|39|: A New Beginning

236 11 1
                                    

SAE'S POV
~○~☆○☆~○~

                Sa buong biyahe naman namin pabalik ng Pilipinas, hindi mawala sa isip ko ang lahat ng nangyari. Hindi ako makapaniwalang magtatapos na ang pagmamahalan namin ni Raikko. Ang hirap tanggapin. Ang hirap isipin na pagkatapos ng lahat, hindi pa rin pala talaga para sa isa't isa. Umasa ako. Umasa ako na magiging madali't masaya na ang lahat. Pero nagkamali nanaman ako.

Mali ba na kumapit ako?

Mali ba na nagmahal lang naman ako?

Mali bang pinili ko ang kaligayahan ko?

          Ang daya mo naman Tadhana. Bakit lagi mo nalang akong pinapahirapan ng ganito? Bakit kailangang masaktan nanaman ako ng ganito?

          Kaya kong tanggapin ang kahit anong sakit. Wala akong pakialam kung paano nila ako sasaktan o patutumbahin. Pero kung ang taong mahal mo mismo ang nanakit at bumasag sayo. Sa mismong harap mo at sa mismong mukha mo, di ko alam kung paano ko kakayanin.

"Sae, kanina pa malalim ang iniisip mo? Stop thinking about him okay. Please move on this time. Maybe, may ibang tao talaga ang para sayo." Sabi naman sa akin ni Gab.

"Don't worry Gab. Ngayong malayo na kami sa isa't isa, wala na akong ibang magagawa kundi ang kalimutan siya."  Sabi ko naman.

           Muli naman akong tumingin sa kawalan. Maya maya lang pala makakarating na kami sa aming bahay. Baka tama nga si Gab. Kailangan ko ng harapin ang aking panibagong mundo.


"Bukas uuwi na ako agad Sae. I hope you find happiness. Pero kung kailangan mo ako, I can stay." Sabi niya.

Umiling naman ako sa kanya at nginitian pa siya. "Hindi na Gab. Ang dami mo ng nagawa para sa akin. Alam kong mas kailangan ka ng pamilya mo sa oras na ito. Wag kang mag-alala Gab. Magiging maayos din ako." Sabi ko naman sa kanya.

           Tumango naman siya sa akin at inakbayan ako. Niyakap naman niya ako ng mahigpit bago kami tuluyang bumaba ng sasakyan niya.

"Yan ang Sae na kilala ko. Matapang. Mangako ka na kahit wala na ako, yang tapang mo hindi mawawala ah." Sabi naman niya.

"Pangako yan Gab. At sisiguraduhin kong kahit mag-isa na lang ako ngayon, magagawa ko pa ring ngumiti. Alam kong hindi dito natatapos ang takbo ng buhay ko, marami pa akong kailangang harapin. At gagawin ko ito para sa inyo, sa mga taong nakaalalay sa akin." Sabi ko naman sa kanya.

          Sa muling pagtapak ko sa lupang ito, ito na ang takda ng pagbabago ng pag-inog ng mundo ko. Hindi ako uusad kung habang buhay ako nakatayo sa isang tabi. Hindi ako makakamove-on kung hindi ko susubukang kalimutan ang lahat ng sakit na nadarama ko.

"Halika na. Nag-aantay na sayo si Tita Doris." Sabi niya

          Tumango naman na ako at unti-unti na ding bumaba sa sasakyan ni Gab. Pagpasok ko naman sa aming bahay, doon ko nakitang nag-aantay para sa akin si Mama.

            Nang magtama naman ang aming paningin, agad niya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit. Bigla namang natunaw ang aking pakiramdam. Yung tipong nawala ang lahat ng bigat na nararamdaman ko.

"Nandito ako anak. Nandito ako. Wag kang mag-alala, nandito ako para sayo." Sabi niya sa akin.

          Bigla namang bumuhos ang aking luha. Malaya kong nilabas ang lahat ng aking nararamdaman. Gusto ko lang umiyak ng umiyak hanggang mawala na ang lahat ng bigat, hirap at sakit.

"Wala na siya Ma. Baka talagang hindi kami para sa isa't isa. Kailangan ko ng harapin ang aking bagong mundo. Para sayo at para sa pangarap natin." Sabi ko naman kay Mama nang humupa na ang nararamdaman ko.

My Ex Is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon