Chapter 18: Family

5 1 0
                                    

Chapter 18:
Family

Tamang tama lang yung dating ko, mag-isa lang ako na naka-upo sa pinakalikod na upuan. Mayamaya ay lumabas na rin yung pari at nag-umpisa na yung mass. Taimtim lang akong nanalangin. Ng lumuhod na ay may naramdaman akong may tumabi sa akin, mas diniinan ko lang ang pagkapikit para mas makapag-focus sa pagdasal.

Nang maka-upo na, pasimpleng sinulyapan ko yung katabi ko na nakatingin din pala sa akin. Nagsmile lang ako sa kanya at ganun din sya na bahagya pang yumuko. Ang cute cute ng batang ito. Mga 12 or 13 years old sya siguro, maputi at nakalugay lang ang straight nyang buhok na lagpas balikat ang haba. At yung katabi nya ay palda lang yung nakita ko. Baka mama nya. Ibinalik ko na din yung atensyon ko sa misa.

At nang mag 'peace be with you' na ay bahagya lang akong yumuko kase wala naman akong kasama na pwedeng yakapin.

"Peace be with you po, ate." Napatingin ako sa kanang kamay ko nang may humawak dun. Ah yung bata.

"Peace be with you, cute little girl." Malambing at nakangiting sabi ko din sa bata."Peace be with you po." Sabi ko din sa kasama nya na mukhang mama nga nya kase  medyo may hawig yung features ng face nila.

"Peace be with you din, hija." Nakangiti nya ding sabi. Umayos na din ako ng tayo.

"Syleene, ako wala?" Napalingon ulit ako sa kanan ko.

"Uyyy Kulog~ este Earl jan ka pala? Sorry di kita napansin eh." Shookt na sabi ko. Sya pala yung next nung mama ng bata.

"Peace be with you din." Sarcastic na sabi nya saka bumaling na din sa unahan dahil nagsalita na yung pari.

Paglabas ko ng simbahan di ko na rin nakita si Earl. Since park na yung harap ng simbahan napagpasyahan kong tumambay nalang muna. May nakita akong nagbebenta ng cotton candy sa di kalayuan kaya bibili nalang muna ako.

"Hey cute little girl." Bati ko sa bata na bumibili din, sya yung batang katabi ko kanina. "Kuya, isa din po sa akin." Sabi ko sa nagbebenta.

"Hi po ate Syleene!" Magiliw na bati ng bata.

"Oh you know my name?" Takang tanong ko. Nakangiting tumango lang sya sa akin, ah baka narinig nya kanina na tinawag ako ni Kulog. Bigla na naman nya akong hinawakan sa kamay at hinila.

"Tara punta tayo kay mommy." Yaya nya sa akin. As if may choice pa ako eh hila hila na nya ako eh.

"Mom! I'm with ate Syleene!" Tuwang tuwang prisenta nya.

"Hija!?" Oh fc din si mader no wonder ganun din ang anak. "Sorry about this, baka naabala kana ni Elaiza."

"Hi po ma'am. Ok lang po, tatambay lang naman po ako eh saka ang cute po ng anak mo." Nakangiting sabi ko, mukhang mga mababait naman.

"Mom to na po yung tubig m-" natigilan si Earl nang mapansin ako. "Oh hi there!" Nakangiting bati nya.

"Mom?" Sabi ko na tinuro-turo ko sya at si Ma'am na mommy ng bata na Elaiza pala ang pangalan. "Mommy mo sya? *Turo kay ma'am* so kapatid mo sya? *Turo kay Elaiza*"

"Ah yupp... This is my mommy Athena and my sister Elaiza Terry. Mom, sis this is Syleene Storm." Pagpapakilala nya.

"Nice meeting you po ma'am and you too Elaiza." Sabi ko na naglahad ng kamay na tinanggap naman ng mommy nya.

