Chapter 49

3.2K 54 4
                                    



Si Liam ang pinaka importante sa amin mag ina ngayon. Sya ang tumayong ama ng anak ko, sya ang nag bigay ng halaga at muli nagparamdam sa akin na isa din akong babaeng dapat panindigan at mahalin ng tunay. Buong buhay ko, akala ko hindi ko na ulit mararanasan iyon. And I thought Liam was just another guy na sasaktan ako. Pero nagkamali ako, habang kasama namin sya.. Unti unti syang nagbago.. binuksan nya ang nakasarado nyang munfo para sa amin. Minahal nya ang anak ko na parang tunay na anak.. Binigay nya ang buhay para sa amin. At lahat lahat.. ng pupwede nyang isuko, ginawa nya. Hindi sya ang perpektong lalake na nakilala ko, madami syang pagkakamali, madami syang ginawang mali. Pero bawat araw na magkasama kami, ginawa nya ang lahat para itama yon. At nakita ko ang isang lalake na binago ng kanyang pagmamahal. Buong buo, ang buhay nya ay nagkaroon na ng kulay..

Nakulong sina Anna at Cassy. Pero si Anna matapos ang isang linggong pagkakakulong at paglilitis sa kanya. Nagdesisyon ang hukuman na iparehab sya. Dahil siguro sa unti unting pagkabaliw nya habang nasa kulungan sya. Sinasaktan nya ang sarili nya at sa tuwing dadalaw ako para makita sya. Umiiyak sya sa harapan ko at tila may kinakausap na ibang tao.

Si Cassy naman, nakulong sa sala na pagnanakaw ng pera sa insurance. Sya ang nag access ng accounts ng Imperial. At kasama din sya sa pagkidnapped sa anak ko. Si Zig naman, pinawalang sala dahil wala talaga syang kinalaman sa mga nangyari ultimo sa pagkamatay ni Leandro. Nangyari lang na umamin sya bago mamatay si Leandro at nagkausap sila para balaan nya ang pinsan. Kasama na din ang pagtangkang pagpatay sa kanya ni Anna.

Ilan araw ako sa ospital, nagpagamot sa mga sugat na natamo ko at sa pagpapagaling ng anak ko. Nagkaroon sya ng trauma sa nangyari, at kinakailangan ko syang ipacheck up at ipakonsulta.

Matapos ko makalabas ng ospital, nagresign ako sa Sunlife. Inayos ko ang gulo na kinasangkutan ng mga Imperial. Binayaran ang penalty sa ginawang krimen ni Anna. Naging bali-balita ang nangyari sa amin. Nagkaroon ng usap usapan sa kumpanya sa mga posible pang traydor at magnanakaw sa Imperial na naging kakutsaba ni Anna. Lahat ay pina imbestigahan, may mga sumuko at lumantad. Pinatanggal at nagkaroon ng reformat.

Nawala si Anna, at hindi ko alam kung sino ang tatayong in charge habang wala si Liam.. Magulo sa ngayon ang Imperial, samo't sari ang pasaring sa balita tungkol sa pagbagsak ng Imperial dahil sa million million ninakaw ni Anna noon may katungkulan sya dito. Lumabas din ang mga illegal na proyekto nya.

Si Lenard naman, inilipat ko ng eskwelahan, binalik ko sya school nya kung saan sya nag aaral noon. Umalis kami sa mansyon at bumalik kina Mama at Papa.

"Mama?" nagulat ako nang marinig ang boses ng bata sa pinto ng kwarto ko. Nakatayo sya doon at yakap ang isang teddy bear na stuff toy. Lumapit sya sa akin at naupo sa kama. Tinaas nya ang dalawa nyang paa dito.

"Anak, alam ko madami tayong dinanas nitong nakaraan linggo, pero gusto ko talaga aminin na sayo ang totoo.." kinakabahan ako habang nagsasalita. Alam ko mali ang tyming ng pag amin ko sa bata na patay na ang totoong tatay nya. Pero kung hindi ko pa sasabihin, mas lalong gugulo ang mga bagay na pinaniniwalaan nya.

Nakatingin lang sya sa akin at hinihintay akong magsalita. Humugot ako ng malalim na paghinga bago nagsalita.

"Si Liam, hindi sya.. hindi sya ang tatay mo.." hinawakan ko ang pisngi ng bata.

Nanatili syang walang reaksyon.

"Alam ko po Mama." nagulat ako sa sinagot nya.

"Alam ang alin?" mabilis kong tanong.

"Na hindi po si Papa Liam ang tunay kong tatay." hindi ako makapagsalita sa narinig.

"K-Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi agad?!"

Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon