Nagsimulang tugtugin ang Ballad version ng kantang I Finally Found Someone. Niyaya nya ako sa gitna. Hindi nya binibitawan ang kamay ko.
Parang ayaw nya akong pakawalan, then kinuha nya ang dalawa kong kamay saka pinatong sa balikat nya. Sinubukan ko syang sundan sa ugoy ng katawan nya."Relax. I won't bite." nanliit ang mga mata ko sa kanya then he wears a smile.
"Ayan kana naman ha!" bulong ko sa kanya. Lalong humigpit ang hawak nya sa bewang ko dahilan para lalo kaming magdikit.
"You're dancing!" natawa ako. Napansin ko nga na sumasayaw na ako, akala ko hindi sya marunong pero sya pa itong nagdadala sa akin.
"I thought you don't dance!" ngumiti syang pilyo.
"I just told you I don't para sumama ka sa akin. Kung pareho tayo hindi marunong sumayaw, for sure papayag ka." hinampas ko sya sa balikat.
"Ouch. That hurts!"
"Sira ulo ka talaga! Ginawa mo yun at naniwala naman agad ako!"
"Sorry. I was just trying to make you comfortable. Saka, para naman maglakas loob kang subukan. Don't just stay on your comfort zone. Try new things. Try to risk.." nag isip ako. Hindi ko alam paano ko ieexplain sa kanya na mahirap para sa akin ang sumubok ng mga bagay na bago sa sarili ko.
"Takot ka?" Nagulat ako. At bigla nalang nagbago ang tugtugin. Natapos ang unang kanta at nagsimula ng tugtugin ang kantang All My Life.
"Paano kung sabihin kong oo. Sa dami ba naman nang dinanas ko, hindi na ba ako matatakot?" natawa sya.
"Alam mo ba na takot din ako." nagulat ako sa sinabi nya.
"Takot saan?"
"Takot magtiwala. Because when I begin to trust someone. I gave it all. Me, my life and the world.." namula ako sa sinabi nya. Lalo pang nagdikit ang mga katawan namin. I saw his blueish eyes.. Kumikinang.. Nakakaakit.
"Lahat naman ng tao may kinakatakutan, its up to them how will they overcome it. Kung ako ang tatanungin, gusto ko mawala yun takot ko, ikaw ba?" napaisip ako sa sinabi nya. Then dahan dahan akong tumango.
"Why don't you try?"hindi na ako nakasagot ng matapos ang kantang All My Life, niyaya nya akong maupo at pinahinga ko ang mga paa ko. Sandali syang nagpaalam sa akin para kausapin ang mga investors nya. Muling sumagi sa isipan ko ang mga sinabi nya, kanina.Sa mga tingin nya parang tinutulak nya akong gumawa at sumubok ng isang bagay na mahirap pasukin. Oo, takot ako hindi para sa sarili ko, takot ako para sa anak ko, dahil ano man desisyon gawin ko I know maapektuhan sya. Isa na dun kung sabihin ko na ang totoo.
Naiinis ako dahil hanggang ngayon mahirap pa din sa akin ang pagdedesisyon.
---
1 AM natapos ang event. Nakatulog na ako sa kotse at hindi ko na alam ang nangyari, sa natatandaan ko, sinundo kami ni Jio. Habang si Liam lasing na lasing na pero matino pa ang diwa nya.
Kasama ko pa syang sumakay sa limo.
Nakatulog na sya ng papauwi na kami kaya nagpatulong nalang ako kay Jio na dalhin sya sa kwarto nya."Dito mo nalang sya ibaba." bilin ko kay Jio at inihiga nya sa kama ang tulog na si Liam. Lumabas na sya ng kwarto at naiwan nalang kaming dalawa.
"Paano ka kaya papasok nyan bukas?" I whispered habang tinatanggal ang bowtie nya. Naupo ako sandali sa kama para tanggalan sya ng suot nya. Pakiramdam ko nasasakal sya sa coat nya.
"Reena.." nagulat ako ng banggitin nya ang pangalan ko. Hinawakan nya ang kamay ko.
"What? Magpahinga kana." sagot ko at binitawan nya ako.
BINABASA MO ANG
Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √
RomancePUBLISHED IN GRENIERIELLY PUBLISHING √ HR #4 in Tragic (11.23.18) Dinala si Reena ng kaniyang poot at galit sa pagsakay sa isang Cruise Line upang takasan ang kahihiyan idinulot sa kaniya ng hindi pagsipot ng lalakeng pakakasalan niya sa mismong ara...