Chapter 25: Common Ground

3 2 0
                                    

Chapter 25:
Common Ground

Weekend. Sigla-sigla ko lagi pag weekend kase walang pasok but not today wala ako sa mood. Kanina pa ako palipat-lipat ng channel ng TV.

"Hoy! Storm kung wala kang nagustuhan sa mga palabas patayin mo yung TV wag yung sisirain mo sa kakalipat ng channel." Sita ni ate Sandra na naka upo sa solo seater sofa.

Pinatay ko nalang din yung TV saka nangalumbaba. "Ate, gala tayo?" Yaya ko kay ate.

"Tinatamad ako ikaw nalang, dalhin mo nalang yung credit card." Sagot nya na di malang tumingin sa akin.

So ayun nga gumala akong mag-isa. I'll try to revive my mood sa pag-gala. Kahit hapon na mainit parin kaya I wore a sleeveless tucked in in a high waist button shorts and a Chuck Taylor.

Dahil wala naman akong maisip na puntahan nag mall nalang ako and obviously sa ice cream parlor ako tumambay at lumaklak ng sangkaterbang ice cream but after an hour busog at naumay na ako still bad mood parin.

Naglibot nalang ako muna sa mall hanggang sa manakit na paa ko pero wala paring pagbabago.

"Puteks self ano ba kailangan mo? Wag ka nga mag i-inarte!" Pagsasabon ko sa sarili ko ng palabas na ako ng mall. Naglalakad lang ako pero di ko alam kung saan ako pupunta. Madilim na rin kase passed 6 na.

Sobrang sakit na ng paa ko kaya naupo muna ako sa isang bench sa tabi ng daan at inikot-ikot ko yung ankle ko. Sumandal ako sa bench para pansamantalang magpahinga. Pinagmamasdan ko yung hilera ng street lights sarap sa mata yung ilaw nito, napabuntong hininga ako at napayakap sa sarili dahil sa pag-ihip ng evening breeze. Tumingala ako pero sobrang dilim ng kalangitan, wala ni isang bituin. Bigla akong napapahid sa pisnge at sumunod na ang tilian ng mga tao. Nak ng tokwa umuulan na pala. Tinakbo ko na din yung waiting shed at nakisiksik sa mga nakisilong din. Oh lucky me bus stop din pala to.

"Hay naku bat ba ganito? Bigla-bigla nalang umuulan?" Nakikisilong 1.

"Ay sinabi mo pa, napaka unpredictable na talaga ng mundo." Nakikisilong 2.

"Ay yung panahon ngayon parang relasyon nyo lang yan sobrang init pero bigla-bigla ring lalamig." Nakikisilong 3 na hugotera.

"Te wala tayong lovelife kaya shut up na." Nakikisilong 4 na nambabara.

May tumigil na bus kaya nagsisakayan na yung mga nakikisilong at 3 nalang kami yung natira at kung minalas ka nga naman oh magjowa pa yung dalawa nak ng tokwa talaga bitter ako ngayon kaya magbi-break din sila bukas! Takte! Mas lumamig pa yung gabi dahil sa ulan.

Biglang gumuhit ang kidlat at sumunod ang ingay ng kulog kaya napapikit ako. Takte! Bat ngayon pa na nasa labas ako? Sumunod sunod na yung kidlat at kulog kaya nanatili lang akong nakayuko.

Naalala ko same situation and maybe around this time din. That night, the start of everything. How is he right now? Okay lang kaya sya? Saan kaya sya? Baka wala syang kasama at baka umiiyak yun? Hope he's fine.

May tumigil na ulit na bus.

"Miss? Di ka pa sasakay?" Ani ng driver. Dati tuwing magkikidlat at kukulog umuuwi agad ako at natutulog na lang but not now.

"Ah hindi pa po manong." Sagot ko saka pinara yung taxi na paparating at sinabi ko agad yung address nila ni Earl.

Mahina na ang ulan pero may panaka-nakang kidlat at kulog parin kaya nanatili lang akong nakayuko at yakap-yakap ang sarili. I want to go home right now kase for sure nag-alala na sila mama at ate sa akin, they know how I hate lightnings and thunders. But big part of me want to check him I know nakasurvive sya ng 18 years without me checking on him but I just want to assure myself..

"Miss andito na po tayo." Ani ni kuyang driver.

Dumungaw ako para tingnan yung kinaroruonan namin, indeed andito na kami sa tapat ng bahay nila Earl sa kabilang kalsada.

I was about to get off the taxi ng may tumigil na car-- to be exact kotse ni Earl-- sa tapat mismo ng gate nila. Lumabas si Earl from the driver's seat na naka payong, he went to the passenger seat side saka binuksan yung door at pinayungan nya yung lumabas.

It's the 'QUEEN' yung sa mall last time. Super sexy nya sa halter top at high waist jeans nito. Kumapit ito kay Earl saka sabay silang pumasok.

"Auhmmm kuya, sa Le Ville subdivision nalang po tayo." Ani ko sa driver, nagpahatid na ako sa bahay.

Ang OA ko kase eh! Yan tuloy nga-nga ako! Seems sobrang okay naman nya. Baka inokray lang ako nito dati eh. Sino ba yung babaeng yun?

Naka-abang sa pintuan si Mama at si ate Sandra ay sa sofa na halata din na hinihintay ako malamang wala pa si ate Sheena.

"Jusko naman Syleene Storm! Saan ka ba galing?" Nag-aalalang bungad ni mama pagkapasok ko. Wala na ring ulan sa labas.

"Sa mall lang ma, na stranded lang po ako sa ulan." Sagot ko.

"Are you okay? Kanina ka pa namin tinatawagan pero di ka sumasagot." Tanong ni mama.

"Mom I'm fine. Nakalimutan ko yung phone ko sa room ko po." Sagot ko.

"Sya maligo ka na muna saka mag dinner na tayo." Utos nya.

"Kayo nalang po magdinner, busog pa ako." Sagot ko saka umakyat na, after maligo nagpalit na ako sa pajama saka isang pullover.

"Storm?" Tawag ni ate.

"Te? Pasok po di po yan naka lock." Sagot ko. Pero di naman sya pumasok.

"Sy? Sabayan mo nalang kami magdinner, nag-aalala si mama." Marahang sabi nya.

Sinundot naman yung konsensya ko. "Sige te, bababa na po ako kaagad." I felt bad tuloy kase alam ko na nalulungkot din si mama pag umuulan kase naaalala din niya si papa.

So over dinner tinry ko na maging light ang mood para maging maayos na rin si Mama.

___________________

EXTRA ni OWTOR:

I don't know if na mention ko na to sa last Chap but Sy is pronounced as Sai.

P.S. Dadalang pa po sa madalang yung ud 😭😭😭 may pasok na po ako sa monday!

THUNDER x STORM: Not a Love StoryWhere stories live. Discover now