Chapter 6:
StaresI stay up late ng dahil lang dun. Grabe di ako pinatulog nun kagabi it's not that there is something magical or whatever it's just that it's so unusual of him. Oo inamin ko na crush ko yun ay este medyo lang pala. Pinilig ko ang ulo ko at bumuntong hininga..
"Hayyy naku!" Binuksan ko na ang laptop ko para e-edit yung report ko ang dami kong typos kase nagmamadali ako nung friday eh.
*After 5 minutes*
"Arrrgggghhhh whyyy so gwapoooo baaaabeeee!!" Tili ko ng nagsu-surfing si Lee Min Ho na may background music pa na Here For You. Yung pag-aaral ko na nauwi sa panonood ng KDrama. Hahaha pinapanood ko ulit kase yung ang The Heirs wheeeww never talaga akong nasawa hahaha.
*Knocks on the door*
"Nak?" Si mama na nakasilip na sa pintuan, kaya pinause ko muna.
"Ma?" Sagot ko.
"Buong araw ka nang nandyan sa kwarto mo ah. Ano ba yang kinaka-abalahan mo?" Tanong ni mama na nakasilip parin sa pinto.
"Ah nage-edit lang po ng report ko sa Business Math, ma." Sabi ko hehe syempre di ko sasabihin na nagke-kdrama lang ako patay ako dyan.
"Di ka pa ba tapos?" Tanong nya.
"Ahh di pa po eh." Sagot ko, paano ako matatapos eh iba naman inaatupag ko talaga haha.
"Balikan mo nalang yan mamaya magdinner muna tayo anjan na ate Sheena mo. Baba ka na agad ha." Sabi nya na lumabas na din. Weeeeyyyttt!!! 'magdi-dinner' na ba ang sabi ni mama? Tiningnan ko yung oras sa laptop ko at the eff alas otso na pala?! Grrr yan talaga epekto ng pagka-adik sa kdrama ehh pero keri lang ke-gagwapo naman ehh!
After dinner nag-half bath ako at bumalik sa panonood ng The Heirs! At umabot pa talaga ako ng madaling araw kaya ayun alas onse na ng tanghali na ako nagising.
*Grrrk-grrrk* kanta ng tyan ko!
"Arrrrgghhh gutom na ko!" Usal ko na bumaba na ng kama at dumiretso na sa banyo para maligo then nagbihis ng loose t-shirt at maiksing short tas bumaba na din ako kaagad para makakain na.
Naabutan ko si ate Sheena na nagta-type sa laptop nya sa dinning table.
"May balak ka pa palang gumising?" Asar ni ate pero tutok parin sa ginagawa nya, report siguro or minutes.
"Balak ko na ngang sanang tuluyan ng matulog 'teh eh kaso ginutom ako eh." sarcastic kong sagot saka kumuha ng pagkain sa ref.
"Puyat pa more kase eh. Yung pimple mo sa noo oh." Sabi ni ate na di ko nalang to pinansin.
After kong kumain umakyat na ulit ako ng room na may dala pang curls hahaha this time for real tatapusin ko ng i-edit yung report ko sa monday, I'll study it narin at gagawan ko pa ng exam.
Monday morning, maaga naman ako but sa likod parin ako naupo tumabi sa akin si Kevin at late naman si Valeen hahaha.
"Uyy ready kana?" Tanong ni Kev ng tumalikod si ma'am para magsulat sa white board, hirap kaseng makapag chismisan kase malayo nga yung mga upuan.
"Para saan?" Pabulong din na tanong ko.
"Para se report mo sa Business Math, next period na yun." Sagot naman nya.
"Of course, ako pa ba?" Sabi ko sabay wink na binato nya lang ako ng papel na nilukumos nya.
"What it is Miss Ybañez?" Sheeyyty nahuli pa kami ni ma'am.
"Nothing ma'am, I'm sorry." Sagot ko kay Ma'am pero lihim ko naman na tinapunan ng masamang tingin si Kevin na nakangisi pa.
"Okay so please answer the activity in page 99 of your module then study in advance the topic according to your syllabus. Goodbye class!" Pagdi-dismiss ni ma'am.