SAE'S POV
~○~☆○☆~○~Makalipas ang matagal naming biyahe ni Gab papunta dito sa US, sa wakas, narating na din namin ang aming tutuluyan. Nandito kami sa rest house ng pamilya niya sa California. Sabi niya magpahinga muna daw kami dito bago namin puntahan si Raikko dito din mismo sa state na ito pero sa San Diego. Gaya naman ng pinangako niya kay Mama, hindi naman niya ako pinabayaan kahit ano pa ang mangyari.
Ngayon, nililibot niya ako dito sa kanilang bahay. Sabi niya, feel at home lang daw dapat ako. Tsaka wag daw akong masyadong nakasimangot. Hindi daw kasi nagaganda sa aking imahe. Sa pagkakataong ito, hinahatid naman na niya ako sa aking magiging kuwarto.
Tatlong araw lang kami dito. Kaya sana sa tatlong araw na iyon, magkita kami ni Raikko at makapag-usap talaga kami ng masinsinan.
Sa totoo lang, sobra ko na siyang namimiss.
"Ito na. Magpahinga ka muna Sae. Pag nakapagpahinga ka na, bumaba ka at kakain tayo ng hapunan." Sabi niya sa akin.
Tinanguan ko lang naman siya at ngumiti. Dahan dahan naman akong pumasok ng napakagandang kwartong ito. Nagsalita naman siya bago ako tuluyang makapasok.
"And before anything else, kung may kailangan ka just call me. Wag kang mahihiyang lapitan ako okay. Mas ma-aappreciate ko kapag ginawa mo yun." Sabi niya.
"Wag kang mag-alala Gab. Sasabihan kita kung may kailangan ako." Sagot ko naman sa kanya.
Nang masagot ko naman siya, agad na niya akong iniwan. Para daw makapagpahinga na ako dahil mahaba din ang naging biyahe namin. Napakaganda talaga dito. At ang mga tao, mukhang mayayaman. Mahirap makibagay pero buti nalang at nandito si Gab para samahan talaga ako.
Wag kang mag-alala Raikko. Ngayon na halos isang dipa nalang ang layo natin sa isa't isa, mas lalo akong nagiging malakas at mas nakakayanan kong lumaban.
Mag-antay ka lang mahal ko. Malapit na tayong magkita ulit.
"Oh buti naman at nagising ka na. Halika na, kumain na tayo. Nagpaluto ako kay Manang Rosa ng paborito mong Beef Steak." Sabi naman niya
Kagigising ko lang kasi. Hirap din naman kasi akong makatulog sa lugar na ito. Bukod pa sa weather, hindi rin kasi mawala sa isip ko si Raikko.
"Kamusta ang tulog mo? Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" Tanong naman niya.
Umiling naman ako. "Hindi kasi mawala sa isip ko si Raikko. Alam na kasi ng utak ko na baka nasa tabi tabi lang siya. Hindi tuloy ako mapakali." Sagot ko naman.
Ngumiti naman si Gab at hinawakan niya ang mga palad ko.
"Wag kang mag-alala. Bukas na bukas, pupuntahan natin siya. At sana, makapag-usap kayo ng maayos. At makumbinsi mo siyang hayaan kang tumulong sa problema niyo." Sabi naman ni Gab
"Maraming Salamat Gab. Hindi ko na talaga alam ang gagawin kung wala ka." Sagot ko naman sa kanya.
Tumango lang siya sa akin at bumalik na sa kanyang kinauupuan. Inalalayan din naman niya ako sa kanilang hapag kainan at binigyan niya ako ng mga nakahandang pagkain. Na-miss ko ring kumain ng ganito. Napakasarap.
~☆~
Maaga naman akong nagising dahil sabi ni Gab mas maganda daw kung pupunta kaming mas maaga. Baka sa ganitong oras daw kasi namin maabutang tulog si Madam Annabelle.
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Lover
Teen Fiction|COMPLETED| "Love deserves another chance" Naniniwala naman ako na ang pagmamahal ay punong puno ng milyong pagkakataon. Na umibig, kiligin, masaktan, magpatawad at muling magmahal. But love also comes with pain. Are you willing to give another chan...