SAE'S POV
~○~☆○☆~○~Nakasakay naman ako ngayon sa kotse ni Gab at wala sa sariling nakatingin sa kawalan. I can't help myself in the moment. Hindi ko mapigilang umiyak. Wala na bang patutunguhan ang relasyon namin ni Raikko. Ano na ba ang nangyayari. Gusto kong panghawakan ang lahat ng pangako niya sa akin.
Yung pangakong magpapakasal pa kami. Yung pangakong hindi niya ako iiwan kahit anong mangyari. Yung pangakong hindi niya ako paiiyakin at ang pangakong itong taon na ito ng aming pagsasama ang magiging pinakamasaya sa lahat.
Pero ngayon, nahihirapan na akong kumapit.
Para akong nakakapit sa isang tinik. Na pag mas lalong humihigpit ang kapit, mas lalo ka lang masasaktan at mas lumalalim lang ang sugat na iiwanan nito.
"Hatid na kita sa loob ng bahay niyo." Sabi nitong katabi ko.
Nginitian ko lang siya at tumango. Pagod na talaga ako ngayong araw. Kailangang kailangan ko nang magpahinga.
"Sae, magpahinga ka ngayong gabi. Kung kailangan mo ako, I'm just one call away. Kung kailangan mo ng yakap, kahit isang libo bibigyan kita. For now, take care of yourself and take good sleep. Sige na pasok ka na." Sabi niya sa akin.
Napakasincere niya ngayong gabi. Bago pa man ako pumasok sa aming bahay, binigyan ko muna si Gab ng aking pinakamahigpit na yakap.
"Salamat Gab. You're always there for me." Sabi ko at tuluyan ng pumasok sa aking kwarto.
Hindi ko naman na naabutang nag-aantay sa akin si Mama kaya dumiretso na din ako sa aking kwarto at nagpahinga.
Napatingin naman ako sa lahat ng stuffed toy na binigay niya sa akin at sa larawang nasa tabi ng kama ko. Isang larawan kung saan magkasama kami ni Raikko. Pareho nakangiti at magkahawak ang kamay. Parehong masaya at walang problema.
Di ko naman maiwasang mapatulo ang namuong tubig sa gilid ng mata ko.
"San ka na ba Rai? Hindi ko na alam ang gagawin." Sabi ko habang hawak hawak ang larawan naming magkasama.
Humiga naman na ako sa aking kama at pinikit na ang aking mga mata. Pipilitin kong makatulog kahit ang puso ko ay nananatiling sugatan.
"I love you Serene Grace Martinez!. Mahal na mahal kita at sisiguraduhin kong walang iba! I love you! I love you! I love you!"
"I love you too, Raikko Angelo Montefalco! I am willing to do everything for you! Mahal na mahal kita!"
~☆~
What was that dream about? Bakit bunalik sa isipan ko ang gabing ipinagsigawan namin ang aming nararamdaman. Is my mind commanding me not to let go of him? But what about my heart? Is she willing to fight again even though she is completely bruised right now?
Gulong gulo pa din ako. Hindi ko na alam ang gagawin kung haharapin ko na mismo si Rai o hindi. Nalilito na ako sa nararamdaman ko. Gusto kong lumaban pero pag pinagpatuloy ko pa ito. Lalo lang akong masasaktan.
"Anak, may naghahanap sayo sa labas." Sabi naman ni Mama.
Baka si Gab o si Rich. Baka kakamustahin lang ako ng mga kaibigan ko. Kaya naman inayos ko ang aking sarili dahil ayaw kong makita nila akong nagkakaganito.
I stepped out of my room and walk downstairs. Then I saw the guy whom I am thinking about. Anong ginagawa niya dito?
"Raikko..." sambit ko
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Lover
Teen Fiction|COMPLETED| "Love deserves another chance" Naniniwala naman ako na ang pagmamahal ay punong puno ng milyong pagkakataon. Na umibig, kiligin, masaktan, magpatawad at muling magmahal. But love also comes with pain. Are you willing to give another chan...