NEWS
(SOPHIE DIANNE'S POV)
Nagising ako na masama ang pakiramdam. Nahihilo ako at naduduwal. Agad akong tumakbo sa banyo at inilabas doon lahat.
"Manang!" Sigaw ko mula sa kwarto ko. Agad itong dumating.
"Ayos ka lang ba?" tanong nito ng maiupo na ako sa kama.
Nanghihina ako at masama ang pakiramdam. Agad kong dinampot ang telepono ko mula sa side table.
"Marco cannot go to office I am not feeling well" dirediretso kong sambit at ibinabaga agad ang tawag.
Naisip ko ang meeting na dapat ay pupuntahan ko.
"Manang..." tawag ko sa katulong na agad namang lumapit. Ramdam ko ang gutom ko at gusto ko ng mango ice cream.
"Pakisabi po sa guard bilhan po ako ng mango ice cream please" agad naman itong tumalima.
Hindi ko alam kung tama ba na hindi pa ako mag pacheck up sa lagay ko.
"Hija magpakonsulta ka na kaya?"tanong ni Manang ng makabalik dala ang gusto ko.
Agad kong nilamon dahil as in gusto ko talaga sya.
"Saka na po" wika ko pero may ibinato si Manang sa akin.
Isang Pregnancy Test Kit! Are you kidding me?
"Seriously Manang?!"hindi makapaniwalang sambit ko.
Tumango-tango pa ito. Dumating sa punto na sadyang pinagtulakan na ako ni Manang papasok sa banyo.
Natatakot ako sa magiging resulta dahil I know ginawa na namin iyon pero ang shrap shooter naman nya ika ni Drake?
Pigil hininga akong nag-antay sa loob ng banyo. Abot-abot ang dasal ko na sana buntis na lang ako at hindi dahil may sakit ako.
Halos matumba ako sa naging resulta and everything went black.
(THIRD PERSON'S POV)
Nagulantang ang katulong sa narinig ng pagbagsak at agad na binuksan ang banyo para madatnan si Sophie na nawalan ng malay.
Agad nitong kinapa ang telepono ng amo at hinanap ang isang tao na kanina nito idinial.
"Hello po Sir! Katulong po ito ni Sophie nahimatay po sya" dinig nito ang mura ng lalake.
Agad nyang tinawag ang bodyguard ng babae at dinala sa pinakamalapit na ospital.
Nakarating si Marco halos 1 hour matapos madala si Sophie dumiretso sya sa kwarto na kinasasadlakan ng dalaga.
"Sophie!" agad nyang dinulugan ang dalaga at hinalikan ang noo nito.
"Mabuti naman at nandito na kayo Mister...Isang napakagandang balita nito....Isang linggong buntis na si Misis" agad nanlaki ang mata ni Marco.
Pero nagtaka sya ng mabakasan ang lungkot sa mukha ng doktor na para bang may mali.
"Mister maari ka bang sumunod muna sa akin" sumunod naman agad ang binata sa doktor.
Sa kanilang usapan nalaman nya ang kasalukuyang kondisyon ng dalaga na sadyang ikinagalit nya.
Pakiramdam nya pinababayaan ng dalaga ang sarili nya dahil sa nobyo.
Samantala...
Sa Hongkong naman ay nagaganap pa rin ang meeting ng tumunog ang telepono ng Auntie ni Sophie.
Matapos ang meeting ay sinagot nya ang tawag lingid sa kaalaman nya nakikinig at nakasunod si Drake.
"Ano?!" yun lang ang narinig nya dahil sa hinila na sya ni Lucile papalayo sa balitang hindi nya aasahan.
(SOPHIE DIANNE'S POV)
Sa kabila ng naging balita hindi ako natuwa dahil sa balitang mahina ang kapit ng bata.
"Dok...Hindi ba makakaapekto ang kondisyon ko sa bata?" umiling naman ang doktor.
"Alagaan mo lang ang sarili mo mananatiling matibay ang bata" nakahinga man ng maluwag hindi pa rin maalis sa akin ang kabahan.
Alam na ni Marco ang sitwasyon ko. Mahirap itago iyon.
"Do not stress yourself...Be Healthy at magiging maayos ang lahat" wika ng doktor bago lisanin ang kwarto.
Halos mapahagulhol ako ng lapitan ako ni Marco hinawakan ko ang kamay nito ng mahigpit.
"Please Marco....Wag mong sasabihin kahit kanino ito." agad naman akong hinapit nito sanhi ng pagkasandal ko sa dibdib nya at pagkakulong ko sa mga bisig nya.
"Ipangako mo lang na hindi mo hahayaan na saktan ka nya" yun lang ang sinabi nito.
'Paano ko maiiwasan kung ngayon pa lang nasasaktan na ako?' isinaiisip ko iyon.
Hindi ako buwitaw kay Marco hanggang sa tumahan ako. Hinawakan ko ang tyan ko at kinausap ang fetus na nasa sinapupunan ko.
"Baby? Kapit ka lang ha? Nandito pa si Mommy" nakakaiinis isipin na maaring sa kapabayaan ko baka malaglagan ako.
"Anong gusto mo?" masiglang tanong ni Marco napaisip naman ako.
"Gusto ko ng Sinigang please!" at nagpout pa ako para makuha ang loob nya.
Umuwi naman kami agad pero bed rest ako. Hinayaan kong manatili si Marco sa bahay para hindi ako mabored.
"Wahhh! Ang galing mo palang magluto! Pwede ng mag-asawa!" biro ko at nakitawa naman ito.
Dumating si Manang dala ang telepono ko at pinakita si Aunt.
"Hi Tita!" I greeted cheerfully. Agad naman nito akong binati at pinagsabihan.
Sa buong paguusap namin hindi nya nabanggit si Drake na syang pinagtaka ko.
"Bye!" at nagpaalam na kami. Napaisip ako at tinignan ang telepono ko. Naiinis ako ng makitang wala man lamang kahit anong message si Drake.
'Ganun ba sya kabusy?'
Maraming hinala ang pumasok sa isip ko na pilit kong isinantabi.
"Huy!" napaigtad ako ng gulatin ako ni Marco kausap pala ako nito tungkol sa kompanya.
"Ano nga ulit iyon?" tinignan nya akong mabuti at napabuntong hininga pagkatapos.
"Hindi ka nakikinig kako maagang matatapos ang meeting sa Hongkong by the other day tapos na iyon" pilit akong nagmukhang masaya sa balita pero hindi ko magawa.
Mabigat ang loob kong tinahak ang kwarto ko. Oras na para matulog masama akong magpuyat dahil sa bata.
Pagkatapos kong uminom ng gatas ko hindi pa rin ako makatulog. Gising na gising pa rin ako.
Agad kong kinuha ang laptop at tinignan ang mga sinasabi sa akin ni Marco kanina.
Napadako ang tingin ko sa business trip na dinaluhan ni Auntie. Pagbukas ko ng email nandoon ang listahan ng mga kasama sa meeting.
I visited their profile one by one pero napatigil ako sa huling tao na nasa listahan.
'Who really are you Louise Lyn Ross?'
Author's Note:
Pambawi naman ito sa mga late updates.
Lowbat po ako pero I try my best.
Enjoy and See you next update
BINABASA MO ANG
DREADFUL SERIES #1: EON INTERSTICE
Storie d'amoreSophie Dianne Rojales ideal type is simple someone who can handle a relationship with maturity as she believe that age doesn't matter as long as you are both mature and happy in the relationship. She also believe that men who are mature enough are n...