|42|: Alex Candelaria

239 10 3
                                    

RAIKKO'S POV
~○~☆~○~☆~○~

           Kanina lang nakarating na ako dito sa Pilipinas. Sobra akong napagod sa biyahe. Isa pa, kailangan ko na talagang magpahinga. Kaya naman pagdating ko dito, agad na akong nagtungo sa bahay namin. Doon ko naman nadatnan sina Auntie V at mga dati naming kasambahay. Sobra kong na-miss ang mga ito. Buti nalang at ramdam na ramdam pa din ang init ng pagtanggap nila sa akin.


Siyempre bigla ko rin naman silang iniwan kaya akala ko, magtatampo sila pero hindi.


              Pagdating ko naman sa bahay, agad akong nagtungo sa aking kuwarto. Sobra kong na-miss ang lugar na ito. Ang dami na talagang nagbago. Pero sariwang sariwa pa din ang mga alaalang naiwan namin dito. Sadly, hindi ganun kadaling mabalikan ang mga yun. Isa pa, I am happy now.


"Ahhh... I'm finally home." Sambit ko nalang nang muli kong damahin ang lambot ng aking kama.

          Suminghap naman ako ng malalim at sabay kong pinikit ang aking mga mata. Pagdilat ko naman ng aking mata, napatingin ako sa isang larawan kung saan kasa-kasama ko si Sae.

Agad ko naman iyong kinuha at tinitigan nang mabuti.


"So, how are you now? Sana naman mabuti na ang kalagayan mo. I'm lucky to have you indeed. Pero napakamalas mo dahil sa lahat ng tao, ako ang inibig mo." Sambit ko na lang.


"I'm so proud of you Wife. Nalampasan mo ang lahat ng pagsubok. Hindi na ako umasang kumakapit ka pa din sa pangako ko. Ang sama ko kasi, three years akong walang paramdam sayo." Sabi ko naman at biglang may namuong luja sa mga mata ko.


           Agad ko naman yung pinunasan. Eto nanaman ako, naiiyak nanaman talaga ako kapag si Sae na ang iniisip ko. Hanggang ngayon nasasaktan pa din ako sa mga nangyari. Ngayon, ako naman itong hindi maka move on.


Ganito pala ang pakiramdam ng isang hangal.


"Kung alam mo lang, I miss you so much. Walang araw at gabi na hindi kita naiisip. Kung kumain ka na ba, kung masaya ka na ba, o kung naiisip mo din ba ako. Pero anong magagawa ko, tinapon kita na parang basura. And I think, that is the biggest regret in my life." Sabi ko naman ulit.


"Alam mo, hindi magsasalita ang picture na yan." Sabi naman ng isang boses galing sa may pintuan.

            Si Auntie V lang pala. Agad ko namang pinunasan ang aking mga luha at pinatuloy ko siya sa aking kwarto.


"Ang tagal na ng panahon anak. Ang dami dami ng nagbago. Hanggang ngayon ba, ang pagmamahal mo kay Sae hindi pa din nagbabago?" Sabi naman ni Auntie V.

             Ngumisi lang ako at hinaplos ko ang kanyang mukha sa larawan. Muli naman akong suminghap bago ako humarap kay Auntie V.

"This smile, this face, this woman will never be forgotten. Siya lang naman kasi ang nagparamdam na kamahal mahal ako. Siya ang nagbigay ng pagmamahal na hindi ko nakuha sa pamilya ko. She is so special to me. And I love her so much. Pero ngayon, mukhang wala ng paraan para mabawi siya." Sabi ko naman.

Hinaplos naman ni Auntie V ang likuran ko. "Anak, hindi mo malalaman ang sagot sa tanong mo kung hindi mo siya mismong pupuntahan." Sabi naman ni Auntie V nang nakangiti.

               Bigla naman akong napatingin sa kanya. May gusto nanamang ipahiwatig sa akin si Auntie V. May puzzle-like tought nanaman siya pinapaintindi sa akin.


"Auntie V, sinasabi mo bang puntahan ko si Sae para masagot lahat ng tanong ko?" Tanong ko naman.

"Ano pa nga ba!? Kung si Sae ang laman ng mga tanong mo, malamang siya din ang magiging sagot sa mga iyan." Sagot naman sa akin ni Auntie V.


My Ex Is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon