|15|: Her Two Lovers

320 10 3
                                    

SAE'S POV
~○~☆○☆~○~

              Dinala naman kami ni Rich dito sa coffee shop. Sa totoo lang, kanina ko pa napapansin ang kaweirduhan ng babaeng ito. Parang ang lalim lalim ng iniisip niya at parang kung saan saan na nakarating ang diwa niya. Aish... baka naiinspire lang ito. O baka napapraning na dahil inaway away niya si Erika.

             Sigurado ako na sa oras na ito ngayon, talamak na ang mga bashers ni Beshiebam sa social media. Pero atleast proud ako sa ginawa niya. Walang sinumang kaibigan ang gagawa ng bagay na iyon. Na kahit sarili niya ay pwedeng masira para sa kapakanan ng kaibigan niya.

             Nang matapos ng mag-order ng inumin si Gab, tinabihan naman niya ako at saka isa-isang inabot ang mga frappucino namin.

"So ito na nga, kanina pa ako excited sabihin sa inyo ito." Sabi niya

                Suminghap naman siya ng napakalalim at nag-hair flip pa! Tinamaan nanaman ata ang beshiebam ko. Bakit ba nagpa-suspense pa siya? Sasabihin din naman.

"Ang ganda ko guys!"

"RICH!" sabay naman naming bulyaw ni Gab sa kanya.

             Hay naku, ganyan talaga siya! Yung tipong excited na kami tapos ganyan pa siya. Haysss... ano ba naman yan.

"Ito namang mga ito. So ito na. Since long weekend tayo this week, naisipan kong magbakasyon tayo sa Zambales. May magandang resort kasi doon at sigurado akong mag-eenjoy tayo doon." Sabi naman niya.

          Nagkatinginan naman kami ni Gab at mukhang nabigla sa sinabi ni Rich. Knowing her, bihirang mag-aya yan. Masyado yang matipid at laging tinatamad. Pero ngayon, siya pa mismo ang nag-aaya.

"Kung lalayo tayo for three days at wala tayong ibang gagawin kundi magsaya, don't you think that's a wonderful idea para tuluyan kang maka-move on Sae." Sabi naman sa akin ni Gab.

"Uhmm... yeah. Great idea! Yun ba ang purpose ng getaway nating ito Rich?" Tanong ko naman sa kanya.

          Nakangiti naman siyang tumango tango na parang hindi sigurado sa sinasabi at nanghihimas pa ng batok.

"Ahh oo.. ganun na nga. Para mag move on ka. Diba alam mo na, time to forgive and forget. Yeah, I know right." Sagot naman niya.

            Nagisip naman ako kung sasama ako o hindi. Wala din naman akong gagawin sa bahay at mainam nga siguro itong paraan para mawala ang sakit na aking nararamdaman.

"O sige, game ako diyan!" Sabi ko naman sa kaniya.

            Pagkatapos naming inumin ang aming frappe, nagkaroon lang kami ng kaunting usapan at umuwi na din kami. Last day na bukas bago mag weekend. Buti naman at holiday sa Friday kaya tuloy-tuloy hanggang Sunday tapos wala pang klase ng Monday. Oh diba! Sarap ng buhay.

              Sinamahan naman akong umuwi ni Gab. Baka daw kasi may mangyayaring masama nanaman sa akin. Simula ksi nung gabing iyon, naging praning na si Gab. Hindi ko naman siya masisisi. He only cares for me and I am very thankful for that.

"Sae, sino nga pala yung dinaanan mo kanina. Baka pwede mo naman ikwento diba." Sabi naman niya.

           Okay lang naman na malaman niya. Siya rin naman ang mag-aabsorb ng lahat ng ito.

"Si Raikko. Napagdesisyunan ko kasing kausapin siya ng masinsinan. Pero---"

"Anong nangyari? Sinaktan ka nanaman ba niya. Pinaiyak ka nanaman ba niya?" Tanong naman sa akin ni Gab.

              Huminto naman kami sa paglalakad at napayuko ako. Bigla namang may tumulong luha sa akin. Bigla ko namang naramdaman ang pagyakap niya sa akin.

"Nakita ko sila ni Erika na magkasama. Bakit siya nagagawa niyang maging masaya samantalang ako sobrang nasasaktan?" Sabi ko.


