Chapter 2:
RoomSo ayun kahapon after namin lumabas naglakad lang kami in uniform pa yun ha then napadpad kami sa Starbucks pagkatapos nagyaya si Valeen na mag-mall, shopping daw kami but in the end nauwi lang kami sa window shopping na inireklamo naman ni Kevin, nanakit daw paa nya sa kalilibot ng mall tas wala naman daw kaming binili ni isa. Wahaha di pa nasanay limang tao n na kaming ganito eh hahaha.
Ngayon balik aral na kami hehe mahalagang araw kase yung second day sa SCU eh, distribution day kase yun. Distribution ng syllabus, modules, scedules, uniforms for transferees and freshmen and parang introduction of classes na din so parang start na din ng class proper.
"So class since homeroom natin, bukas nalang ako mag i-introduce ng topics natin sa Business Finance. For now you had already the syllabus of all your subjects for this year so be guided and you can study in advance even your modules are only good for the first semester but still use your Mr. Google and I know you are capable of buying a source if you want to though." Sabi ni Ms. Reyes.
Fix kame na magkaka-klase pero meron lang Foreign Language at P.E lang hindi since sa Foreign Language we are free to decide kung anong language yung i-titake namin. Every year kase may gantong subject kami, in short we are expected to learn atleast 4 foreign languages after maka graduate. At yung sa P.E free to decide din if gusto mo yung specific na field for sports, dance or whatsoever pa or yung general P.E lang containing the basics.
"So any questions? Don't hesitate to ask me okay? Most of you already know me so I hope to be more close to all of you." Sabi ni Miss na naka ngiti. Yeah mabait talaga yang si Miss.
"Ma'am may schedule na po ba yung mga activities?" Tanong Jane.
"Oh well for homeroom activities yes pero yung sa university wala pa eh but anyways yung sa homeroom, election lang nang homeroom officers and it is on Friday already so don't be absent." Pag i-inform ni Miss Reyes.
Tuloy tuloy na ang klase namin wahaha mukhang interesting naman eh haha but I know dudugo utak ko nito.
"Guys ano plans nyo for election tomorrow?" Tanong ni Kevin, Thursday na kase ngayon at vacant namin ngayong second period kaya tambay na naman kami dito sa canteen.
"Buboto siguro ano? Di ako sure Kev, tingin mo buboto ba ako?" Note the sarcasm sa tono ni Val ha. Heto na naman po kami sa back to back asaran nila.
"Tanggalin mo na ang 'to' Val tas ang natira yun ka buka~" di na natapos ni Kevin ang pang-aasar dahil sa batok mula kay Val.
"Excuse me ang ganda ko namang BOBO at excuse me ulit puro line of 9 yung mga grades ko nuh DUH!" asar na sagot ni Val, ako patawa tawa nalang.
"Eh syempre pinapakopya kita." Tapos humagalpak ng tawa ang baliw na si Kevin.
"Wow hiyang hiya naman ako! Syleene Storm naramdaman mong dumaan ang bagyo?" Tanong ni Val, naku dinamay pa ang buong pangalan ko.
"Ay always mo naman feel yun kasi nasa pangalan mo na nga." Agarang dagdag nya at nakitawa na kay Kevin pero ako na subject nila ngayon. Ganyan sila lagi magbabangayan tapos kapag di ako kasale idadamay nila ako at worst sila na agad magkakampi.
"At nasama na naman ako pati ang nanahimik kong pangalan." Sabi ko nalang, I don't hate my full name it's just that naalala ko kase si papa eh at sabi ni mama yun daw talaga ang purpose ng STORM kong pangalan wala talaga akong kawala ay nami-miss ko talaga si papa. Wehehehe ang emotera ko! Kulang talaga sa aruga.
"Ace card namin yan laban sayo eh." Ngising ngising banat ni Kevin. Kaya nag-pout na lang ako na syang nag-palakas ng nga tawa ng dalawang baliw, eh sa wala naman akong laban 'alas' na nga nila eh.