Chapter 40

2.9K 51 3
                                    




Nag aya si Zig na sabay kaming kumain ng lunch pagsapit ng breaktime. Pumayag ako tutal mukha syang mabait at madali kong mapapakisamahan. Wala naman sigurong masama dun.

Sumakay ako sa dala nyang kotse at nagmaneho sya patungo sa pinakamalapit na restaurant sa office. Sya na din ang nagbayad ng kakainin namin. Wala na ako binayaran.
Naupo ako sa isang bakanteng upuan at hinintay ko na iserve ang order namin habang sya nasa cashier at nagbabayad.

"Eat lots. Okay. Wag ka mahihiya." biro nya nang makabalik sya sa mesa namin. Ngumiti ako. Komportable ako na kasama ang lalakeng ito, may anggulo sya na kahawig nya si Leandro.  At the way he talks, may pagkamalumanay unlike Liam na parang laging galit.

"So, ano pala nagustuhan mo kay Leandro?" naisipan nyang itanong nang magsimula na kaming kumain ng ihain sa table ang appetizers at main dish.

"Well, bukod sa gwapo sya. Mabait." natawa si Zig sa sinabi ko.

"Mabait talaga si Leandro. Ibang iba kay Liam na paarang leon na manlalapa ng tao." nakatawa nyang sinabi saka inalok ako ng inumin.

"Mabait din si Liam pero sa ibang paraan." pagtatanggol ko.

"I know. Pero sa amin lahat na magpipinsan. Si Liam talaga ang iniiwasan." Nagsimula na akong magtaka sa sinabi nya.

"Bakit naman?"

"Liam can hold grudges. At simula ng makuha nya ang position as CEO mas lalo na syang kinatakutan. Even his adoptive parents." huminto ako sa pagkain. What is he trying to say?

"What do you mean?"

"He'll revenge ." Nagulat ako. Sandali akong natulala sa pagkain kaharap ko.

"Nag away nga yan sina Lean at Liam bago sya maaksidente e." nagbago na ang emosyon ng mukha ko nang marinig ko ang sunod nyang sinabi.

"Ano pinag awayan nila?" nag aalala kong tanong.

"Dahil sa mana na yan." inis nyang sinabi.

"As the heir?" sumang ayon sya.

"Oo.. Isa lang ang pwedeng maging tagapagmana. Leandro doesn't want to be. And Liam was so eagier to take on the position."

"Ang alam ko, Leandro had found out where to find you and your son bago sya mamatay. He told us kaya nga ayaw nya nang maging tagapagmana dahil mas pinipili nya kayo. Kaya lang, pinigilan sya ni Liam." tuluyan na akong nawalan ng gana sa pagkain. Pinigilan ni Liam si Leandro na puntahan kami. Bakit?

"Why?"

"I don't know. Liam is the one you should ask for it. Saka, Leandro died. Yun lang ang kinakalungkot ko. Namatay sya nang di man lang kayo nakikita." gustong pumatak ng luha ko. Bumalik nanaman sa diwa ko ang sakit na naramdaman ko nang malaman kong wala na si Leandro.

"Are you okay?" nag aalalang tanong ni Zig saka tumawag ng waiter para humingi ng isang basong tubig. Inabot nya sa akin ang isang malamig na tubig at dahan dahan kong ininom yun saka nakahinga ng malalim. Parang sumikip ang dibdib ko sa narinig.

"Baka pinigilan lang nya si Leandro dahil para ito sa makakabuti." sagot ko para mawala ang pagdududa. Ayoko na mag isip tungkol sa sinabi nya na pinigilan ni Liam si Leandro na makita kami. Kilala ko si Liam, he won't do such thing at mahal nya ang kapatid nya. Mahalaga ang kaligayahan nito kaysa sa mamanahin.

"Baka nga. I guess Liam changed simula ng makilala nya kayo." Nagpakawala ako ng malalim na hininga saka inubos ang natitirang laman ng baso ko. Tinapos namin ang pagkain bago bumalik sa opisina. Tinuon ko ang atensyon ko sa trabaho. At inalis ko sa isipan ko si Leandro.



Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon