Mabilis kong tinago ang flash drive. Nanginginig ako sa takot. Sinubukan kong tawagan si Liam pero hindi ko na sya makontak. Bumalik ako sa kwarto ni Lenard at tumabi ako sa kanya. Mahimbing na syang natutulog at ako hindi pa din abutan ng antok dahil sa nakita ko. Natatakot ako para sa kaligtasan ng mga mahal ko. Naisipan kong tawagan sina Mama at Papa."Ma!" tawag ko kay Mama nang sagutin nya ang tawag ko. Medyo paputol putol ang boses nya at mukhang nagising ko pa sya sa pagkakatulog.
"Bakit anak? Napatawag ka?" Lumuwag ang paninikip ng dibdib ko nang marinig ko ang boses ni Mama. Okay lang sila pero hindi ako panatag sa kaligtasan nila.
"Mama! Bukas ipapasundo ko kayo. Dumito muna kayo sa bahay ni Liam." Mabilis kong sinabi pero may kaba at takot sa tono ng pananalita ko.
"Ano bang nangyayari Reena?" Nalilitong tanong ni Mama. Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag pero alam kong nenerbyosin lang si Mama pag sinabi ko ang totoo.
"Please Ma! Ipapasundo ko kayo bukas okay! Bukas ko na ieexplain." sagot ko.
"O sige! Sasabihin ko bukas sa Papa mo. Tulog na sya e." ngumiti ako.
"Sige Ma! Salamat Ma. Mag iingat kayo dyan." huli kong sinabi bago ko putulin ang tawag. Nilapag ko ang phone sa katabing side table. Saka ako bumalik sa pagkakahiga at niyakap ang anak ko.
---
Maaga ako gumising para ipagluto ang anak ko ng almusal. Nakabihis na ako para pumasok sa trabaho. Habang si Lenard suot na ang uniform nya sa school. Maaga dumating ang mga guards na magbabantay kay Lenard. Sina Yoshua at Kael. Habang si Nel ang magmamaneho ng sasakyan na maghahatid sa amin pareho.
Nilapag ko ang isang baso ng gatas sa mesa. Kinuha iyun ng bata at ininom.
"Mama, kailan po babalik si Papa?" natigilan ako sa ginagawa nang marinig ang sinabi nya. Nilingon ko sya na nakatingin sa akin.
"Babalik na sya today. May inasikaso lang sila ni Kuya Jio.." pagpapaliwanag ko. Ngumiti ang bata.
"Anak, kapag may nag aya sayo na makita si Papa or ako, wag kang sasama. Kina Kuya Yoshua at Kuya Kael kalang sasama." tumango ang bata.
"Eh kapag po si Papa ang nagsundo sa akin?" tanong nya.
"Of course kapag si Papa ang kumuha sayo, sasama ka. Just don't talk to strangers ha." agad sumunod ang bata. Ayoko na sana syang papasukin pa sa eskwelahan pero ayoko naman syang mag isip na may hindi tamang nangyayari.
Matapos nyang kumain, sabay kaming lumabas ng bahay para sumakay sa kotse na maghahatid sa amin. Sinilip ko ang phone ko para sana tignan kung may message si Liam.
"Nagtext na sya!" gulat kong sinabi nang makita ang pangalan nya. Binasa ko ang text.
I'll be home tonight. I'm sorry kung pinag alala kita at hindi agad nakapagrespond sa texts mo. By the way, I already know where Zig is. Pupuntahan namin sya mamaya.
Kinabahan ako sa nabasa ko. Pero may tiwala ako kay Liam, hindi nya hahayaan mapahamak sya, para sa amin ni Lenard. Hinatid kami ni Nel sa school ng bata at pagkatapos ay sa Sunlife.
Normal na ang sitwasyon sa Sunlife pero usap usapan pa din ang nangyaring pagnanakaw sa insurance. Anna said na sya ang nag aasikaso ng gulo sa Imperial habang wala si Liam.
"Reena?" nagulat ako ng masalubong si Chris sa elevator. Mukhang kadarating lang nya.
"Oh! Si Jaica? Wala pa?" naalala kong itanong dahil madalas silang sabay na pumapasok.
BINABASA MO ANG
Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √
RomancePUBLISHED IN GRENIERIELLY PUBLISHING √ HR #4 in Tragic (11.23.18) Dinala si Reena ng kaniyang poot at galit sa pagsakay sa isang Cruise Line upang takasan ang kahihiyan idinulot sa kaniya ng hindi pagsipot ng lalakeng pakakasalan niya sa mismong ara...