|7|: Forgiveness

335 11 0
                                    

RAIKKO'S POV
~○~☆~○~☆~○~

              Hindi ako mapalagay sa lahat ng nangyari. Hindi ako makatulog. Ngayon lang ito nangyari na hindi namin naayos ni Sae ang problema namin bago matapos ang araw. Alam kong galit talaga siya sa akin kaya hindi niya ako kinibo. Kailangan kong gumawa ng paraan para magkaayos kami. Hindi ko kayang umalis hangga't may galit sa akin si Sae.

             Bakit ko ba naman kasi nakalimutan na nangako pala ako sa kanyang sasamahan ko siya bukas. Semestral break na kasi kaya libre na kaming pumunta kung saan saan. Pero ang tanga mo Raikko, bakit ba naman sa lahat ng bagay ang pangako mo pa kay Sae ang kinalimutan mo. Sana lang talaga mapatawad niya ako.

           Kailangan ko ng taong makakatulong sa akin. Kinuha ko naman ang aking cellphone at agad na dinial si Gab.

"Gab, pare. Pasensya ka na nga pala sa ginawa ko. Nadala lang ako ng galit ko. Mali na nagselos ako sa inyo ni Sae, dapat nagpasalamat pa ako sa iyo dahil pinagaan mo ang loob niya." Sabi ko naman.

   
           Buti naman sinagot pa din niya ang tawag ko kahit na sinumbat sumbatan ko siya. Ganyan talaga ang kaibigan, handa kang damayan kahit kayo mismo may tampuhan.

"Ayos lang yun pare. Naiintindihan naman kita. Alam ko namang mahal na mahal mo si Sae at ayaw mo siyang mawala sayo. Bakit ka nga pala napatawag?" Sagot naman niya sa akin na nasundan ng tanong.

            Huminga ako ng malalim. Alam kong matutulungan niya ako dito. Kaibigan din niya si Sae kaya alam din niyang suyuin ito.

"Pare, nag-away kasi kami ni Sae. Hindi ko agad nasabi sa kanya na aalis ako bukas papuntang Korea. Ang malala pa doon, nakapangako pala ako sa kanya na sasamahan ko siya bukas sa wedding anniversary ng lolo't lola niya sa probinsya." Sabi ko sa kanya.

"Hindi kasi ako mapakali Gab. Ayaw kong umalis nang may galit sa akin si Sae. Ayaw ko nang lumaki pa ang away naming ito. Mahal ko si Sae at ayaw kong nagtatampo siya sa akin. Ano ba ang dapat kong gawin." Tanong ko naman.

           Napatigil nang sandali si Gab bago ako sagutin. Malamang nag-isip yun ng magandang paraan para makatulong sa problema ko.

"Simple lang naman yan utol. Kung mahal mo talaga si Sae, mas pipiliin mo siya. Hindi ka aalis at mananatili ka sa tabi niya." Sabi naman niya.

"Isipin mong mabuti Rai, ikaw o si Sae? Yun lang yun." Dagdag pa niya.

           Tama si Gab. It's a choice between what I want or whom I love. Kung mahal ko talaga si Sae, mas pipiliin ko siya kaysa sa personal kong kagustuhan.

"Salamat Gab. Maaasahan ka talaga." Sabi ko naman sa kanya at tuluyan nang pinatay ang aking telepono.

          Sa wakas. Makakatulog na din ako. Alam ko na ang gagawin ko, hindi ko iiwan si Sae. Hindi ako aalis para tuparin ang pangako ko sa kanya. After all,  dapat akong bumawi  sa muling pagpapaiyak sa kanya.

~☆~

          Buti naman at nag-alarm ang telepono ko. Alas singko palang ng umaga pero kailangan ko nang mag-ayos. Kailangan ko kasing maabutan si Sae bago siya umalis papuntang probinsya. Hindi ko na sinabing hindi na ako aalis dahil gusto ko talagang sorpresahin siya.

             Agad akong tumayo sa kama at nag-ayos ng sarili. Kailangan kong magmadali, hahabulin ko ang mahal ko. Dumiretso na din ako sa flower shop para bilhin ang paborito niyang rosas. Peach roses kasi ang paborito niya at teddy bear. Kaya para magsilbing peace offering, bibilhan ko siya. Pero bukod pa dito, sana tanggapin niya ang apology ko.

           Agad akong nag-drive papunta sa bahay nila. 6:00 na. Mga ilang minuto nalang, aalis na siya.

           Sa gitna naman ng aking pagmamaneho, bigla namang tumawag si Gab. Kinonekta ko naman ito sa bluetooth para safe ang aking pagmamaneho.

"Pare, tutuloy ka pa ba? Ano ba ang naging desisyon mo?" Tanong naman niya.

