Reena's POVNaiinip na ako sa paghihintay sa kanya. Nangako sya na uuwi ng 5PM at heto ayaw pa kumain ng bata na hindi sya kasabay.
"Mama? Nasaan na po si Papa?" matamlay na tanong ng bata.
"Darating na sya." pinilit kong ngumiti kahit na naiinis na ako kay Liam. Isang oras na nyang pinaghihintay ang bata.
"Just watch tv muna. Okay. I'll call you pag nandyan na si Papa." ngumiti sya at sumunod. Umakyat sya sa kwarto nya para manood ng tv.
"Lagot sa akin ang Liam na yan." I whispered saka naghintay na sa sala.
---
30 minutes pa akong naghintay. Then narinig ko ang isang busina sa labas at for sure it is Liam. Nagbukas ang pintuan.
"Bakit ngayon ka lang!" sigaw ko kahit di pa sya nakakatapak sa sala. Halatang nagulat sya sa sigaw ko. Para pa syang nagtatago sa akin.
"Anong oras na! Hindi ka tumutupad sa usapan!!"
"I'm tired okay. Just leave me alone!" singhal nya saka nilagpasan lang ako. Nainis ako kaya't mabilis ko syang pinigilan.
"Hey! Kinakausap pa kita! Ganyan ka ba talaga mambastos!" I grabbed him.
"I told you I'm tired. Bukas mo na ako kulitin tungkol dyan." nagsalubong ang kilay ko.
"Hindi pa kumakain ang anak ko dahil hinihintay ka nya! At sasabihin mo wag kita kulitin!"
"I didnt forced him to do that." lalo akong nabwisit sa narinig.
"Wala ka talagang pagpapahalaga sa kanya nu!"
"Hindi ko naman sya anak." nagulat ako sa sinagot nya.
"Hindi kita pinilit na maging ama amahan nya!" sigaw ko.
"And why are you-- " Natigilan sya sa pagsasalita. Lumingon sya sa akin and he saw my eyes. I'm about to cry.
"Ah." hindi na sya nakapagsalita. At sa halip hinawakan nya ang pisngi ko.
"Don't touch me." pagtataray ko at tinaggal ko ang kamay nya sa pisngi ko.
"You're crying.." malumanay nyang sinabi.
"Because you can't compromise. You have responsibilities to take care of with. Still it didn't matter to you." Sagot ko.
"Para sa anak ko nalang sana.. Be a father.." then he touch my cheeks with both hands.
"I'm sorry." he whispered. Nagulat ako. He just apologized? Then tumingin ako sa kanya and he's staring at me, eye to eye. Nabibilang ko nalang ang distansya ng mga mukha namin sa isa't isa. I smell his scent.
"MAMA? PAPA? Are you about to kiss?" nagulat kami pareho sa nagsalita. Namutla ako sa sinabi ng anak ko na nakatitig sa amin. Are we really about to kiss?
Bahagya akong lumayo kay Liam. Awkward na ang pagdidikit namin kanina.
"Gising ka pa! Let's eat!" pagbabago ng mood ni Liam at kinarga ang bata papuntang kusina. Naiwan akong mag isang nakatayo. Hinawakan ko ang dibdib ko na kanina pa tinitiis ang mabilis na pagkabog ng puso ko. He just said sorry lately. Then I let him touch me. Ano bang nangyayari sa akin!
This is not happening!
Kailangan umiwas.Sabay na kumain sina Liam at Lenard. Pinagmamasdan ko lang silang dalawa. Habang ako naghuhugas ng pinggan sa may lababo. Kanina lang nagsabi na sya na pagod sya. Tapos nagbago mood nya. Hindi ko talaga maintindihan ang lalakeng to.
BINABASA MO ANG
Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √
RomancePUBLISHED IN GRENIERIELLY PUBLISHING √ HR #4 in Tragic (11.23.18) Dinala si Reena ng kaniyang poot at galit sa pagsakay sa isang Cruise Line upang takasan ang kahihiyan idinulot sa kaniya ng hindi pagsipot ng lalakeng pakakasalan niya sa mismong ara...