Chapter 24: The Queen

3 2 0
                                    

Chapter 24:
The Queen

Sa mga lumipas na linggo, wala na talaga, mas lumalim lang yung naramdaman ko hahaha char ang landi ko. Ilang beses na din kaming lumabas parang sweet friendly date lang naman. Palagi din kaming nagte-text, hahaha sa wakas nararanasan ko na din yung mga late night talks hahaha.

Pero mind you di naman sya nanliligaw, saklap diba? Relasyong walang label na ba to?? Di joke lang wala naman kaming relasyon puteks lang! He said he likes me but it doesn't mean na nanliligaw na sya then yung mga paglabas-labas na namin parang friendly date lang na may extra sweet hahaha.

Papunta na ako sa tambayan namin, nauna na kase dun si Valeen at Kevin, wala si Earl absent sya I don't know why. Grabe na yung puyat ko sa late night talk na yun pero di nya malang nasabi na aabsent sya today.

"Bat kaya absent si Earl?" Tanong ni Val.

"Malay ko." I shrugged.

"Aysus... Bat di mo alam?" Baling nya sa akin.

"Dapat ba alam ko?" Irap ko sa kanya.

"Hala di nyo alam? Di ba sinabi sa inyo?" Singgit na tanong ni Kev.

"Di ba obvious? Feeling mo magtataka kami ngayon kung alam namin? Kung nasabi sa amin? Bugok ka ba Kevin?" Hala sya magsusupersayan na sya.

"Sabi ko nga hindi, kaya ako nalang magsasabi." Naka peace sign pa sabi nito.

"Alam mo?" Tanong ko naman.

"Ay hindeee! Kaya nga ako magsasabi diba?" Abah! Sakin gumanti, walangya!

"So bakit daw?" Irap ko sa kanya.

"May susunduin daw sya sa airport. Ewan kung sino di na ako nakapag tanong kahapon kase parang nagmamadali hahaha excited ata!" Sabi ni Kev.

"Abah! Madami yang chocolate bukas si Earl. Ma chat nga mamaya." Nag evil laugh pa talaga si Val parang tanga.

"Kev? May practice ka pa mamaya?" Biglang tanong naman ni Val.

"Yupp! Bakit?" Sagot naman ni Kevin.

"Awww sayang! Gagala sana tayo libre ko, since di ka pwede kami nalang ni Sy." Sumiksik ito sa akin, "Girls bonding tayo Sy puro ka Earl wala namang kayo!" Ang gaga bumanat pa kaya lumayo ako sa kanya pero sumunod naman sya.

"Okay, be careful ah. Susunduin ko nalang kayo if early ako matapos." Paalala naman ni Kev.

So ayun nga after class nagmall na nga kami, nagtaxi lang kami kase di dala ni Valeen yung car nya.

"Walangyang Earl di malang nagreply sa chat at text ko, damot ng chocolate." Reklamo nya ng papasok na kami sa boutique ng nga cosmetics. "Sayo? Anong sabi?" Baling nya habang tumitingin sa mga lipsticks.

"Wala girl. Ni-ha ni-ho wala uy!" Nakangusong sagot ko. Kaninang umaga ko pa nga hinihintay pero wala eh ayaw ko din na maunang magtext.

"Awww sad ka na nyan?" Sabi nya na binangga-bangga pa ang braso ko.

"Gaga! Tigilan mo ako." Singhal ko na inambaan pa sya ng suntok. "Bilisan mo na nga dyan."

Hinila na nya naman ako papasok sa boutique ng mga jewelries. Ang mamahal naman! Tumingin-tingin lang ako, I'm not an accessory type of person pero kase naman ang gaganda talaga. Napasulyap ako sa section ng nga bracelet at may naka-agaw ng atensyon ko. It's a silver-colored at may design na splash ng kidlat (⚡).

I smiled. This reminds me of him.

"Miss, can I have two of this?" Turo ko sa bracelet. Pinabalot ko na din yung isa.

"Ano binili mo?" Si Val na magbabayad na rin.

"Secret." Mabilis na sagot ko saka nilagay ko na sa bag ko yung binili.

Kung saan saan pa kaming boutiques napadpad pero wala naman kaming nabibili hahaha if Kevin was here nai-imagine ko na yung mga talak nya.

Around 7 pm nakapag decide kaming mag dinner and since nag insist si Valeen na sya nagbabayad so we end up here sa isang European restaurant. Wahahaha sarap ng mga foodies dito yumyum! Di naman kami ganun kabroke but minsan lang naman talaga kami makakain sa mga sosyal na restaurant yan ay kapag totopakin si ate Sheena hahaha joke lang syempre pagnagka-time lang sya kase sya yung nagbabayad hehehe si mama kase eh kuripot! Ay joke lang ulit sadyang mas prefer nya lang na ipagluto kami and in that ate Sandra is the happiest human being alive in universe hahaha kase daw  "walang tatalo sa sarap ng lutong-bahay", well it's true naman eh lahat naman ata tayo always looking forward sa 'luto ni nanay'.

"Beshi C.R lang ako, sama ka?" Yaya ko sa kanya ng makalabas na kami sa restaurant.

"Hala! Maglalabas ka agad? Ganun ka ba kabusog Sy?" Pang-aasar nya.

"Abnormal ka talaga! Wiwiwi lang ako nakatatlong baso kaya ako ng juice kanina." Sabi ko naman.

"Wag ka ng mahiya besh~" napatigil sya kasi sinipa ko paa nya pero nakaiwas naman sya agad. "Sabi ko nga wiwiwi ka lang, sige I'll just wait you there." Ani nya na tinuturo ang mga benches sa kabila lang ng restaurant.

Buti lang maikli lang ang pila, nagre-touch naman ako konti I mean the usual polbo and liptint.

Tatawagin ko na sana si Val na busy sa kase-cellphone, malapit lang kase ako sa exit.

"Va~"

"Queen!" Rinig kong may tumawag sa di kalayuan. Di naman ganun kalakas tama lang na marinig ko rin dito sa kinatatayuan ko.

Di din 'Queen' pangalan ko pero ewan ko ba at bakit lumingon ako. Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko.

Nalingonan ko ang isang napakagandang babae. Wow! If sya nga yung tinutukoy na 'Queen' then her beauty is definitely is. Para talaga syang royalty, simply lang yung puting dress nya pero mas nakakadagdag lang yun sa kagandahan nya lalong lalo na yung sweet smile nya. Hala?! Tomboy na ba ako? Puring-puri ko na sya ah.

Lumapit ito sa isang lalaki at agad na kumapit sa braso ng guy at sabay silang pumasok sa pinagkainan namin kanina ni Valeen. Swerte ng guy dyosa yung girlfriend na curious tuloy ako sa mukha ng lalaki. Pinaghila sya ng lalaki ng upuan, nakatalikod yung girl sa akin. Whew! Tamang-tama dito haharap yung guy.

"Oy Sy! Andito ka na pala? So tara na?" Napalingon ako kay Val na papalapit na pala sa akin.

"Wait lang kase besh may nakita akong super ganda na girl Queen ata pangalan nya curious ako sa boyfriend nya kase sobrang swerte nya wait lang titingnan ko lang." Pagkukwento ko sa kanya.

"Ows? Mas maganda pa sa akin?" Taas kilay na sabi nya. "San ba yan?"

"Ayu~" nagfreeze sa hangin yung kamay ko ng makita ko yung guy di lang nga ata kamay buong katawan ko pa ata.

"OH MY GOSH!" bulalas ni Val na nanlalaki din yung mga mata.

I don't know how pero nakasakay na kami sa taxi ngayon pauwi. Lutang parin ako.

"Uy besh! Okay ka lang?" Alanganin na tanong ni Val.

"Auhmm ano… besh ano kase… auhmm di naman nya siguro girlfriend yun. Saka di ko naman nakita yung girl pero sure ako panget yun." Kung ano ano na yung lumabas sa bunganga ni Val para aliwin at pagaanin yung loob ko. I know nag-aalala sya sa akin, after all she knows what he is to me.

"Uy Sy tanaw ko na bahay nyo oh, umayos ka na nga magtataka si tita nyan kung bakit na zombie na anak nya." Tapik nya sa akin. Bumuga ako ng hangin saka ngumiti, tumigil na din yung taxi sa tapat ng bahay.

"Don't worry okay lang ako. Saka if girlfriend nga yun ni Earl it's not okay to me pero wala namang masama dun ah." Kibit balikat ko sabay beso sa kanya. "Bye, thanks sa libre." Ani ko saka bumaba na ng taxi.

Tama naman eh. I can sulk all I can, kase gusto ko sya but still it doesn't change the fact na walang kami and if he has a commitment to others no matter how deep it is it doesn't concern me anymore because he just LIKED me and I LOVED him.

THUNDER x STORM: Not a Love StoryWhere stories live. Discover now