Nagsasalita ang host para sa next part ng event. The dance.. At dahil inuna muna ang pagseserve ng pagkain, nagsimula na din akong kumain.
Nakita ko si Liam na nakatayo at kausap ang ilan kilalang tao mula sa kabilang table habang ako naiwan lang para kumain at makinig sa kanila. Ano nga naman ang alam ko sa mga pinag uusapan nila? Its just all about business. Huminga ako ng malalim.
Nakaserve sa table namin ang ilan pagkain. Naalala ko tuloy nung pagsakay ko sa cruise, mga domestic food ang kinakain ko. Kinuha ko ang fork and bread knife para gamitin. Nag isip pa ako paano ko sisimulan kainin ang nasa plato ko. Nilingon ko ang mga katabi ko at sinubukan kong gayahin ang ginagawa nila.
"Hello." nagulat ako sa lumapit sa akin, katabi ko sya from my left side. Sa pagkakatanda ko sya si Andro Recto. From Senator Ralph Recto relatives.
"Umm.. Hi." I smiled. Nahihiya akong tumingin sa kanila, pakiramdam ko hindi ako babagay sa lugar na yun.
"The food is great right?" he asked at sumang ayon ako. Masarap naman talaga.. Nahihirapan lang akong kumain dahil hindi ko alam kung papaano ako kikilos.
"We heard that your Liam's wife?" nagulat ako sa isang babae na nag approach sa akin. She's Jillian Montellano.
"Ah oo." sagot ko.
"You look very nice. No wonder kaya nahulog sayo si Liam." nakangiting wika ni Jillian.
"Salamat."
"Basta wag ka magpapatalo sa mga girls na nakapaligid kay Liam." nagulat ako sa sinabi nya.
"Ako?" tumango si Jillian.
"We all know that Liam is a heartbreaker. Madami na syang pinaiyak na babae. Madami na din naghabol dyan kaya were so happy that he's totally disciplined by you. Mukhang nagbabago na sya, right Andro?" natawa ang katabi kong binata.
Madami silang kinwento about Liam habang sabay sabay kaming kumakain. Schoolmate pala ni Andro si Liam nung nag aaral sila ng Public Administration sa UST then sabay din kumuha ng Major of Entre. Habang si Jillian at Liam magkasosyo sa isang real estate business.
Wala ako ibang narinig about sa kanya kundi ang pagiging womanizer nya. Pero he doesn't want to be committed kaya nagulat sila ng biglang nag asawa sya at may anak na. Malayong malayo sa pagkakakilala nila dito.
Matapos namin magkwentuhan. Namahinga ako sandali para sana kumuha ng maiinom sa wine bar nila. Nakakita kasi ako ng bartender na nag eexhibition habang naghahalo halo sya ng mga inumin. Gusto ko manood sana bago pa ako hatakin ni Liam para ipakilala sa mga kasamahan nya. At alam ko mauubos na ang oras ko pag nagkataon.
"I'll be right back." paalam ko sa mga kasamahan ko sa table. Lumakad ako across the tables bago marating ang wine bar. Then..
Ah!
Nagulat ako sa bumangga sa akin. Mabuti nalang hindi ako natumba at nakabalik sa postura ko.
"Sorry!" mabilis kong sinabi then nilingon ko ang nakabangga sa akin.
"What the.." hindi ako makapagsalita. I saw Joseph.. And suddenly biglang pumasok sa isipan ko lahat ng sakit at kataksilan dinulot nya sa akin. From knowing he had another girl and leaving me on the day of our wedding. And left without any reason. Lahat bumalik..
BINABASA MO ANG
Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √
RomancePUBLISHED IN GRENIERIELLY PUBLISHING √ HR #4 in Tragic (11.23.18) Dinala si Reena ng kaniyang poot at galit sa pagsakay sa isang Cruise Line upang takasan ang kahihiyan idinulot sa kaniya ng hindi pagsipot ng lalakeng pakakasalan niya sa mismong ara...