Chapter 28:
The PastI was not able to sleep last night. Sino naman kaya makatulog sa sitwasyon kong ito. Pagbaba ko wala nang tao, medyo late na rin kase..may breakfast na nakahain but I have no appetite. Kumuha lang ako ng fresh milk sa ref at umalis na.
Nagsalpak ako ng earphones habang nasa byahe. I know mas marami pang mas mabibigat na problema kesa sa akin pero naman po Lord bat ganito? Wala pa ngang kaming label pero pinaghihiwalay na kame. Ganto pa kaayaw ng mundo sa akin? Minsan lang ako mag kagusto pero bokya pa.
I must talk to him, baka may alam na sya sa mga nangyayari.
Uyy Earl pasok ka today ah🙂
Sent. 7:04 a.mNagulat ako ng pagpasok ko sa gate biglang may sumalubong sa akin ng yakap.
"Besh! Sorry!" Ani ni Valeen.
Tinapik-tapik ko kamay nya para bumitaw. "Hey, what's wrong?"
"Anong 'what's wrong' ka jan. Nag papakasaya ako dun kahapon sa event tapos ikaw may pinagdadaanan na pala. Sobrang naguilty talaga ako kagabi ng sinabi ni Kevin." Ani nya na halatang nagi-guilty nga.
I laughed, I'm really so lucky to have them.
"Anong nakakatawa besh??" Natatawang umiling-iling ako. "Hala nabaliw na to ata sa kakaisip sa problema nya. Patay." Pabulong-bulong na dagdag pa nya.
"Kaw talaga. And wala yun, wag ganang maguilty jan. Okay pa naman ako." Ani ko na inakay ko na sya para maglakad.
"Huhuhu so ano na besh? Naka-usap ka na ba ng ate mo?" She asked as she snakes jer hands on my left arm.
I nod. "She wants me to stay away from Earl."
Napatigil sya sa paglakad kaya napatigil din ako dahil nakakapit sya sa akin perodi naman sya nagsasalita.
"Huy Val! Tara na." Hila ko sa kanya.
"Ha? Anong sabi mo? Who's staying away from who?" Ani nya ng makabawi.
"Ate Sheena wants me to stay away fro~"
"HA!? EH BAKIT NAMAN DAW!? PANO NA YUNG THUNDER x STORM KO!?" full force and full volume na sigaw ni Val na pati mga schoolmates namin within the vicinity eh napapatigil at napapalingon sa amin.
"Valeen! Ano ka ba? Hinaan mo nga boses mo." I hissed.
"Sorry, pero bakit nga daw?"
"I don't know."
"HA!? ANONG 'I DON'T KNOW'!? NAMAN SYLEENE STORM YBAÑEZ OH!!" And once again pinagtitinginan na naman kami.
"Shit ka Val! Stop shouting." I said sabay hampas sa kanya.
"Kase naman Sy! Pinapalayo ka tapos di mo alam kung ano dahilan?? At gurl, wag mong sasabihin sa akin na pumayag ka at itatakwil talaga kita." Banta nya na nag step backward pa para makalayo sa akin.
Umiling ako. "No, di ako pumayag pero base sa reaksyon ni ate my answer won't matter. She never asked me for anything ever since Val and you also know what she did for us." Buseeet naman naiiyak ulit ako.