"Hindi na ako aalis Gab. Mas naisip ko na piliin si Sae kaysa Korea. Bakit ka nga pala napatawag." Sabi ko.

           Sigurado ako masaya din itong si Gab sa naging desisyon ko. Ito pa, katulad ko din namang kaligayahan ni Sae ang hangad.

"Mabuti naman pare. Pero kailangan mong bilisan kung gusto mo siyang abutan. Aalis daw siya ng 6:30 para maabutan ang first trip ng bus papuntang Ilocos." Sabi ni Gab.

          Patay! Kailangan ko nang magmadali. 6:05 na. Hindi ako pwedeng mahuli.

           Pinaharurot ko naman ang aking sasakyan at talagang nagmadali para maabutan ko si Sae. Pero laking pasalamat ko at hindi ako naabutan ng matinding trapiko. Nakarating ako sa bahay nila bago mag 6:30.

          Nag-antay naman ako sa harap ng gate nila at nakita kong palabas na siya ng bahay nila kausap ang nanay niya. Si Tita Doris.

"Oh anak, ikamusta mo nalang ako kanila nanay sa Ilocos ah. Hindi kasi talaga ako pinayagan ng boss kong mag-leave. Mag-iingat ka sa biyahe. Tawagan mo ako kung nakarating ka na doon." Rinig ko namang bilin ni Tita Doris.

"Opo nay. Mauna na po ako para maabutan ko ang unang biyahe. Malayo pa po ang pupuntahan ko." Sabi naman niya.

           Nagpaalam na siya ng tuluyan sa nanay niya at lumabas na siya ng gate. Bigla namang nanliwanag ang paligid ko nang makita ang anghel ng buhay ko.

"Raikko..." sambit niya

           Agad naman niya akong nilapitan at niyakap pa ako ng mahigpit. Nakita ko namang nangilid nanaman ang mga luha niya.

"Bakit ka naiiyak? Ayaw mo bang nandito ako?" Sabi ko naman.

"Siyempre gusto kong nandito ka. Pinili mo ako Raikko. Salamat." Sabi naman niya.

           Natural bang nasa isip niya ang piliin ko siya o hindi. Pero paano naman niya nalaman na napagdesisyunang kong piliin siya. Aishh... ang mahalaga, napasaya ko siya.

"Sae, pasensya ka na nga pala kahapon. Hindi ko dapat binale---"

"Shh... narinig ko na yan kagabi. Hindi mo na kailangan humingi ng tawad kasi pinapatawad na kita.  Lalo na at pinili mo ako, pinatunayan mo lang na mahalaga ako sa iyo." Sabi niya.

           Masaya ako na pinapatawad na niya ako. Pero nagtaka naman ako nang sinabi niyang narinig na niya ang paghingi ko ng tawad kagabi.

"Paano mo narinig ang paghingi ko ng tawad? Hindi pa naman tayo nagkausap." Tanong ko naman.

"Kagabi nung tumawag ka, magkasama kami ni Gab. Narinig ko kung paano ka humingi ng tawad sa kanya at paano ka nagsisi sa ginawa mo. Narinig ko din kung gaano mo ako kamahal at hindi mo kayang umalis na may tampuhan tayo." Sabi niya.

"Tapos naisip ni Gab na papiliin ka para patunayan sa akin kung gaano mo talaga ako kamahal. Kaya masaya ako na nandito ka ngayon at pinili mo ako." Sabi pa niya.

             Hinawakan ko naman ang pisngi niya at hinalikan siya sa noo patungo sa magkabila niyang pisngi.

"Halika na, punta na tayong Ilocos." Sabi ko.

"Hep! Hindi ka pupuntang Ilocos. Ako lang ang pupuntang Ilocos." Sabi naman niya.

         Bigla naman akong nagtaka sa sinabi niya. Ayaw ba niya ako doon.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Gusto kong mag-enjoy sa sem break. Kaya sige, pinapayagan na kitang pumunta ng Korea. Alam ko kung gaano mo kagustong pumunta doon. Ayaw naman kitang pilitin na sumama sa akin, kaya sige Raikko. Tuparin mo na ang pangarap mo." Sabi niya.

"Pero gusto kitang---" pagputol naman niya sa akin.

"Wala ng pero pero mahal. Sige na pumunta ka na ng Korea. Basta wag kang gagawa ng kalokohan doon." Sabi niya.

          Hindi naman na din ako tumanggi sa sinabi niya. Tutal hindi pa din naman ako huli sa flight namin. Hinatid ko nalang siya papuntang terminal ng bus at inantay siyang makaalis.





~○~○~☆○☆~○~○~
To Be Continued...
~○~○~☆○☆~○~○~
  
  

My Ex Is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon