"ANNA! ANNA! Where are you!!" Nagulat kaming mag ina sa pagpasok ni Liam sa opisina ni Anna. Sandali nya kaming iniwan para dalhan kami ng makakain. Natulala ako ng pumasok sya. Galit na galit sya.
"Papa!" tumayo ang anak ko saka sinalubong si Liam at niyakap ito.
"Lenard!" tawag ko sa anak ko para pigilan pero naiinis ako dahil nakikita ko syang masaya sa pagdating ni Liam.
"Stop it! You're not my son!" sigaw nya saka pilit hinatak ang anak ko palayo sa kanya. Halos magsalubong ang kilay ko sa nakita. He just grabbed my son. Bahagyang nasaktan ang bata sa paghila at paghawak nya dito.
"Wala kang karapatan saktan ang anak ko!" sigaw ko sabay hawak sa kamay nya.
"You again! How dare you to touch me!!" hinatak nya ang kamay nya dahilan para mawala ako sa balanse at mapaupo. Sa laki nyang tao, madali lang para sa kanya ang hatakin at pabagsakin ako.
"Wala kang modong lalake ka!!" sigaw ko at tumayo ulit saka sya inabot para hatakin. Hindi ako magpapatalo sa kanya dahil lang sa matangkad sya.
"Hindi ko anak ang batang yan!!" sigaw nya at nagulat ako. Sabay lumingon sa bata na pinanonood kami. Naluha sya at para akong nanlambot habang nakikita yun.
"Mama.. Mama.. Hindi ko sya Papa." Wika nya habang nagpipigil ng luha. Namuo na ang galit ko kay Liam.
"Your nothing compared to Lean!!" sigaw ko kay Liam at..
SLAP!
Isang sampal ang pinakawalan ko sa kanang pisngi nya. Hindi sya nakapagsalita. Pinuntahan ko ang anak ko at niyakap ito. Pinatatahan ko sya sa pag iyak.
"Dont cry, Lenard. I'm sorry." naluha na din ako. Nahihirapan ako whenever I see my kid crying dahil lang sa wala syang ama. And then I just remember ang hirap na dinanas ng anak ko sa mga taong patuloy syang kinukutsa dahil sa hindi pagkakaroon ng kumpletong pamilya. At yun sakit na marinig nya sa iba na isa akong disgrasyadang babae. Lahat yun inaabsorb nya sa ganun edad nya. At hanggang ngayon hindi ko maibigay ang kaisa isang hiling ng anak ko. Ang makasama ang ama nya at sa halip binigyan ko sya ng huwad na pag asa. Naiinis ako sa sarili ko. I told to Lean na poprotektahan ko ang anak ko pero heto mahina ako. At ngayon, tuluyan ng malalaman ni Lenard na nagsinungaling ako sa kanya.
"Lets go!" binuhat ko ang bata saka mabilis na lumabas ng kwarto. Ni hindi ko tinignan si Liam o nagsalita bago kami makaalis. Wala syang awa sa anak ko. Wala syang modo. Wala syang pakealam sa pamangkin nya. Anong klase syang tao!
Nagmadali akong lisanin ang gusali na yun. Hindi na ako nagpaalam pa kay Anna. Agad kong isinakay ang anak ko na hindi pa din tumitigil sa pag iyak.
Mabilis kaming umalis.---
"Sir Liam! May naghahanap po sa inyo?" Nagulat ang binata sa pagpasok ng private investigator. Dala nito ang isang folder saka nilapag sa table ni Liam.
"This are the results." wika ng lalake at naupo sya saka naghintay na buksan ni Liam ang laman.
"God." nasambit nalang nya ng mabasa ang laman ng resulta ng DNA. 99.9% positive na magkadugo sila ni Lenard. At anak nya ng kakambal nya ito.
"This is bullshit!!" sigaw nya saka tinapon ang folder. Nagulat ang lalakeng kaharap nya.
"Sir?"
"Call my lawyer now!" sunod nyang sigaw na agad sinunod ng lalake. Nagtatakbo ito palabas ng opisina nya. Naiwan si Liam na wala pa din reaction sa nalaman.
"Ano bang gulo ito!" he said saka hinawakan ang noo nya. Huminga sya ng malalim.
---
BINABASA MO ANG
Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √
Roman d'amourPUBLISHED IN GRENIERIELLY PUBLISHING √ HR #4 in Tragic (11.23.18) Dinala si Reena ng kaniyang poot at galit sa pagsakay sa isang Cruise Line upang takasan ang kahihiyan idinulot sa kaniya ng hindi pagsipot ng lalakeng pakakasalan niya sa mismong ara...