Chapter 1:
First DayTitig na titig ako sa mukha ko sa salamin. Bwahahahaha tinitingnan ko kase kung bagay ang liptint na binili ni Ate Sheena sa akin.
First day of school kaya dapat pretty hehehe. Bumukas ang pinto pero hindi ko ito pinansin, busy ako, kaya bahala sila.
'Angle to the left *pak*'
'Angle to the right *pak*'
'Angle to the front *pak pak*.
"Nak, baba na at mag aalmusal, tama na yang pag sasalamin at baka mawala na yang mukha mo sa katitingin mo jan." Nakangising asar ni mama na nakadungaw sa pinto.
"Ma naman, minsan lang naman to ah pagbigyan mo na." naka pout na sabi ko na kahit sulyap di ko binalingan si mama dahil sa salamin parin ang tingin ko.
"Hahahaha Nak, oo na! Pero bilisan mo jan ah naghihintay na dun yung mga ate mo." Natatawang bilin ni mama bago sinara ang pinto ng room ko.
Kaya binilisan ko na rin ang kilos tumayo ako at inayos ang uniform ko it was a white long sleeve with an ash gray coat na may checkered ash gray-white neck tie paired with an ash gray knee length skirt and we had a black name tag pinned in the left part of our chest then 2-inch black shoes na may ankle length socks. After the last quick glance at the mirror bumaba na rin ako kase baka lumabas na yung usok sa tenga at ilong ni ate Sandra bwahaha yun yung pinaka ayaw nya sa lahat eh yung pinaghihintay pero mabait naman yang si ate.
"Yow!! Sistahh!!" Bati ko sa dalawa na naka upo na sa pwesto nila sa hapag. Six seater tong dinning namin pero apat lang naman ang palagi naming ginagamit. Si mama sa dulo sa right side nya si Ate Sheena then sa tabi nya si Ate Sandra and ako naman yung sa left side.
Nagtataka ba kayo kung asan si papa? Well, he already passed away 19 years ago. My father is a sea ferrer at pinagbubuntis palang ako ni Mama that time around five months na siguro and papa is so excited to went home but unfortunately one month bago sya umuwi lumubog ang barko nila, napilitan silang dumaong kase sumama yung panahon ng di inaasahan pero yun nga they did not make it. Wala daw nakaligtas ni isa sa mga pasahero. That's why I hate thunders and storms. I'm not afraid of them it just that I hate the fact they could remind why I lost my father.
Wala akong memory with papa kaya malaki ang pangulila ko sa isang father figure. How does it feel na may amang nag aaruga?? Walang pumupuna nun sakin kase kahit kuya wala ako eh. But my family right now is already enough for me, they never fail to make me happy and feel loved even we're not complete.
"Bilisan nyo ah.. baka malate ako sa office, hahatid ko pa kayo." Sabi ni Ate Sheena. May sariling car na kasi si Ate, birthday gift nya sa sarili nya nung birthday nya last year para na rin daw mas convenient sa trabaho nya bilang secretary. At hinahatid nya lang kami if may extra time sya sa umuga na minsan lang naman mangyayari.
"Ay 'te si Syleene Storm nalang yung hahatid mo, mamaya pang hapon ang klase ko eh." Sabi naman ni Ate Sandra habang nag sasalin ng tubig sa baso nya. College na kase yang si Ate and she's on her second year, taking architecture.
"Ate alam mo maganda ka eh pero bigla kang pumangit sa paningin ko ng binanggit mo ang buong pangalan ko! At alam mo din ba ulit na ang ganda na sana ng umaga ko eh kaso binanggit mo nga pangalan ko!" Todo nguso kong sabi.
"Oh sya, i-reready ko na ang kotse Sy baba ka lang ah." Sabi ni ate Sheena na tumayo na pagkatapos nyang uminom ng tubig.
"Opo Ate Shin, matatapos na din ako." As soon as I finished my breakfast kinuha ko na ang bag ko na iniwan ko kanina sa couch sa sala at lumabas na din.
"Ate Sandra alis na ako!" Sigaw ko bago ko tuluyang isara ang pinto. And nakita ko si Mama sa garden nya na nagse-spray ng mga succulents nya, yan ang business ni mama, both online and personal nya itong ibinebenta.