SAE'S POV
~○~☆○☆~○~Grabe ang kagubatang ito. Napakaraming bungang kahoy at maging punong kahoy. Napakayaman talaga niya sa mga resources. Kaya naman kahit ma-trap pa siguronkami ng ilang araw dito, sigurado naman mabubuhay pa din kami dahil hindi kami mawawalan ng mga prutas na pwedeng kainin. Gaya na nga lang ng ginagawa namin ngayon.
Simula kanina, pitas na ng pitas ng mga prutas si Rai. Bawat punong namumungang nadaanan siguro namin ay pinipitasan niya. Kaya naman ito ako ngayon, ang dami dami kong bitbit. Sabi nqman kasi niya, hindi daw namin alam pareho kung kailan kami maliligtas kaya kailangan namin ng sapat na pagkain para mabuhay. Aish... ano ba namang kasing trahedya ang sinapit namin. Napakamalas naman!
"Rai! Bumaba ka nga diyan! Baka malaglag ka pa diyan at baka mabalian ka pa ng buto. Halika na!" Pag-aalala ko naman sa kanya.
Eh paano ba naman kasi, pati puno ng buko hindi na niya pinatos. Ni hindi ko nga inakalang maakyat niya yan eh.. Kung iisipin mo kasi, laking-yaman itong si Raikko. Marunong naman pala magpakamatsing.
"Ayos lang yan. Isa pa, wag ka nang mag-alala. Kung nahulog man ako, sigurado namang sasaluin mo ako eh." Sabi naman niya.
"Pwede ba ang corny mo! Bumaba la na diyan at baka may mangyari pang masama sayo." Sabi ko naman.
Totoo naman ah. Napaka-corny talaga niyang tao. Mabuti sana kung nakakatawa pero hindi talaga.
"Hahaha... sus. Indenial ka pa! Sabihin mo kinilig ka din dun. Alam mo, walang nakakatiis sa charm ko." Sabi pa niya.
"Ang yabang mo! Hoy! Hindi porket gwapo ka at charming pa, eh makukuha mo na ang mga loob naming babae." Rason ko naman.
Nakangiti lang siyang umiling-iling sa sinabi ko. Nang saktong nakuha na niya ang buko na kanina pa niya tinatanggal sa puno, agad naman na siyang bumaba at bigla akong hinarap nang nakangiti. Arghh... that smile. Can't resist. Wag mo nalang titigan at baka mahulog ka lang lalo sa kanya.
"Pero aminin mo man o hindi, nakuha ko pa din ang puso mo." Sabi niya.
Attention to my feelings, wag kang OA ah. Wag kang padadala sa mga banat niya. Hindi pwedeng in-love agad sa ex mo. Well, hindi naman kasi nawala yung love eh.
"Alam mo ang dami mong sinasabi. Halika na nga, nag-aantay na sa atin si Manong Danny. Isa pa, pwede na tayong mag-fruit salad sa dami ng prutas na kinuha mo." Sabi ko naman na dahilan para matawa siya.
Binitbit ko naman ang ilang prutas at nanguna na ako sa paglalakad. Siya na din naman ang kumuha ng mga natirang prutas at sumunod naman siya sa akin.
Sa di ko naman alam na dahilan ay parang gusto ko siyang sulyap-sulyapin. Ngayon, nararamdaman ko na sobra ko na nga siyang na-miss. Hindi ko alam, pero pag binabalikan ko ang mga corny niyang jokes, di ko maiwasang mapangiti. Hay naku, out of the world nanaman ako.
"Huy Sae! Sino nginingitian mo diyan? Wag mong sabihing may nakikita kang di ko nakikita. Sino ba kasi iniisip mo?" Bigla namang pagbasag ng kausap ko sa pagd'day dreaming ko.
Huh! Kung akala niya mababasag niya trip ko, pwes hindi! Ang sarap lang kasing balik-balikan.
"Huy! Sino ba nginingitian mo?"
"Ikaw..." out of the world ko namang sagot.
Bigla naman siyang napahagikhik at bigla namang bumalik ang diwa ko sa realidad. What did I just said? Naku Sae! Shame on you naman!
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Lover
Teen Fiction|COMPLETED| "Love deserves another chance" Naniniwala naman ako na ang pagmamahal ay punong puno ng milyong pagkakataon. Na umibig, kiligin, masaktan, magpatawad at muling magmahal. But love also comes with pain. Are you willing to give another chan...