○THE LAST FIVE CHAPTERS○
MAKO'S POV
~○~☆○☆~○~Papunta ako ngayon sa bahay ni Alex. Baka tama si Sae, kailangan ko na siyang kausapin. Marami akong pagkukulang kay Alex. Matapang, masiyahin at walang inuurungang babae si Alex. Kaya kahit malakas siyang humaharap sa amin ngayon, alam kong nasasaktan pa din siya sa loob niya. Binigay ko ang pinakamalalim na sugat sa buhay niya.
Hindi ko naman talaga ginustong saktan siya. Mahal na mahal ko si Alex. Siya ang naging inspirasyon ko at sa kanya ako natutong magmahal ng totoo. Nawala ang Mako na playboy. Ang Mako na mataas ang tingin sa sarili. Ang Mako na walang patutunguhan ang buhay. Dahil kay Alex, nagkaroon ng panibagong kahulugan ang buhay ko.
Naging seryoso ako sa babae. Nagkadireksiyon ang buhay ko at natuto akong magmahal ng totoo. Kaya nga, nalungkot ako nung hindi niya ako masuportahan sa gusto ko. Ayaw ko naman talagang iwan siya. Pero, yung ginawa ko para din sa kinabukasan namin. Dahil dun, kinailangan ko siyang iwan. Hanggang sa pagbalik ko, akala ko ako pa. Yun pala wala na akong babalikan.
Bakit pa nga ba ako umasa diba. Iniwan ko siya. Natural lang namang kalimutan niya ako. At hindi ko siya masisisi.
"Nay Elsa? Nandiyan po ba si Alex?" Sabi ko naman.
"Mako? Anong ginagawa mo dito. Nandito si Alex pero sa tingin mo, gusto ka niyang makita." Sabi naman ni Nay Elsa.
Tumango naman ako. Sige, naiintindihan ko naman. Gugustuhin nga naman ba niya akong makita sa laki ng kasalanan ko sa kanya. Insensitive nga ako diba.
"Sige po, naiintindihan ko naman po. Mauna na po ako." Sabi ko naman at tumalikod na.
Nakailang hakbang na ako palayo pero bago ako makaalis...
"Mako, sandali." Sabi ng isang pamilyar na tinig sa likuran.
Agad naman akong humarap. Kilalang kilala ko ang boses na iyon at hindi ako pwedeng magkamali. Pagharap ko naman nakita ko ang babaeng minsa'y nagpatibok ng puso ko.
"Mako, miss na kita." Sabi niya sabay yakap sa akin.
Nagulat naman ako sa ginawa niya. Hindi ko inaasahang muli kong mararamdaman ang mga yakap niya. Dahil sa pagkakasabik ko naman sa kanya, muli ko din naman siyang niyakap pabalik.
"Miss na miss na kita. Pasensya ka na Mako, iniwan kita. Hinayaan kitang umalis. Nagtampo lang kasi ako dahil nakapagdesisyon ka na. Pero Mako, nagsisisi na ako. Mahal na mahal kita." Sabi naman ni Alex.
Bigla namang tumulo ang aking mga luha. Hindi pa din kami bumibitaw sa aming mga yakap. Sobra ko talagang namiss si Alex. Akala ko hanggang doon nalang kami. Pero nang sinabi niyang mahal pa din niya ako, sobra akong nabubuhayan.
"Mahal din kita Alex. Alam mo yan diba. Pero ang laki ng kasalanan ko sayo. Dapat hindi ako umalis. Dapat hindi kita iniwan. Kaso kung meron akong pinagsisisihan sa buhay ko, yun ay ang iwan ang taong mahal na mahal ko." Sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Lover
Teen Fiction|COMPLETED| "Love deserves another chance" Naniniwala naman ako na ang pagmamahal ay punong puno ng milyong pagkakataon. Na umibig, kiligin, masaktan, magpatawad at muling magmahal. But love also comes with pain. Are you willing to give another chan...