Chapter 7

3.7K 69 2
                                    

Nagising ako sa ugong ng barko. Dumaong na pala ito sa huling destinasyon at yun ang China. Idinilat ko ang mga mata ko.

"Lean?" tawag ko sa kanya. Pero walang sumasagot. Bumangon ako. Tanging ang suot ko lang ay ang long sleeve na suot pa ni Lean sa event last night.  Bumaba ako ng kama.

"Leandro?" tawag kong muli sa kanya. Pero walang sumasagot. Nakita ko pa ang DSLR nya sa ibabaw ng couch pati ang ilan gamit nya. Lumakad pa ako pero walang talagang Leandro. Kinabahan na ako kaya't agad na akong nagbihis. Nagsuot lang ako ng flippers bago tumakbo palabas ng kwarto. Agad kong hinanap ang kwarto nya sa C-Deck.

"Goodmorning Star Cruise! We've finally arrive in the country of China.Please everyone who will leave the ship please proceed to the upper deck for orientation and tour destinations." narinig ko sa buong hallway. Ang kapitan ang nagsasalita. Hindi ko na masyadong pinakinggan pa ang mga sumunod na sinabi nito. Pagsakay ko ng elevator, huminto ito sa C-Deck saka ako tumakbo sa hallway. Nakita ko ang pintuan ng kwarto nya. Binuksan ko yun.

"Lean!" sigaw ko pero wala akong narinig na tinig. Maayos ang kwarto nya. May iilan pa syang damit sa ibabaw ng kama. Nilapitan ko yun.

"Did he just left?" halos maluha ako. Hindi ko na alam saan ko hahanapin si Lean bukod sa kwarto nya at.

Naisipan kong puntahan ang venue ng last night's event. Maaaring may alam ang mga kasamahan nya. Nagtatakbo ako pababa ng lower deck.

Pagkadating ko doon, nakita ko na inaalis ang ibang mga photographs na nasold out last night.

"Your Lean's friend? Right?" nagulat ako sa lalakeng lumapit sa akin. May dala syang gamit habang bitbit ang isang frame ng picture.

"Yes I am. Bakit?" mabilis kong sagot.

"Were looking for him at hindi namin sya makita. Someone bought his pictures kaya lang wala naman sya." nagulat ako.

"Where are the pictures now?"

"It was sold last night. At dinala na ito ng buyer. Alam mo ba kung nasaan si Leandro?" kahit ako hinahanap ko din sya. At dahil wala din alam ang mga kasamahan nya, wala na ako maisip kung saan sya hahagilapin. Para bang sa isang iglap nagising ako sa isang mahabang panaginip.

Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi nya. Nanghina akong bumalik sa kwarto ko. Nag iisip, natutulala, nag aalala. All of sudden, Leandro disappeared.

Naupo ako sa kama ko. Parang kagabi lang katabi ko pa sya at hindi nya ako binitawan. Gumising ako na wala na sya sa tabi ko. At ngayon para syang hangin biglang naglaho.

"Lean.." naluha ako. Once again, a man I loved just left me at ang masakit pa, naniwala ako. Naniwala ako na may tulad nyang lalake na magmamahal sa akin. Like him..

Nakita ko ang coat nya sa couch. Kinuha ko yun at inamoy. His scent remains on it. Niyakap ko yun.

"Huh!" may nakapa akong lamukot na papel sa loob ng bulsa. Kinuha ko yun. Nakita ko ang handwritings ni Lean.. And it was for me.

Dear Reena,

I left because I need to fix myself to be able to give you the life you want. Gusto ko maging deserving para sayo, at para magawa yun, kailangan kong ayusin ang buhay ko. Babalik ako Reena. Nangako ako. And always remember that your the first and only woman I'll loved for the rest of my life. Bye for now Reena.. I'll come back for you..

Naluha ako sa nabasa. Lean left me without a word. Hindi ko alam kung ano bang pahiwatig nya sa iniwan sulat. Pero kung ano man yun alam kong babalik sya at maghihintay ako.

Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon