Chapter 14

3.1K 66 3
                                    


Reena's POV

Nakahabol ako sa uwian ng anak ko. Nagmadali ako na makarating dun bago sila palabasin ng teacher nila.

"Huh?" nagulat ako dahil wala na si Lenard sa loob ng classroom. May iilan din estudyante ang nakauwi na. Sinabihan ko pa man din si Papa na wag nang sunduin si Lenard.

Naisipan kong tanungin ang teacher nya.

"Hi. Mam. Nakauwi na po si Lenard?" tanong ko sa kanya.

"Nako Mam. Father nya po ba yan kasama nya kanina? Binantayan lang sya the whole class. Then sya na din nag uwi sa bata." I got speechless ng marinig yun. Kinuha ni Liam ang anak ko! Nagmadali akong umalis ng eskwelehan. Sumakay agad ako ng trike papunta sa amin. Ito na nga ba ang kinakatakot ko! Ang kunin nya sa akin ang anak ko. Talagang magkakamatayan muna kami bago nya makuha ang bata.

Wala pang ilan minuto nakarating ako sa bahay. Pawisan na ako pero hindi ko inintindi at nagtatakbo ako para buksan ang gate. Binuksan ko ang pintuan and..

"Mama!" nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang tinig ni Lenard sa pintuan palang ng bahay. Niyakap nya ako sa bewang ko at pansin kong nakabihis na sya ng pambahay. Huminga ako ng malalim. False alarm lang pala. Akala ko nandito si Liam at balak na nyang kunin si Lenard.

"Mama! Andito si Papa!" nawala ako sa pagiging kalmado ng sabihin yun ng bata.

"Ha!" nalilito ako sa sinasabi nya at hinatak nya ako papasok sa sala.

Nagsalubong na ang kilay ko ng makita si Liam na nakaupo sa isa sa mga upuan namin gawa sa kahoy. May malamig na apple juice sa lamesita na mukhang kabibigay palang ni Mama. Nakasampay sa sandalan ng upuan ang itim nyang coat. He's just wearing his white long sleeve.

"Ang tagal mo." matigas nyang sinabi. Nairita ako. Dahan dahan akong lumapit.

"Leave us muna anak. Mag uusap lang kami." Utos ko sa anak ko na agad nyang sinunod. Kami nalang naiwan ni Liam sa sala. Kinuha ni Mama si Lenard para sandaling ilabas muna ang bata. Binaba ko ang gamit ko sa upuan.

"Bakit ka nandito! Matapos mong saktan ang anak ko." singhal ko kaagad sa kanya. Bigla nyang hinagis ang isang folder sa lamesita. Nagtataka ako kaya't kinuha ko at binuksan.

"Talagang pina DNA mo pa ang anak ko!" nag alboroto na ako. Parang pinalalabas nya na nagsisinungaling ako.

"I just wanna make sure na totoo ang sinabi mo. Mayaman kami. At malay ko ba kung isa ka lang sa mga babaeng gustong yumaman kaya pinaaako sa akin ang bata." lalo akong nainis sa sinabi nya.

"Wala ka talagang modo!" sigaw ko. He chuckled.

"Now, I know that Lenard is a true Imperial. I've been processing some papers to be his legal guardian."

"Ano! Hindi ka nya kailangan!" natawa sya.

"He needs a father. At ako lang ang kailangan nyo." naiinis ako sa katotohanan na tama ang pinagsasabi nya. My son needs a father kahit sa maikling panahon lang, para ba unti unti namin maipaliwanag sa kanya na patay na ang tunay nyang ama.

"Ano bang gusto mong palabasin?" he smiled.

"Sinira ng anak mo ang iniingatan kong imahe. That's why you need to follow what I want." nagulat ako. Sabay naalala ko ang tungkol sa nangyari sa presscon.

"At bakit ako susunod sayo!"

"Because this is what you need." hindi ako makakatwiran sa sinabi nya.

"Dalawang buhay ang nagulo dahil sa pagsulpot ng bata sa presscon. Buhay ko at buhay nyo." He continued.

"Kung gusto mong maayos ang buhay natin pare pareho. Sundin mo ang gusto ko." matigas nyang wika.

Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon