Ginabi na kami nakauwi ng bahay. Nakaidlip ako sa sasakyan habang nagmamaneho si Liam. Hindi mawala sa isipan ko how he told me that he loves me. Para akong nanigas na yelo kanina at hanggang ngayon. I didn't respond pero I'm sure naiintindihan nya yun."Reena. Wake up." nagulat ako ng marinig sa kanya yun. Nasa bahay na kami at bumaba na sya ng sasakyan. Pinagbuksan nya ako ng pinto. May dala akong ilan paperbags ng pinamili ko.
"Inaantok kana? You should rest." he said bago ako pumasok sa kwarto ko. Nakita ko syang nagpunta ng kusina. Mukhang hindi pa sya magpapahinga. Pagkapasok ko ng kwarto ko, binaba ko ang gamit ko at sandaling humiga sa kama. Nakatingin ako sa kisame ng kwarto at tila nag iisip. Nag iisip ako kung kailan ako makakapagrespond sa I Love You ni Liam. Though alam ko naman na makakapaghintay sya. Pero bakit ganito? Parang naiinis ako.
Pumikit ako, at nakatulog. Hindi na ako nagpalit ng damit ko. At hindi ko na naiayos ang mga pinamili ko.
---
Nagising ako ng maaga kinabukasan, naisipan ko kasing magsimba.
"Liam? Goodmorning!" nagtatakang bati ko sa kanya nang makita ko sya sa kusina. Maaga syang gumising at bihis na bihis sya.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko. Its sunday. May trabaho kaya sya? Or may kinalaman sa urgent call na tumawag sa kanya kahapon.
"I'm going to France to have a meeting." Nagulat ako sa sinagot nya. France agad?
"Negosyo ba yan?" tumango sya habang iniinom ang laman ng tasa nya.
"Naalala mo yun tumawag kahapon. It was from France. Dun ko imemeet yun CEO ng Alejo Group of Companies. Kaya ilan araw akong wala." nalungkot ako sa narinig. Mawawala sya ng gaanu katagal? Parang ngayon palang hahanap hanapin ko na sya
"Aalis ka? Ilan araw kang mawawala?" tanong ko.
"3 days I guess." ayoko sana syang umalis pero dahil trabaho yun at ayoko maging hadlang, wala akong choice kundi payagan sya.
"Ingat ka dun ha." ngumiti sya.
"Babalik ako, soon. Okay. Tsaka magpapaalam ako kay Lenard." tumango ako. Tumayo sya para lapitan ako at dahan dahan akong niyakap.
"I'll gonna miss you." he whispered. Humawak ako sa likuran nya. Na para bang sinasabi na don't go.
Matapos nyang magkape. Nakita ko si Jio na kinuha ang dala nyang maleta. Sya ang maghahatid sa kanya sa airport.
"Call me if there's an emergency ha." he just said bago umalis. At kumaway lang bago sya pumasok sa kotse. Hinintay kong makaalis ang sasakyan, at nakaramdam na ako ng lungkot.
I want Liam to stay.
Pero mali. He is a businessman. He's always busy. Napailing iling ako habang nag iisip.
"I need to take a bath." I said to myself at tumakbo ako papunta sa kwarto ko.
Naligo ako at nagbihis. Sinubukan kong kontakin si Jaica para sana yayain magsimba pero nakaalis na ako ng bahay at hindi pa din sya nagrerespond. I guess busy din sya.
Sumakay nalang ako ng taxi at nagdecide magsimba sa Baclaran.
Sa byahe na ako nag ayos ng buhok at mukha ko. Ilan minuto lang ako inihatid ng taxi. Binaba nya ako malapit sa simbahan. Mainit ang panahon kaya pinagpawisan agad ako. Iniisip ko kung nakasakay na ba ng eroplano si Liam.Nagulat ako ng biglang magvibrate ang phone. Nakita ko agad na nag appear ang pangalan ni Liam sa screen at binuksan ko ang message nya.
"I'm about to go now. I'll miss you." he just said sa text at nakaramdam ako ng lungkot. Tinago ko ang phone sa bag ko. Saka ako nakipagsiksikan sa mga taong papasok sa simbahan. Napakadaming nag sisimba ngayon dahil linggo. Sayang lang dahil wala si Liam, dapat yayayain ko sya dito.
BINABASA MO ANG
Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √
RomancePUBLISHED IN GRENIERIELLY PUBLISHING √ HR #4 in Tragic (11.23.18) Dinala si Reena ng kaniyang poot at galit sa pagsakay sa isang Cruise Line upang takasan ang kahihiyan idinulot sa kaniya ng hindi pagsipot ng lalakeng pakakasalan niya sa mismong ara...