Hatak ko ang maleta ko habang paakyat ako ng barko. This is my first time going on a cruise ship.. Ito yun wedding gift nila Mama at Papa sana sa amin kung natuloy lang ang kasal.
Naipailing ako. Ayoko maalala ang kahihiyan iniwan ni Joseph. Kaya ako tumakas sa amin para sandaling makalimot sa mga nangyari. At baka sa pagsakay ko sa cruise ship, maghilom ako.
"Mam." nagulat ako ng salubungin ako ng isang lalakeng naka unipormeng puti. Tingin ko isa sya sa mga cabin crew. Hiningi nya ang ticket ko at boarding pass. Then nagtawag sya ng crew para buhatin ang dala ko.
Walang alam sina Mama at Papa kung saan ako nagpunta. Nag iwan lang ako ng sulat at nagpaalam na sandali akong mawawala. Alam ko nag aalala sila ngayon, pero mas inaalala ko naman ang sarili ko kapag nagpatuloy akong magkulong sa bahay at paulit ulit pakinggan ang pagsosorry ni Tita Cora at ng mga relatives ni Joseph. Mababaliw ako.
Ah!
Nagulat ako sa flash ng camera. Bigla nalang kasing nagliwanag at sa mukha ko pa talaga tumama.
"Ano ba!" sigaw ko.
"I'm sorry. I didn't mean to. I was capturing the seas." Malumanay na tinig ng lalakeng may hawak ng isang DSLR.
Hindi na ako nagsalita ng magsorry sya. Iniwasan ko nalang then tumuloy na ako sa magiging kwarto ko. Bumaba ako ng B-Deck. Mabuti nalang may nag aassist sa mga first timer sa cruise ships kaya hindi ako naligaw.
"Thank's po Mam." ngiting paalam ng babae sa akin matapos nyang buksan ang pintuan ng kwarto ko. Binaba ko ang dala ko. Comfy naman ang kwarto. May kama, may coffeetables, cabinet sa side ng kama. May bathroom, at may maliit na kitchen.
Nahiga ako sa malambot na kama. Then pumikit at dinama ko ang unti unting pag ugoy ng barko. Papaalis na kami. Kinuha ko sa shoulder bag ko ang itinerary ng cruise. First stop namin sa Singapore, then sa Macau, Taiwan, China at huli sa Thailand. Susubukan ko'ng mag enjoy kahit parang malabo.
Naupo ako saka hinatak ang maleta.
Kasama sa promo na kinuha nina Mama at Papa ang libreng food along the cruise. Nag iisip na ako ng pwede ko isuot mamaya paglabas ko. For sure, halo halong tao ang makikita ko dun. May mga elite,at average people na kabilang ako."Gosh. Iilan lang pala nadala ko.", usal ko ng makita ang laman ng maleta ko. Naalala ko na, hindi naman ako nakapamili ng dadalhin. This whole trip was just unexpectedly. Hindi ko nga alam kung nagdala ba ako ng napkins at deodo. Basta kung anong nahatak ko bago makarating dito yun lang talaga ang dinala ko.
"Bahala na nga." hinablot ko ang isang dress sa nga nakatiklop kong damit then kinuha ko sa ibabaw ng coffeetable ang isang malinis na twalya.
"Need to take a bath." pumasok ako sa mala 5 star na shower room. Para kasing gawa sa porcelain ang tiles then yun bath tub na sa sobrang linis mahihiya kang maligo. Nagbabad ako for awhile. Then nakaidlip.
---
Nagising ako ng namalayan kong malamig na ang tubig na binababaran ko. Tumayo ako at hinablot ang bath robe. Bago ako lumabas ng shower room. Nagbihis na ako. Then nagpatuyo lang sandali ng buhok.
Humarap ako sa salamin. Minsan gusto kong itanong sa sarili ko yun mga linyahan ni Liza Soberano sa movie nya. Panget ba ako? Kapalit palit ba ako? Then why!. Gusto ko isigaw sa mukha ni Joseph yun. Then bigyan sya ng sampal kapag nangatwiran pa sya.
Then itanong sa kanya yun mga linyahan ni Claudine Barreto sa movie nya na Milan, Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako? O kailangan mo ako kaya mahal mo ako?. Mga ganun. Hindi nyo naitatanong, fan ako ng romantic drama movies.. kaya siguro nagsawa din si Joseph sa akin. Masyado na daw akong OA.
BINABASA MO ANG
Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √
RomansaPUBLISHED IN GRENIERIELLY PUBLISHING √ HR #4 in Tragic (11.23.18) Dinala si Reena ng kaniyang poot at galit sa pagsakay sa isang Cruise Line upang takasan ang kahihiyan idinulot sa kaniya ng hindi pagsipot ng lalakeng pakakasalan niya sa mismong ara...