SAE'S POV
~○~☆○☆~○~Hinugot ko naman si Rich papunta dito sa kwarto namin sa hotel. Sabi ko nga kanina, marami pa kaming pag-uusapan at dapat na ayusin. Siyempre kasama na doon ang paghingi ko ng pasalamat sa kanya para sa lahat at pati na din sa sadistang paraan niya ng pagbabalikan namin ni Raikko. Naisip ko kasi, there are many ways para magkaayos kami ni Rai. Sadyang unique lang talaga ang gusto niyang paraan.
Pinasok ko naman siya sa kwarto at agad na sinarado ang pinto. Nagbitaw naman ako ng mga creepy na tingin sa kanya. Ayan Bashiebem, bawian lang muna ah. Maglaro muna tayo.
Pansin ko naman na medyo naguguhit na ang pagtataka sa kanyang mukha. Yung tipong hindi na niya alam ang gagawin dahil ang kasama niya sa kwarto ay mukhang papatay na talaga ng tao.
"Uyy Beshiebam, ano ang nangyayari sayo. May problema ba tayo?" Tanong naman niya.
"Rich Mendoza, ano sa tingin mo at pumasok sa kukote mo ang mga walang kwentang bagay na iyon." Tanong ko naman sa kanya na parang isang detective.
Siyempre pabebe muna kunwari. Dapat akalain muna niya na ayaw ko ang ginawa niya kahit sobra naman talaga akong grateful para doon.
"Huh? Beshiebam ano ba ang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan ehh?" Sagot naman niya sa akin.
Tumawa naman ako ng malakas na medyo pang-kontrabida. Yun naman ang dahilan para lalo pa siyang magtaka.
"Beshiebam anong nangyayari sayo? Yan ba ang epekto ng pag-ibig?" Sabi niya.
"Lord kung yan rin lang ang epekto ng pag-ibig, ayaw ko na pong magmahal. Nakakatakot po pala." Dagdag pa niya na kunwaring nagdadasal.
Napahinto naman ako sa kaartehan ko at agad siyang pinagmasdan. Napatawa nalang ako ng papigil sa kanya. Baliw talaga ang Beshiebam kong ito.
Nilapitan ko naman siya at agad kong binatukan. Ayan, bawian lang ng pagkasadista okay.
"Aray ko! Ano ba yan Beshiebam? Ano ba ang nangyayari sayo? May sakit ka ba? Ano ba ang bumabagabag sa isipan mo? Sabihan mo ako. Bukas ang mga tenga ko para sayo." Tuloy tuloy naman niyang sabi sa akin.
Nginitian ko lang siya at tinabihan ko siya sa kanyang pag-upo. Pero bago pa man siya magsalita ulit, agad ko naman siyang niyakap na mukhang dahilan ng pagkakatigil niya. She helped us indeed. Ang dami din niyang sakripisyo para sa aming dalawa. Alam kong ayaw niya kay Raikko. Pero dahil alam niyang isang tao lang ang magpapalihaya sa akin, pinili niyang maging masaya ako kahit labag sa kalooban niya.
I'm lucky to have her indeed.
"Salamat Beshieham. You did so many things for us. Hindi ko inakalang gagawin mo yun para sa akin. Thank you so much." Sabi ko naman habang yakap yakap pa din siya.
"Ano ka ba, wala yun. Beshiebam kita ehh. At ang gusto ko lang naman ay maging masaya ka. My Beshiebam don't deserve to cry. At kahit si Rai man ang dahilan ng pag-iyak mo, alam kong siya pa din ang dahilan ng muli mong pagngiti." Sabi naman niya.
And tears just fell through my eyes. Those words just touched my heart. Sana naman someday, maibalik ko ang lahat ng ginawa niya para sa akin.
"Ano ka ba! You know I hate dramas diba. Halika na, mag-ayos na tayo ng gamit. Mamaya na ang check out natin." Pagputol naman niya sa kadramahan namin.
Oo nga pala. Babalik na kaming Manila mamaya. So many wonderful things happened here. I will never forget this wonderful moments no... scratch that... memories in my life.
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Lover
Teen Fiction|COMPLETED| "Love deserves another chance" Naniniwala naman ako na ang pagmamahal ay punong puno ng milyong pagkakataon. Na umibig, kiligin, masaktan, magpatawad at muling magmahal. But love also comes with pain. Are you willing to give another chan...