Reena's POVMatamlay akong lumabas ng sasakyan. Mabuti nalang kinuha ni Jio ang mga dala ko at sya na ang nagpasok sa sala. Binagsak ko ang katawan ko sa couch at isinandal ko ang batok ko sa malambot na unan. Medyo stressed ako sa tambak na trabaho sa opisina.
6PM palang pero ang katawan ko gusto nang matulog at magpahinga.
"Hi! Nandyan kana pala?" inangat ko ang ulo ko and I saw Odille. May dala syang tasa sa kamay nya at naupo sa bakanteng sofa.
"Hi. Where's Lenard?"
"He's on his room, doing assignments. Si Liam, naman taking a bath." I heard her chuckling habang sinasabi yun.
"Odille ha." She can't help it and smiled.
"Sorry. Oh, he has something to tell you nga pala." nagulat ako. And got curious.
"Ano daw yun?"
"Just asked him." sumimangot ako ng udlutin ni Odille ang balak nyang ipaalam. Napapaisip ako kung ano ba ang sasabihin ni Liam. Baka kung anong kapilyuhan nanaman ang naiisip nun.
Hinatak ko ang dala kong gamit papuntang kwarto. Pagbukas ko ng pintuan, hinanap ko kaagad ang kama ko at humiga. Pumikit ako at hindi ko namalayan na nakatulog ako.
---
Reena!
Naririnig ko ang isang tinig, na tinatawag ang pangalan ko. Dahan dahan akong dumilat. At nakita ko si Liam, nakaupo sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito!" sigaw ko sabay bangon at hablot ng kumot na itatakip ko sa katawan ko.
"You were asking me why I'm here. Its my room!" nagulat ako sa sagot nya. Pero pumasok ako sa kwarto ko kanina, wag nyang sabihin nagkamali ako ng pinasukan. Hinawakan ko ang noo ko, I have a headache.
"You look pale. Mukhang magkakasakit ka.." dinampi nya ang palad nya sa noo ko. Huminga ako ng malalim. Parang may hangin ang mga mata ko at ang bigat bigat ng katawan ko. Mukha ngang magkakasakit ako.
"Have a rest here." malumanay nyang sinabi at inayos ang mga unan.
"Odille told me na may sasabihin ka daw." bigla kong naalala.
"Ah. Oo. Pero saka, na. Magpahinga kana muna. You should rest, Lenard will be worried." sumang ayon ako sa sinabi nya. He left after he said that. Pumikit akong muli at bumalik sa higaan ko. I think kailangan ko ng day off. Kahit isang araw lang.
---
"Si Mama po may sakit?" tanong ng bata kay Liam habang sabay silang kumakain.
"Oo, so let her rest. Ako munang bahala sayo okay. She'll be fine soonest." nakangiti nyang sagot sa bata.
"Sige po Papa." matapos nilang kumain, sinamahan nya si Lenard sa kwarto nito para maglinis ng katawan at matulog.
After that, bumalik sya sa kwarto para dalhan ng pagkain at gamot si Reena. Pagbukas nya ng pintuan, nakita nya itong tulog. Dahan dahan syang lumapit at nilapag ang dalang tray sa side table ng kama. Naupo sya sa paanan nito, kinuha nya ang maliit na planggana na may maligamgam na tubig. Nilubog nya ang isang towel saka piniga, at pinahid sa paanan at binti ni Reena.
"Natulog ka ng hindi man lang nagpapalit, Reena talaga." he said habang natatawa.
---
"WHERE IS LIAM! TELL ME WHERE HE IS!!" sigaw ni Cassy sa head ng Imperial Condominiums. Ilan weeks na syang walang tawag mula sa binata. At mababaliw na sya sa kakahintay sa muli nilang pagkikita. Hindi sya naniniwala na nag asawa ito tulad sa sinabi nito ng huli silang magkasagutan. She wants Liam. And she can do everything para bawiin ang kanya even seducing the man. Even ruining someone's life.
BINABASA MO ANG
Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √
RomancePUBLISHED IN GRENIERIELLY PUBLISHING √ HR #4 in Tragic (11.23.18) Dinala si Reena ng kaniyang poot at galit sa pagsakay sa isang Cruise Line upang takasan ang kahihiyan idinulot sa kaniya ng hindi pagsipot ng lalakeng pakakasalan niya sa mismong ara...