"Bakit ngayon, alam pa din niyang ngumiti. Ako, hindi ko na alam kung paano maging masaya. Bakit parang nakalimutan na niya ako? Tuluyan na yata niya akong pinagpit kay Erika. Siguro nga, hindi ako naging sapat para sa kanya." Dagdag ko pa.

            Naramdaman ko naman ang paghaplos ng mga kamay niya sa aking likuran. Pinatahan niya ako sa pag-iyak hanggang sa mawala na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Magpahinga ka ngayong gabi okay. Bukas, susunduin kita." Bilin naman niya sa akin bago ako tuluyang pumasok sa bahay.

"Aasahan kita Gab." Sagot ko naman sa kanya at ngumiti pa.

          Atleast kahit papaano, nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Hinawi talaga niya ang lahat ng sama ng loob ko.

GAB'S POV
~○~☆○☆~○~

            Hindi ko na to kaya! Sumosobra na siya. Lagi nalang umiiyak si Sae at sobra akong nasasaktan dahil doon. Higit sa lahat, hindi ko kayang nakikitang nasasaktan si Sae. She is more than a friend to me. She is special and important to me.

           At kung si Raikko ang magiging dahilan ng pag-iyak niya bawat araw at gabi, ako ang maglalayo sa kanya kay Raikko. Hindi na dapat pang lumalapit si Raikko kay Sae. Kung ito lang ang tanging paraan para maibsan ang hinanakit ni Sae, wala na akong pakialam kahit masira pa ang pagkakaibigan namin.

            Agad naman akong nagtungo sa bahay nina Rai at pinindot pindot ang doorbell nila.

"Oh Sir Gab, kayo po pala. Tuloy po kayo." Sabi naman ni Auntie Vicky, ang mayordoma sa pamamahay nina Rai.

"Nasaan po siya Aunti V?" Tanong ko naman.

"Nandoon siya sa kwarto niya. Sige, puntahan mo siya. Wala naman dito sina Madam Annabelle." Sabi naman ni Auntie V.

           Agad naman akong nagtungo sa kwarto niya at hindi na inabalang kumatok pa. Nagagalit ako ngayon, kaya walang makakapigil sa akin.

"Gab? Hindi ka man lang ba marunong kumatok? Ano ba ang problema mo?" Tanong naman niya sa akin.

           Nakita ko naman siyang hawak hawak ang litrato nilang magkasama ni Sae. Tss. Hypocrite.

"Talagang nagagawa mo pang titigan iyan kahit alam mo ang lahat ng nangyayari ngayon. Wake up man! Sae is in deep pain right now because of you!" Bulyaw ko sa kanya.

"Paano mo nasisikmurang titigan iyan. Be a man pare! Stop hurting Sae's feelings. Alam mo bang araw araw at gabi gabi siyang umiiyak dahil sayo. You're not even worth it!" Dagdag ko pa.

          Nakita ko naman ang pagkuyom ng kamao niya at agad akong nilapitan para kwelyuhan ako.

"Wag kang makikialam dito Gab. It's between me and Sae. And besides, wala ka namang alam sa nangyayari so back off!" Sagot naman niya sa akin.

"Yan ang huling bagay na gagawin ko. Hindi ko hahayaang magsama kayo ni Sae ulit o di naman kaya kahit magparamdam sa kanya. Kung kaya mong nakikita siyang umiiyak pwes ako hindi!" Sabi ko naman sa kanya.

              I have to fight for Sae. Hindi ko na siya hahayaang mapunta kay Raikko ulit. Hindi na ako papayag na makitang nasasaktan si Sae dahil  sa kanya.

"Pwes, hindi ko rin naman bibitawan si Sae. Mahal ko siya at ipaglalaban ko ang pagmamahal na yun. Papatunayan ko na karapat dapat pa rin ako sa pag-ibig niya." Sabi niya

"If you want a competition, I'll give you one." Dagdag pa niya.

           Ngumisi lang ako at tumalikod sa kanya. Naglakad ako at huminto sa tapat ng pintuan ng kwarto niya.


"Kung ganoon, may the best man win." Sabi ko.





~○~○~☆○☆~○~○~
To Be Continued...
~○~○~☆○☆~○~○~

My Ex Is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon