Chapter 15: Admit

4 1 0
                                    


Chapter 15:
Admit

Nagising ako, kinapkap ko yung phone ko para tingnan yung time. Dinilat ko ang isang mata ko to see its already 10 a.m.

"ARRRRRRGGGGHHHHH!" I moaned ng maramdaman ang sakit ng ulo ko sa puyat.

Its already around 3 a.m. na when the whole squad decided to go home. Hahaha marami na kase ang wala sa sarili dahil sa kalasingan eh, so yung iba nag-stay nalang sa nga available rooms sa resort. Well ako, hinatid ako ni Earl. Actually kay Kevin na nga sana ako magpapahatid eh pero ang langya lasing na eh pinahatid na nga lang sya ni Ron sa bahay nila through taxi.

I was about to go back to sleep when my fucking phone rang!

"Hmmmmm."

"BEEESHHHHHHHHH!!!!" Nilayo ko yung phone sa tenga ko jusko naman kase natangal ata kaluluwa ko sa katawan ko.

"The hell Val! Problema mo?!" I shout at her at tuluyan na nga akong naupo, nagising ang sistema ko ng wala sa oras eh.

"Ay ang init ng ulo, grabe ka ah nakaka-hurt ng feelings." Sagot nya pa.

"Whatever! What do you need? Let's get over this as soon as possible."

"Yieeee Sy! Chikahan mo na ako ng mga ganap kagabe, you know may pakpak ang chismis kaya malamang may nakarating na sa akin but still I want to hear it from you!" Di naman masyadong halata na excited sya diba?

"Wala! Yun lang pala, sige matutulog muna ako." Paalam ko na di ko na sya hinayaang makasagot, i-nend ko na ang call. That chika can wait until I can get rid of my sleepiness. But before I can close my eyes again my phone beep, it's a text message from Val.

"Punta ako jan later!" pinatay ko na yung phone ko para wala ng distorbo.

Nagising ako na kumakalam ang sikmura mga bandang ala-una na ata yun. Bumaba ako at naghalungkat ng pagkain sa ref.

"Oh gising kana pala." Sabi ni mama na kakapasok lang sa kitchen.

"Hmmm ma? Walang ulam?" Gutom ako eh puro lang dessert laman ng ref kaya heto cake lang nilantakan ko.

"Bumili pa ang mga ate mo, sabi nila di na daw magluto eh." Sagot ni mama.

"Eh? Di pa kayo nag lunch?" Sabi ko sabay nguya.

"Obvious ba nak? Hehehe mag late lunch na tayo. Yung dalawang ate mo busy din tas ako kakawi ko lang galing sa pag deliver ng mga succulents ko. Kung di pa ata ako naka-uwi di pa ata sila kakain eh." Litantya ni mama.

"Hehehe buti nga yun di tira ang kakainin ko hehehe." Hahaha ang bright ko talaga.

"Storm?"

"Op?"

"Who's that guy na sumundo sayo kagabe and that guy na naghatid sayo kaninang madaling araw?" Seryoso nyang tanong.

"Huh? Eh? (Pause) ah si Earl po yun ma, kaklase ko and auhhhmmm parang friend na rin namin ata yun." Medyo magulo pa na sagot ko kase diba nga palagi naman kaming magkasama so baka friend ko na nga yun eh.

"Di ka pa sigurado ah, baka boyfriend mo na yun." Sabi nya.

"Duh! Mama suplado yun nuh ay mabait din pala minsan lang kaso. Pero di ko sya type ewwwwnesss po." Pa-iling iling pa sa sagot ko kay mama. "Che! Masyadong denial queen! Crush mo naman talaga yun eh." Singit pa ng entrimiderang other side ko. "SHUTTAP" saway ko sa sariliko. "WHATEVER!"

"Naku naku anak, if ever wag mo ng itago sa amin okay lang naman eh saka 18 kana natural lang yung mga ganun ganun." Nakangiting sabi ni mama na may panunukso looks pa.

THUNDER x STORM: Not a Love StoryWhere stories live. Discover now