Natapos ang second part ng tug war at team ng Grade 4 ang nanalo. Afterwards, binigyan kami ng 30 minutes break bago magsimula ang sunod na laro which is the hunger games. Mga babae ang required na sumali kaya napilitan na akong lumahok. Nasa audience seat naman ang mag ama na nagpapahinga, habang ako naman ang sasabak at susubukin manalo sa sunod na activity. Kahit na di ako sure kung kakayanin ko ba.
"Our next game will be Hunger Games, so mga Misis kayo muna ang maglalaro dahil tapos na po ang games nila Daddy." biro ng host at nagtawanan ang mga tatay na nakaupo at nagpapahinga.
"So this is the mechanics, may 2 stages ang game na ito, at dahil ang name ng laro is "Hunger" so this is related to food. Nakikita nyo po ba ang isang malaking inflatable pool sa harapan nyo?" She asked at saka hinatak sa harap namin ang isang malaking inflatable pool na punong puno ng styro balls na may iba't ibang kulay.
"Ang mga kamay nyo po will be hand cuffed habang naglalaro. So ang gagamitin nyo para maghanap ng pagkain inside the pool is your lips. Bawal sumakay sa pool. But beware na baka junk food ang makuha nyo, it will lessen your points so mag iingat kayo.. May apat na teams with 3 members only, the two teams na mananalo sa stage na ito will have the chance to go on the last stage. So are you ready mga momshies!!" nagsigawan na ang mga bata. Huminga ako ng malalim, then nag relax ako sandali.
Nakita ko si Lenard na patalon talon at nagchecheer. I need to win.
Bumuo na kami ng mga grupo, kasama ko sa team namin sina Mrs. Domingo at Ate Cherry, na halos kaedaran ko lang. Kalaban namin ang mga nanay from the Grade 4 students and Grade 6 students.
May apat na inflatable pool, bawat isa kailangan makakuha ng isang uri ng pagkain sa pool after a minute, kapag hindi nagawa, tatakbo sya paikot sa pool then babalik sa teammates nya para ang susunod naman ang mag attempt na kumuha. We only have 15 minutes para sa laro so wala dapat sayangin oras.
"Okay na ba tayo mga Mommies!" tanong sa amin ng host. Pumila na kaming tatlo, nasa hulihan ako. Ready ng tumakbo si Mrs. Domingo once she heard the pistol. Lahat kami ay alerto, at lahat ay sandaling natahimik.
BANG!!
Nagulat ang mga manonood sa pagputok na muli ng starting pistol. Mabilis na nagsimula ang laro, hindi ko namalayan na nasa pool na si Mrs. Domingo. Mabilis syang naghanap ng pagkain, then she found an apple toy. Mabilis nyang kinagat yun at nilagay sa isang basket then nagtatakbo paikot sa pool pabalik sa amin, sumunod si Ate Cherry na medyo bumagal ang takbo.
"Go Mama!" narinig kong sigaw ng anak nya. Kinakabahan na ako sa pagkakataon ko. Hindi talaga ako yun tipo ng sumasali sa mga palaro. Noon, nag aaral ako, panay upo upo lang ako at taganood sa mga naglalaro twing christmas party o kaya may sports fest sa school. Hindi ko talaga ugali sumali. Pero ngayon may anak na ako, kahit magsasayaw ako dyan at kumanta ng wala sa tono, gagawin ko. Ganun nga siguro talaga pag magulang kana. Bahala na pagtawanan ng iba basta para sa anak.
"REENA! GO!" nagulat ako when Liam shouted. I heard him at bumalik ang atensyon ko sa laro, its already my chance para tumakbo. I rushed hanggang sa marating ko ang pool, then nilublob ko ang ulo ko sa mga styro balls saka mabilis na naghanap ng maiipit ko sa bibig ko. I saw something sa ilalim but then naalala ko na bawal ang junkfood. Nakita ko kasi yun favorite cupcake ni Lenard at alam kong hindi counted sa game yun kaya naghanap ako muli ng makakagat ko.
Naririnig ko ang ingay ng cheer ng iba't ibang panig. Nagkakagulo. Nagsisigawan. Then naramdaman ko ang isang bagay na dumikit sa bibig ko at agad kong kinagat yun. Pag angat ko ng ulo ko, I saw a banana sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √
RomancePUBLISHED IN GRENIERIELLY PUBLISHING √ HR #4 in Tragic (11.23.18) Dinala si Reena ng kaniyang poot at galit sa pagsakay sa isang Cruise Line upang takasan ang kahihiyan idinulot sa kaniya ng hindi pagsipot ng lalakeng pakakasalan niya sa mismong ara...