|30|: Farewell, Gab

214 9 1
                                    

SAE'S POV
~○~☆○☆~○~

Napakarami talagang nangyari noong isang araw. Hindi ako makapaniwalang ganun ganun na lang sisirain ng isang magulang ang araw ng kanyang anak. Isa pa, nagulat din ako sa mga ikinilos ni Raikko. Sobra akong natuwa sa ginawa niya. Naramdaman ko talaga na mahalaga ako sa kanya at kaya niyang ipaglaban ang pagmamahalan namin.

Dahil doon, napag-isip isip ko na dapat ako rin.

Alam ko at patuloy akong umaasa na darating ang araw kung kailan matatanggap kami ni Mama. Alam kong hindi magiging madali ang lahat. At alam ko na komplikado talaga ang love story namin pero walang mas mananaig kaysa sa pagmamahalan namin.

Hinanda ko naman na ang aking sarili. Ito na! Final Exams na namin. Hindi ako pwedeng bumagsak. Ito ang magsasabi kung mamartsa nga ba talaga kami o hindi.

"Oh, Wife. Kanina ka pa diyan? Pasensya ka na medyo na-traffic ako. Halika na." Sabi naman ni Rai.

Dito kasi ang antayan namin araw-araw. Isang waiting shed kung saan may kalayuan sa aming bahay. Sa totoo lang, maaga pa nga siyang dumating. 6 30 pa lang. Masaya ako na talaga namang tinutupad niya ang pangako niya kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon.

"Maaga ka pa nga Hubby. Halatang excited ka para sa final exams noh." Pabirong tanong ko naman sa kanya.

"Siyempre naman. Gusto kong magmartsa kasama ka. Ikaw lang naman ang inspirasyon ko sa lahat ng ito eh." Sabi naman niya.

Bigla naman akong napangiti sa kanya. Ang sarap talagang kiligin. The feeling is always new kahit araw araw mo pang nadarama.

"Siyempre ako din. Gusto kong mapatunayan sa Mama mo na kahit ganito ako, may mapagmamalaki ako." Sabi ko naman sa kanya.

Hinawakan naman niya ang kamay ko at tinignan ako ng napakatamis sa aking mata.

"Wala kang kailangang patunayan. Ang pagmamahal mo palang sa akin, sapat na. At kahit anong mangyari, yun ang mahalaga." Sabi naman niya sa akin.

"Tama ka. Ang importante mahal natin ang isa't isa at yun ang mahalaga." Sabi ko naman sa kanya.

Mas lumawak naman ang kanyang ngiti saka niya binalik muli ang kanyang atenyon sa manubela at sa daan.

"Halika na, male-late na tayo. Baka magalit pa sa atin ang mga proctor natin." Sabi ko naman.

"Mabuti pa nga." Sabi naman niya at may kasama pang hagikhik.


Agad na niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan papunta sa aming paaralan. Ito na, tatapak nanaman kami ulit dito. Ready na ako. Handang handa na ako. Kailangan kong mapanatili ang magagandang grades. Para matuwa si Mama at pati na rin si Raikko.

Sabi niya, ihahatid na daw niya ako sa aking testing room. Hindi kasi kami magkasama. Pero ayos lang din naman, dahil ka-room ko pa din si Gab.

"Gab!" Sigaw ko naman.

Nang akmang patakbo na ako sa kanya, bigla naman akong hinila ng kasama ko ngayon.

"Wife. Wag ka nga masyadong showy. Baka sabihin nila two-timer ka. Maraming mambabash sayo niyan." Sabi naman ng katabi ko sabay hila sa mga braso ko.

"Ikaw talaga. Pagbigyan mo na ako, mamimiss ko itong si Gab eh." Sabi ko naman.

Oo, aalis na daw si Gab after ng graduation namin. Siyempre mamimiss ko siya. Pero sinigurado naman ni Gab na aalis siya ng masaya ako. Pinaubaya na talaga ako ni Gab kay Rai.

My Ex Is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon