Chapter 23:
FellExtra sweet talaga kami lately! Hahaha syempre para sa akin lang yun may malisya hahaha.
"Uy andito na yung in denial couple natin." Tukso ng nga kaklase namin. Nak ng tokwa kase na brain wash na sila ni Valeen eh. Tinawanan lang sila ni Earl kaya ako nalang nag react.
"Hay naku wag kami ah, ke aga-aga kami na naman pinupunterya nyo!" Iiling-iling na saway ko saka umupo sa tabi ni Val na nakangisi lang at tumabi din sa akin si Earl, wala si Kevin baka mamayang second period pa kase may morning exercises pa sila eh.
"Eh kase naman ba't sabay kayong pumasok?" Pag-iintriga pa nila.
"Uyyy mga prends nagkataon lang wag kayong masyadong ma-isyu!" Irap ko sa kanila. Nagkasabay lang naman talaga kami kanina sa bus eh. Pero knowing them di sila titigil sa pang-aasar plus pa na ginakatongan pa ni Val.
Pagsecond period dumating na nga si Kevin.
"Dude tamang tama dating mo wala si Sir!" Bungad ni Val.
"What? Sayang yung learnings." Tunog nakakatawa pero I'm telling you dead serious yang si Kevin, grade conscious nga sya diba.
"Eh di ikaw na masipag mag aral!" I snort at him saka nagtawanan.
"Tara canteen?" Yaya ni Earl.
"Libre mo?" Sabay pa na sabi namin ni Val kata nagkatinginan kami saka nag-apir.
"Ah sa tambayan nalang pala tayo." Bawi pa nito na napakamot pa sa batok nya.
"Ah wala ng bawian, let's go na di pa kaya ako nag breakfast." Pinal na ani ni Val saka inakay na ako papunta sa canteen.
"Pre hati tayo sa bayad ah, ang lakas pa naman nilang kumain." Rinig ko pa na sabi ni Earl.
"Yeah sure, ask me kung paano ko sila natagalan ng 6 na taon." Ani naman ni Kev kaya napahagikhik nalang kami ni Val. Ang kuripot eh ang yayaman naman nila.
"Oh ano na aamin na ba kayo?"
"Ha?" Napatanga kaming tatlo sa tanong ni Val.
"Kayong dalawa," sabay turo sa amin ni Earl. "Fishy nyo ng masyado eh." Nakatikwas ang kilay na sabi nito. Tumawa lang si Kevin, serious naman si Earl at ako tense na tense.
"Hala? Intrigera ka talang baliw ka." Irap ko lang, puteks na babae to alam nya naman na guilty ako!
"Weh? Talaga ba? Super sweet nyo kaya, kung di ko lang alam na di naman nanliligaw tong si Earl eh magdududa na din ako." Irap nya din. Nak ng pinoint out talaga na di ako nililigawan?! Medyo masakit yun ah, medyo lang naman.
"Ewan ko sayo, ikaw kaya yung sinasadya nga iwan kami tapos mag i-issue ka? Bala kajan!" Sabi ko na kumagat na sa burger ko.
"Hayst I'm just doing a favor for the both of you, para madevelop ang feelings nyo hehehe. Amin na kase, ikaw Sy, gusto mo ba si Earl?" Baling nya sa akin na may 'come-on-tell-us look'.
Puteks! Pahamak talaga. "W-wala ah!" Tanggi ko pa.
"Ows?" Usal nya pero yung mga mata nta ay nagsasabi na 'sige-deny-pa-more'.
"Ikaw?" Baling nya din kay Earl. "Do you have something to her?" Sinabayan nya pa ng kindat, wala na adik na talaga tong kaibigan namin.
"What d'yah mean by that something, Val?" Nakangising balik tanong naman ni Earl.
"Hoy! Kayo na mga kalahi ng masamang panahon umayos kayo! Gigil na ako ah." Hala na high blood na sya hahaha.
"Tama na yang gisa sa kanila Val, baka masunog." Saway naman ni Kevin na tinawanan naman namin.