○THE LASTing EXceptional LOVE○
SAE'S POV
~○~☆○☆~○~Before that morning...
Papunta naman akong ospital ngayon. Kailangan ko pa din kasing samahan si Mako. Sa mga panahong kagaya ngayon, kailangan talaga niya ng kaibigang masasandalan, ng kaibigang makakapitan at ng kaibigang handa siyang damayan. Kaya naman yun ang gusto kong ipadama sa kanya. Gusto kong maramdaman niya na nandito ako, at hindi ako mawawala sa tabi niya.
Total mamayang alas diez pa naman ang dating ni Raikko, mabuti sigurong pumunta muna talaga ako sa ospital. Mamaya excited na akong salubungin ang nag-iisang taong mahal ng buhay ko. Ang nag-iisang tinitibok at sinisigaw ng puso ko. Ang Raikko Angelo ng buhay ko.
Makalipas pa ang ilang minuto, nakarating na ako sa ospital. Nakita ko namang nakadungaw sa labas ng isang silid ai Mako.
"Mako? Kamusta naman daw ang kalagayan ni Alex?" Tanong ko naman.
"Ito, lumalaban naman daw siya. Siguro para sa aming dalawa. Para sa mga taong nag-aantay sa kanya." Sagot naman sa akin ni Mako.
Tinapik ko naman ang mga balikat niya. Ngumiti ako sa kanya at hinaplos ang mga braso niya. Gaya ng ginagawa ng isang kaibigan.
"Wag kang mag-alala. If it's really in God's will, maglalakad kayong dakawa sa altar. Ikakasal pa kayo at magiging masaya pa kayong dalawa." Sabi ko naman sa kanya.
Napangiti naman siya. Atleast kahit paano, epektibo naman ang mga payo ko sa kanya. Atleast, alam pa din niyang ngumiti kahit mahirap na talaga ang sitwasyon.
"Salamat. Hindi ko lang kayang nakikitang ganyan si Alex. Nasasaktan ako. Ang daming nakasaksak sa katawan niya, ako ang nahihirapan para sa kanya." Sabi naman ni Mako at napaluha.
"Ang pinakamagandang gawin mo ngayon, ay magdasal. At maniwala ka na gagaling si Alex. Gagaling siya at lalaban siya para sa inyong dalawa." Payo ko naman sa kanya.
Tumango naman siya. Pinunasan naman niya ang kanyang luha at muli siyang dumungaw sa silid ng mahal niya.
"Magpakalakas ka Mako, kailangan ka ni Alex ngayon. Ikaw ang dahilan kung bakit siya lumaban. Sana, lumaban ka rin para sa kanya." Sabi ko ulit.
Tumango naman siya. "Tama ka Serene. Para kay Alex, para sa taong mahal ko, lalaban at magpapakatatag ako gaya ng ginawa niya para sa akin." Sabi naman niya.
Binigay ko naman ang kanyang yakap sa kanya. Tinanggap din naman ang kanyang yakap. Makalipas pa ang ilang minuto, tuluyan naman na akong nagpaalam sa kanya. Malapit na at darating na si Raikko. Siyempre kailangan kong mag-ayos. Hindi pwedeng bara bara lang ang magiging ayos ko.
Pagkadating ko naman sa aming bahay, nakita kong nakaupo sa aming sofa sina Mama at Rich.
Kalmado naman ang paligid at mukhang alalang alala sila. Ano nanaman ba ang nangyayari at mukhang nagluluksa ang mga ito. Ayan nanaman sila, is this some kind of a surprise? Okay, ayaw ko ng ganitong aura.
"Anak, buti naman at nandito ka na." Bungad naman sa akin ni Mama ng makarating ako sa aming bahay.
"Opo, susunduin ko po si Raikko." Sagot ko naman.
Lumapit naman si Rich sa akin at hinawakan niya ang mga kamay ko. Napasinghap naman siya at nagpakawala ng mabigat na hininga.
"Beshiebam, diba Magayon Airways Flight MAN 143 ang sinasakyan ni Raikko? May nangyari kasi..." sabi naman ni Rich.
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Lover
Teen Fiction|COMPLETED| "Love deserves another chance" Naniniwala naman ako na ang pagmamahal ay punong puno ng milyong pagkakataon. Na umibig, kiligin, masaktan, magpatawad at muling magmahal. But love also comes with pain. Are you willing to give another chan...