Chapter 22: Time Together

7 1 0
                                    

Chapter 22:
Time Together

Napansin ko lang lately na palagi kaming naiiwan ni Earl. Busy kase si Kevin sa practice as always at si Valeen eh nag bi-busy busyhan lang para maiwan kami ni Earl alam nyo naman yan pasimuno sa imagination nya.

"Wala si Val?" Tanong ni Earl nakakarating lang sa tambayan namin.

"Ah wala may gagawin daw sa club nila eh." Yun yung sabi nya pero I know wala naman talaga tssss para paraan lang yun para mapag solo kami animal talaga yang kaibigan ko.

"Ahhh tara canteen tayo." Yaya nito.

"Libre mo?" Nakangising balik tanong ko.

"Tsss mukha ka talagang libre." Iiling-iling na sabi nito.

"Ayaw mo? Oh di ikaw nalang dun mag isa mo." Irap ko sa kanya.

"Oo na tara na!" Sabi nito saka inipit yung leeg ko sa braso nya saka ginulo yung buhok ko.

"Yahhh! Stop it!" Saway ko sa kanya.

Yeah ganto na kami ka super duper close. Madami na nga yung umaasar sa amin syempre bida dyan si Val sya yung president ng fanclub namin eh.

"May gagawin ba kayo ni Val after class?" Tanong nito ng pumipila na kami.

"Hmmm parang wala naman ata. Bakit ano ganap mo? Usisa ko.

"Hmmm dinner kayo mamaya sa bahay? Ininvite kayo ni mom, if wala nang practice si Kev isasama din sya ." Sagot nito sabay abot ng bayad nito sa cashier then dun na kami pumwesto sa dulo konti lang naman tao eh.

"Oh? Bakit anong meron? Bat May pa dinner?" Usisa ko pa.

"Wala naman. Nag-aaral kase mag luto si Mom so tinatry nya sa bahay, maybe she needs other opinions." Kibit balikat na sagot nito.

"Owkiiii~ yey libre dinner." Ani ko naman.

Then bumalik na kami ulit sa klase namin, may dalawang subjects pa kaming klase kase.

"So tara? Tinext ko na kanina si Kev pero ma eextend kase practice nila kaya tayo nalang muna daw..." Aya ni Earl.

"Oh where to?" Tanong naman ni Val hahaha di nga pala namin to nainform.

"Pupunta tayo kela Earl kas~"

"WAAAA! Papakilala mo na si Sy na gf mo?? Omaaaayyyygaaaddd!" Biglang sansala naman nito na ni-roll eye-yan ko lang at tinawanan lang ni kulog.

"Sabi ko nga hindi.... Wala practice lang yun feel ko naman kase malapit na din mangyari yun eh." Nakangising aso pa na sabi nito and for the nth time inirapan ko lang sya.

"Uy girl imagination mo kung saan saan na napadpad." Ingos ko sa kanya.

"At bakit? Diba sabi mo Earl wala ka namang chix so why not ikaw nalang Sy hahaha bagay naman kayo." Katwiran nito.

"Whatever girl! Tara na." Panbabalewala ko pero honestly speaking affected naman talaga ako di ko lang pinahahalata kase awkward ampp.

"Sorry I'm not free." Agarang sabi nito.

"Bakit?" Sabay ba na tanong namin ni Earl.

"Hayyysttt kitams pati sa pagsalita tinadhana pa kayo." Amppp na babae to lahat nalang may meaning. "Nagpapasama si mommy na mag shopping, so kayo nalang. Bye shooo! Enjoy ah."

"Ah talaga?" Sarcastic na sabi ni Earl kase naman halata naman talaga na nagdadahilan lang ito eh.

"Oo naman!" Sagot naman ng baliw na Val na kumindat pa. Naglakad na ito patalikod at nilagay yung phone nya sa tenga nya.

"Hello mom? Ah sige po. Okay po. Papunta na ho." I know nagpe-pretend lang ito.

"Baliw talaga yang si Valeen." Nasabi ko nalang at bumuntong hininga pa.

Umiling-iling lang si Earl "So it's just you and me. Let's go?"

Woah! Sobrang na amaze talaga ako sa bahay nila. Katamtaman lang ang laki nito, simple and elegant. Andami ding mga non and ornamental plants.

"Ateeeeee Bags!" Napatingin kami sumigaw sa pinto. Si Elaiza yun na may malapit na ngiti.

"Hala sino yang tinatawag ng kapatid mo?" Takang tanong.

"Ikaw." Nakangiwing sagot nito.

"Eh? Kelan pa naging Bags pangalan ko? Last time I check Syleene Storm pa naman yun sa birth certificate ko ah." Lost na sagot ko.

"Ask her your self." Natatawang sagot nalang nito.

"Halika ate Bags pasok po kayo." Yaya nito na hinila pa ako papasok sa bahay nila at pina upo sa sala nila si Earl naman magbibihis lang daw sandali.

"Bat ate Bags tawag mo sa akin?" Takang tanong ko sa kanya.

"Ah kase po short for Bagyo hehehe kaya Bags nalang para cute." Eh? Napatanga ako sa sagot nito. "Tapos kapag asar ako kay kuya, kuya Kuls tawag ko sa kanya short for Kulog bwahahahaha!" Nakitawa na rin ako sa kanya.

"Kaw talaga." Sabi ko sabay pisil sa pisnge nito.

"Ate girlfriend ka ba ni kuya?" Na freeze ata bibig ko ayaw gumalaw naka nganga lang.

"Uy ate?!"

"Ah hindi ah." Tanggi ko naman.

"Ah so nililigawan ka palang nya? Wag mong sagutin te hahaha." Natatawang sabi nya.

"Ha? Bakit naman?" Pakikisakay ko di joke interested lang talaga ako.

"Kase may~"

"Terry stop bothering Syleene." Biglang singgit naman ni Earl na pababa na ng hagdan.

"OA mo kuya, di ko naman ginugulo si ate Bags ah." Nagangusong kontra nito sa kuya nya.

"Kids dinner is ready." Ani ni tita na nakasilip yung ulo sa pinto ng kitchen.

"Mom, si Terry lang yung kid dito." Reklamo nito sa ina.

"Yah! Kuya Kuls di na ako kid! I'm a young lady na." Agad ding kontra ni Elaiza sa kuya nya.

"Tigil nyo na yan. Syleene hija halika na." Saway ng mommy nila.

"Waaa~ tita ang sarap po." Puri ko sa luto nya pramiiisss walang halong kaplastikan masarap talaga.

"Yay! Thank you hija." Giliw na sagot din nito.

"By the way, Warren di ka ba naka-online lately?" Baling nito sa anak. Sumeryoso naman ang awra ni Earl.

"Ah nagsumbong na din ba si Ate M~"

"Shut up Elaiza Terry. Hindi mom, medyo busy eh." It's a lie! Naka-off ang status nya pero nag-oonline sya. Nagcha-chat nga sya sa akin eh.

Something is off. Bat kailangan nyang mag lie sa mom nya?

After dinner, nag-usap muna kami ni tita sandali saka hinatid nya ako sa bahay.

"Gusto mong pumasok muna?" Yaya ko.

"Nah wag na it's late already, next time nalang I'll pay a visit." Ani nya.

"Okay, thank you for the super masarap na dinner at sa paghatid. Ingat ka pabalik ah." Paalam ko.

"Sure... Good night Syleene Storm."

THUNDER x STORM: Not a Love StoryWhere stories live. Discover now