Author's Note:
Sobra po akong natutuwa dahil kitang kita ang suporta ninyo sa istoryang ito. Maraming salamat po talaga. Pagbubutihan ko po ang pagsulat dito at sobra po akong nagl'look forward sa istoryang ito. At dahil po sa inyo yan...
Ngayon po, another chapter nanaman po ng buhay nina Sae at Rai ang magbubukas. Panibagong challenges at love na puno ng sacrifices. At hindi lang yan, may new look din po si Sae. Siya ang sawing maganda pa rin at may bangs.
Kasabay po nun, naisip kong maging OST ng kwentong ito ang "Kahit Di Mo Alam" ng December Avenue. Pwede niyo po siyang pakinggan my fellow dreamers!
So start na ako. Continue dreaming until your dreams will be reached! Salamat po at mahal ko kayo....
-Juan Dreamer
SAE'S POV
~○~☆○☆~○~Siguro tatlong araw na din akong nagmumukmok dito sa kwarto. I just don't feel going outside at makikita nila akong ganito. Gusto kong makita nila akong malakas at matatag. Pero ang hirap pala talagang itago. Paano ba gamutin ang sugat na ito?
Ang sakit sakit na kasi...
Pero kailangan kong lumaban. Kailangan kong bumangon. Kailangan kong maging matatag. Kailangan kong maging matapang. Para sa sarili ko. Para sa puso ko.
"Anak, makipag-usap ka naman sa amin. Sobra ka na naming namimiss." Sabi naman ni Mama.
Naktingin pa din ako sa kawalan at nakahiga ng patagilid sa aking kama.
"Susubukan ko po Ma." Sabi ko naman.
"Sige anak, aantayin ka namin ahhh. Nasa baba sina Gab at Rich. Kung kailangan mo ng kausap, handa kaming makinig." Sabi naman ni Mama.
Tuluyan nang lumabas ng kama si Mama. Umupo naman ako at kinain ang nakatabing pagkain sa bedside table ko. Siguro ngayon nalang din ako ulit kumain. Hindi pwedeng habang buhay akong magmukmok dito at umiyak ng umiyak. Kailangan ko ding lumaban.
Kailangan ko ding harapin ang aking panibagong mundo.
Pagbaba ko naman sa hagdan, nakita ko agad sina Mama, Rich at Gab. Mukhang sobra ko silang napag-alala.
Nang magtama naman ang mata namin ni Rich, agad niya akong nilapita at bigla akong....
*SLAP*
"Rich!" Rinig ko namang sambit ni Gab.
Ang sakit naman nun. Bakit ba ako sinampal nito. Akala ko naman yayakapin niya ako pero ibang paraan pala ng pagcomfort ang gusto niya.
"Ano? Masakit ba?" Marahas niyang tanong sa akin.
Nangilid naman ang mga luha ko at dinama ang namumula kong pisngi. Unti-unti akong tumango para sagutin ang tanong niya.
"Ayun naman pala. Nasasaktan ka naman pala Sae. Akala ko manhid ka na. Wala ka na kasing pakialam sa sarili mo. Kailan ang huli mong kain ha? Sae, kung wala kang pakialam sa sarili mo pwes ibahin mo kami. Halos mamatay na kami sa pag-aalala sa kalagayan mo. Nag-aalala kami kung ano na ang nangyari sayo o kung buhay ka pa!" Sabi niya.
Tumulo naman na ang mga luha ko. Siya naman, napaupo nalang sa upuan na nilapitan ni Gab para pakalmahin siya.
"Sae, wake up. You don't deserve him. You don't need him. Nandito kaming mga kaibigan mo na tunay na nagmamahal sayo. Tunay na nag aalala sayo at may pakialam sayo. Please... just move on." Dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Lover
Teen Fiction|COMPLETED| "Love deserves another chance" Naniniwala naman ako na ang pagmamahal ay punong puno ng milyong pagkakataon. Na umibig, kiligin, masaktan, magpatawad at muling magmahal. But love also comes with pain. Are you willing to give another chan...