"Tita nalang hija, masyado ka namang pormal. And nice finally meeting you too hija." Nakangiting sagot nya. Weeeeeyyyyttt! Ano raw? FINALLY??

"Ahh minsan ka kaseng nabanggit ni Warren, na-curios lang ako." Sabi ni ma'am este tita pala, napansin nya siguro na parang nagtataka ako. And NABANGIT nya ako sa mother nya!?? Owemgeee! Ano kaya chinika nito?

"Awww... Nakakahiya naman po. Hehehe sana mga something good naman yung pinagsasabi ni Earl sa inyo." Gosh, lahat ng kaluluwa ng hiya ay sumapi ata sa akin.

"Don't worry po ate, good shot po kayo sa amin." Singgit naman ni Elaiza. Ay grabe maka good shot naman to kala sa akin eh nagpapa-empress?

"Ahahaha... Buti naman kung ganun." Sakay ko nalang sa bata. Nagkwentuhan din kami sandali about lang sa mga school stuffs at nang mag 7 na ay nagpaalam na din sila.

"Mom, una nalang po kayo sasamahan ko lang po muna si Syleene." Napatingin ako kay Earl dahil sa sinabi nya.

"Auhm Earl okay lang uuwi din naman ako agad eh." Awat ko naman agad.

"It's okay, hija." Nakangiting sabi ni tita Athena sa akin saka bumaling sa anak. "Call or text me pag-uuwi ka na at pasusundo kita sa Uncle mo o di kaya'y sa pinsan mo."

"No need mom, magco-commute nalang po ako maaga pa naman eh. Ingat po kayo sa pagmamaneho ah." Sagot ni Earl.

"Okay fine. Kayo din, bye Syleene see you..." Paalam ni tita.

"Babye po ate." Paalam din ni Elaiza.

"See you din po at Ingat kayo." Nakangiting paalam ko na kumakaway-kaway pa sa kanila.

"Thank you ah kahit di mo naman talaga ako kailangang samahan." sabi ko ng maka-alis na yung nanay at kapatid nya.

"I'm not sure if nagpapasalamat ka ba talaga o ano." Naka-kunot noong sabi nya.

"Naman! Sincere yun, to naman napaka- judgmental sa akin." Agarang depensa ko naman sa sarili.

"Tsss... Oh may pupuntahan or may gagawin ka pa ba?" Nakangising tanong na nya lang.

"Hmmm wala na nga eh, as I said uuwi na rin ako." Sagot ko.

"Agad? Di mo malang bibigyan hustisya ang pagpa-iwan ko?" Nakangusong reklamo nya.

"Hala at bakit? Pinilit ba kita? Tinanggihan ko na nga yun kanina eh ikaw lang nag-ensist." Rason ko naman.

"Awww effort wasted..." Sabi nya na hinawakan pa yung dibdib nya sa bandang heart saka naga-act na parang nasasaktan.

"Sira! May hidden agenda ka pala kaya ka nagpa-iwan eh. Oh ano ba yun? Baka makabuluhan naman  yun." Pabirong sabi  ko  sa kanya.

" Wala  na, uuwi  ka na diba?" Asar-talong angil naman  nya sa akin.

"Pikon! C'mmon sabihin mo na, pagabi na oh." Pilit ko pa.

"Sige mapilit ka eh." Sabi nya at sabay  naman kaming nagtawanan na parang mga baliw lang. "Wait lang." Sabi na nagpapalingon-lingon pa. "Oh there, ice cream  tayo! Tara?" Yaya nya na tinuro pa yung nagtitinda ng ice cream.

"Libre mo ah..." Hirit ko pa.

"Oo na! Ang  kuripot mo... dali na." Natatawang sagot nya na nag-offer pa ng kamay para lang bilisan ko kaya--------- tumayo na din ako agad, ano akala nyo aabutin ko din kamay nya?? Sowiiiiii kaya ko pa namang  tumayo hehehehe.

THUNDER x STORM: Not a Love StoryWhere stories live. Discover now