|B|: A Love For A Lifetime

186 7 1
                                    

~○~☆~○~☆~○~☆~○~☆~○~☆~○~☆~○~
MERRY CHRISTMAS EVERYONE!
🎄🎅🤟
~○~☆~○~☆~○~☆~○~☆~○~☆~○~☆~○~

My Ex Is My Lover
Special Chapter no. 2

Mako Dela Vega and Alex Candelaria's Love Story

MAKO'S POV
~○~☆○☆~○~

              It's Christmas Day! But for me, this is not an ordinary Christmas. Hindi lang dahil kasama ko si Alex ngayong Pasko pero dahil kasama ko siyang magpapasko sa ospital. Yes, nakalabas na siya noong nagpropose si Rai para kay Serene pero monthly na din kasi kaming pabalik balik sa dito sa ospital. Kailangan din kasi niyang imanage ang kanyang chemotherapy para mamatay ang ilang cancer cells.

Yes, nalalagas na din ang kanyang buhok at pumapayat na din siya but that won't stop me from loving her. Eh ano naman ngayon kung wala na siyang buhok o buto't balat na siya? Si Alex ang one great love ko. Kaya bago siya kunin sa akin ni God, mangangako muna akong mamahalin ko siya habang buhay sa harapan ng altar.

Kahit mawala pa siya, siya lang ang mananatiling nag-iisa sa puso ko.

"Hey Love, are you ready?" Tanong ko naman sa kanya.

Lagi kasi niyang ayaw na dumadaan siya sa ganito. Madalas dinadahilan niya na pumapangit na daw siya. Sinasabi niya lagi na baka mapansin ng iba na hindi na kami bagay sa isa't isa.

"Pwede bang wag nalang tayo tumuloy. Mag-celebrate nalang tayo ng Pasko sa bahay." Katwiran naman niya.

Umiling naman ako. "This is for your own good. Paano ka gagaling kung hindi mo ito itutuloy? Paano tayo ikakasal niyan?" Tanong ko ulit.

Napasinghap naman siya at unti unting yumuko. Bakit nalulungkot nanaman ito?

"Para saan pa ba kasi ito? Gumagastos lang tayo ng malaki pero ano ang end point? Mamamatay din naman ako diba?" Sabi niya.

Hinawakan ko naman ang kanyang mga kamay. "You won't die. Gagawin ko ang lahat para humaba pa ang buhay mo. Para magsama pa tayo ng mas matagal." Sabi ko naman sa kanya.

Pumantay naman ako sa kanya dahil naka-wheel chair lang siya upang mahalikan ang kanyang noo. I'm trying to hide my tears right now. Hindi pwedeng makita niya akong nalulungkot o nahihirapan. Kailangan niya akong makitang malakas. Kahit sa paraang iyon, maging malakas din siya.

"Mako, pwede mo na akong iwan. I don't deserve your love. Humanap ka nalang ng iba diyan na mamahalin ka habang buhay. Yung walang limit. You deserve to be happy... forever." Sabi naman niya habang lumuluha.

Umiling naman ako at pinunasan ko ang kanyang tumulong luha. "That's the last thing I will do. In fact, hindi ko gagawin yun. I'd rather die alone kaysa palitan ka sa puso ko." Sabi ko naman sa kanya.

Mas lumuha pa naman siya. Dapat hindi na siya umiiyak eh. Dapat habang nabubuhay pa siya, gusto kong nakangiti lang siya.

"Hindi ako magsasawang pasalamatan ka. Thank you for loving me again, for coming back to my life. Kahit na hindi ako magtatagal, minamahal mo pa rin ako." Sabi naman niya.

"At lagi kitang mamahalin Alex. Aalagaan kita, bubuhatin kita kung kailangan, susubuan kita sa pagkain. I will always be here. Cause that's how much I love you." Sagot ko naman sa kanya.

My Ex Is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon