na sa paningin ko ang kabaong nya. Hindi kami umalis ni Chiara doon. Ramdam ko ang sakit nya dahil sa walang sawa rin nyang pagluha.

Pinilit kong tumayo at magpakatatag. Ito ang kailangan ni Chiara.

(THIRD PERSON'S POV)

It's been 4 years since Dianne passed away. Dalaga na si Chiara at kasaluluyan namang minamanage ni Allira ang company ng ate nya.

"Hi Mommy" bati ng masigla munit may pait na tinig ni Chiara.

"Look po oh. Mukhang sa inyo po ako nagmana. Top 1 po ako. I know mom you are really proud of me up there" pinigilang umiyak ni Chiara.

Hindi nya nakasama kahit sa elementary graduation ang ina pero madalas syang pumunta sa puntod nito at ipakita ang mga nakamit nya.

"Daddy ikaw naman" sumunod naman si Drake. Isa na syang bussinessman sa America pero hindi nya nakakalimutan ang asawa at ang anak.

"Magaling ba akong magpalaki Dianne?" pagkausap nito.

"Dalaga na sya. Sinabi ko nga wag na magpapaligaw sya sa mga basta basta lalake kailangan dadaan muna sila sa akin" napatawa naman si Chiara sa biro ng ama.

Abala sila sa pagkukwento ng may marinig sila ng isang iyak. Napakunot ang noo ni Drake at napatingin sa kanan nila. Doon nakita nila ang isang babae.

Parang de javu ang lahat para kay Drake. Ang oras, araw at lugar na una nilang pagtatagpo ay tugma sa nagaganap ng mga oras na iyon.

"Dad bakit? Diba sabi mo sasamahan mo pa ako sa pagtupad ng pangarap kong maging investigator?" turan ng babae.

Hindi makatiis nilapitan sya ni Chiara at tinapik sa balikat. Nagulat sya ng makita ang itsura ng isang pamilyar na babae.

"Bakit?" tanong nito hindi makapaniwalang tumingin din si Drake dito.

Walang pinagbago. Kamukhang-kamukha ito ng namayapang asawa naisip nya imposible.

"Sorry naabala ko ba kayo? Asawa nyo po? Mother nyo?" sunod sunod na tanong nito. Wala sa sarili ang mga itong tumango.

"Sarah Dreila Requeno. Sorry talaga" napanga-nga lalo sila.

Naiisip nila ng mapatingin sila sa puntod ni Dianne.

Maaring ito na ang sagot sa katanungan nila.

AUTHOR'S NOTE:

BITIN BA? SORRY YAN ANG LAMAN NG UTAK KO I WILL SOON EDIT THIS SO DON'T CHA WORRY.

THANK YOU SA SUPPORT!

DREADFUL SERIES #1: EON INTERSTICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon