Chapter 9

3.3K 61 2
                                    


Years later..

"Happy Birthday To You!! Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday To You!!" nagpalakpakan kami matapos kumanta ng happy birthday ang mga bata.

"Blow your candle Lenard!" masaya kong yaya sa anak ko para magblow na ng cake nya. Nagsilapitan ang mga bata na may kanya kanyang party hat sa ulo, then ang iba may dala dalang give aways na napalunan nila sa laro kanina.

Excited na inihipan ni Lenard ang 2 layer cake nya. Pero bago yun nag wish muna sya.

"Ang wish ko, sana po dumating na si Daddy!" nagulat kami ni Jaica sa sinabi ng anak ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Matapos nyang magwish agad nyang inihipan ang cake at niyakap ako. Bumalik sya sa mga bisita nya para maglaro pa.

"Hindi mo pa din sinasabi?" asked Jaica sa akin. Umiling ako. Sa lumipas na limang taon, wala na akong balita kay Leandro. At hindi pa din alam ng anak ko ang tungkol dun. Umaasa pa din sya na babalikan kami ng ama nya kahit parang imposible na.

"Luka, limang taon na si Lenard still wala pa din syang alam? Kailan mo balak sabihin?"

"I dont know. Saka para saan pa? Ang alam nya nasa malayong lugar ang tatay nya at naniniwala sya dun."

"Hanggang kailan mo paniniwalain yan inaanak ko? Maawa kana man sa kanya?" bumuntong hininga ako. Alam ko mali pero naawa din ako sa anak ko once malaman nyang hindi na kami binalikan ng tatay nya.

Matapos kumain ng mga bisita, unti unti na din nagsiuwian ang iba. Nagpaalam sa akin ang mga magulang ng mga kaklase ni Lenard sa kindergarten na inimbitahan ko. Kahit papaano nairaos ko ang mga birthdays ng anak ko dahil sa tulong nina Papa at Mama, ganundin ang trabaho ko.

"Inuman na tayo!" yaya sa amin ni Chris pagkabigay nya sa inaanak nya ng regalo. Ngumiti ako. Sina Jaica at Chris lang ang naging sandalan ko sa mga taon wala si Leandro. Malaki ang naging role ni Chris sa buhay ko, bukod sa sya ang nagpasok sa amin sa trabaho namin ngayon, isa sya sa malapit sa anak ko at kinikilala nitong pangalawang ama. Inanak nila ni Jaica si Lenard nung binyag nito.

"Wow Tito! Salamat po sa car!" sigaw ng anak ko ng buksan nya ang regalo nya. Isang remote controlled car. Agad niyakap ni Lenard si Chris. Saka humalik sa pisngi nito.

"Ang expensive naman ata ng bigay mo." bulong ko sa kanya sabay natawa sya.

"Para sa inaanak ko. Walang mahal mahal sa akin." ngumiti ako. Nagkayayaan na kaming mag inuman kasama pa ang ilan katrabaho ko. Habang sina Mama at Papa na ang nag ayos ng mga lamesa at upuan na ginamit sa party kanina.

Hindi naman ako tumigil sa paghahanap kay Leandro. Hindi rin sya nawala sa isipan ko at umaasa na tutupadin nya ang pangako nya. Pero limang taon na si Lenard at hanggang ngayon nagkakasala pa din ako sa anak ko.

"Tagay sayo!" wika ni Jaica saka nilagyan ang baso ko.

"Okay ka lang ba?" siniko ako ni Chris na katabi ko. Umiling ako.

"Is it about Lenard's father?" tumango ako saka tinungga ng diretso ang basong may laman alak.

"Nahihirapan na ako itago sa anak ko ang totoo. Kaya lang naaawa ako kapag nalaman nyang wala naman na talagang syang ama."

"Maiintidihan ka ng bata. Matalino si Lenard." nag aalala pa din ako. Parang hindi pa din ako handa.

"Paano?"

"Think of it a million times bago mo sabihin sa kanya. I'm sure maiintindihan ka nya." sumang ayon ako pero magulo ang isip ko. Hinawakan ko ang kwintas ko na bigay pa noon ni Lean. Tama nga kaya na sumuko na ako sa paghahanap ko kay Leandro at kapalit nung malaman na ng anak ko ang totoo..

Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon