Chapter 20:
Road TripSo ito nga sabado na sabado pero ang aga kong gumising, ngayon kase namin napagkasunduan na gumala actually as on what we planned road trip daw to but knowing my friends na kung ano ano lang yung mai-isip nila mamaya eh gagawin nila. And sa kagustuhan ni Val eh isinama nga namin si Earl which is nag-agree naman si Kev, for change daw kase may lalaki na syang makakasama.
"Oh tara na!" Sabi ko pagkalabas ko, dumiretso na ako sa sasakyan ni Kev kase ito naman palagi yung ginagamit namin tsaka sya rin naman yung nagda-drive. Pagka-upo ko sa back seat di ko muna sinarado yung pinto kase hinihintay ko si Val na pumasok na din at tumabi sa akin. "Val? Bilis!"
"Sorry girl di natin gagamitin yung car ni Kev." Sagot lang ni Val. Eh??
"Don't tell me tinopak kayo at magco-commute lang tayo?! Kung ganun lang pala di na ako sasama ma ha-haggard lang ak~"
"Oy gaga! Di pa naman kami naghihirap para mag-commute!" Angil nya sa akin. Ay naghihirap agad? Reyna talaga ng ka OA-yan! "We're just waiting for Earl."
At dun ko lang napansin na wala pa nga ang Kulog na yun. Wow! Pa special may grand entrance ba syang plano?
"Oh eh ano ngayon? Pwede naman natin syang hintayin dito sa loob ah." Kontra ko naman.
"Aish! Bingi ka ba? Diba nga sabi ko di natin gagamitin yung car ni Kevin eh." Nagpapadyak pa talaga.
"Oh eh ano yung gagamitin natin?" Clueless talaga na sabi ko kase di na ako nakisali sa pagplano eh hinayaan ko na si Val dun.
"Yung sasakyan ni Earl!" Sagot nya sabay ngisi.
Oh! Yung black Lamborghini? Gusto ko yun ang gara nun grabe! Feeling ko ang rich rich ko ng sumakay ako dun hehehe....
And parang cue na din nun ay may bumusina na sa labas ng gate. It's the black Lamborghini! Bumukas yung window sa tabi ng driver's seat.
"Oh I see I'm late, sorry. So? Let's go?" Nagpapa-cool ba ang kulog na to? Naka shades pa eh tinted naman ang sasakyan.
"Oh tara na!" Yaya ni Kev saka binitbit yung duffle bag na may laman na mga pagkain na pinrepare ni Val alone hahaha.
"Huy! Tinutunga-nga mo jan?" Pukaw sa akin ni Val. "Lezzgo!" Sabi nya sabay hila sa akin palabas sa sasakyan ni Kevin.
Sa back seat kaming dalawa at si Kevin ay sa passenger seat at si Earl nga na syang nagda-drive.
Soundtrip, asaran at tawanan lang kami sa loob. Minsan nga nag-alala na ako kase si Earl tawa ng tawa eh baka mabangga kami kase di sya naka-focus.
"Uy Earl, umayos ka nga! Makadisgrasya pa tayo eh." Saway ko.
"Yieee! Concern si Sy!" Natatawang hirit ni Val.
"Gaga! Baka nakakalimutan mo isang sasakyan lang tayo." Angil ko naman.
"Aray ko! Nakakasakit kana Syleene ah, wala ka talagang tiwala sa driving skills ko." Reklamo naman ni Earl.
"Tsss di naman sa ganun, nag-iingat lang." Sabi ko nalang.
"Don't worry, I'll make sure that you are always safe with me." Seryosong sabi nito kaya binalingan ko sya sa harapan na naka-focus na sa daan ang tingin.
"Hala! Double meaning ba yun?" Panunukso pa ni Val.
"Ayieeeeeee!" Sabay na tukso pa nila ni Kev.
Tahimik lang si Earl kaya ako na lang yung nagreact. "Tigilan nyo nga yan."
"Bakit? Kase affected ka?" Pang-iintriga pa ni Valeen.
"Val!?" Babala ko da kanya saka pinanlakihan ko ng mata.
"Hahaha okay Val, let's stop na na o-awkwardan na si Earl oh." Natatawang saway ni Kevin. Huhuhu buti narealize nyo pa nuh? Mga walang hiya talaga.
"Ows? Baka affected din!" Di talaga mapapigil si Val ano... At tong Kulog na to tumawa lang.
"Woah! May dagat!" Biglang usal ni Kev na tumuturo sa right side namin.
"Let's stop for a while?" Suggest naman ni Earl.
"Sure!" Excited na sagot naman ni Valeen.
Pagkatigil ni Earl ng sasakyan sa silong ng malaking puno eh lumabas agad si Kevin na sinundan naman agad ni Valeen na may sukbit ng camera sa leeg. At sabay naman kami ni Earl lumabas sya sumunod kay Kev at ako mapatulala nalang sa labas ng sasakyan.
Sobrang ganda ng view!
Pero biglang tumunog yung tiyan ko. UwU gutom na ako and no wonder kase base sa wrist watch na suot ko 9 am na. Di pa ako nakapag-breakfast!
"Guys! Magbreakfast nalang din tayo!" Medyo pasigaw ko na na sabi kase medyo nakalalayo na sila.
"Oh cgeh cgeh! Gutom na din ako eh!" Sigaw naman ni Kev na nagpo-pose kase pinipicturan sya ni Val.
Kinuha ko yung picnic blanket sa compartment ng sasakyan, yes ganun ka prepared si Valeen HAHAHA... Nilatag ko yun sa tabi ng sasakyan na sakop parin ng shadow ng puno saka kukunin ko na sana yung basket na may laman ng home made breakfast namin na niluto pa ni Tita Karen (mama ni Kevin), ng may biglang bumuhat nun.
"Tulungan nakita." Napalingon sa taong bumuhat nun.
"Oh thanks Earl." Nakangiting pasalamat ko na tinango-tangoan nya lang ako. Tinulungan nya din ako sa pag labas ng mga pagkain.
"Auhmm Earl sorry nga pala sa mga pinagsasabi ni Val ha alam mo naman yun masyadong pilya at intrigera pa." Paghihingi ko ng sorry kase I know nao-awkwardan na din sya sa mga tukso ni Val.
"Nah, its okay guilty naman ako eh." He mumbled kaya medyo di na rinig.
"Ha? Come again, sorry bingi lang hehehe."
"Wala. Di na pwedeng ulitin." Eh? At bakit naman?
"Ayusin mo kase ang pagkasabi di yung parang binubulong mo lang." Irap ko sa kanya.
"Basta sorry, minsan kase bored sa buhay yang si Val kaya lumalawak yung imagination at kawawa tayo kase tayo palagi yung biktima nya." Sabi ko nalang.
"Hmmmm… her imagination is not that bad after all." Sabi nya.
"Seryoso kaba!?"
Tumango tango ito. "Why? You and me? Not bad gwapo ako tas ikaw … hmmm pwede na rin."
What does he mean na 'pwede na rin'!? "HOY! FEELING KA! ANG GANDA KO KAYA!" Sigaw ko sa kanya.
"Opppss kalma lang, pagbibigyan naman kita eh cgeh na maganda ka na." Natatawang sabi nya. Pssshhh lakas talaga makapang-asar.
"Grrrr ewan ko sayo!"
"Pero seryoso okay lang. I don't mind parang kikiligin nga din ako eh." ANO DAW?
"OY! HUWAG KA NGA!" tangna ang landeeee!
"Bakit ba?"
"WALA!" marupok ako ih! Pero biglang natigil yung kaladian ko ng biglang may marinig kaming click ng camera.
"Whatta perfect picture." Sabi ni Val na nakatutok sa screen ng camera nya.
"Yah! What are you doing!" Saway ko sa baliw na to.
"Nothing." Ngisi nya. "Ang cute nyo parang mga bata na nag lalaro ng bahay bahayan hahaha" Ito na naman sya di talaga sya nauubosan ng tukso sa amin. Tong si Earl tumawa lang.
"Oh ready na ang pagkain?" Sulpot ni Kevin. And there inenjoy na namin yung late breakfast namin.