|44|: Unknown Feelings

233 11 3
                                    

SAE'S POV
~○~☆○☆~○~

Mag-isa naman akong nakaupo at malalim na nag-iisip dito sa coffee shop na dati kong pinagtatrabahuan. Hindi mawala sa isipan ko ang muli naming pagkikita ni Rai. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Alam ko sa sarili kong sobra ko siyang na-miss at sobrang tagal ko siyang inantay. Aminado akong gustong gusto ko na siyang yakapin. Gusto ko na siyang makausap nang gaya ng dati.


Pero ngayon lang ako natakot. Natakot ako na baka mawawala nanaman siya at iiwan nanaman niya ako. Ayaw ko nang masaktan. Isa pa, anong sasabihin ni Erika. Paano kung natuloy ang kasal nila? Bakit pa ako makikigulo? Ayaw ko ng ganito. I can't understand my feelings. Ang bigat bigat sa pakiramdam. Kanina pa ako umiiyak pero wala akong pakialam. I just want to let go all of the burdens that I am feeling right now.


Makalipas pa ang ilang minuto, dumating din si Rich at agad ko naman siyang niyakap.


"Beshiebam, anong nangyari sayo? I'm sure you're not okay. Tell me what happened." Pag-umpisa naman ni Rich.

Umupo naman na kami sa among kanya kanyang upuan. Pinunasan ko naman ang aking mha luha bago ako humarap at nakipag-usap sa kanya.


"He came back. After three years Rich, bumalik na siya. Hindi ko alam ang gagawin. I don't know, ano na ang ganap sa kanya. Kung ano ang nararamdaman niya. Kung masaya ba siya na nakita ako o wala na siyang pakialam." Sabi ko naman.


"I understand. Hindi ko sinasabing magsaya ka. Kahit ako naman siguro, makalipas ang tatlong taon na wala siyang paramdam sayo, walang sinuman ang hindi masasaktan at mabibigla." Sabi ni Rich.

Hinawakan naman niya ang kamay ko at nginitian ako. Huminga naman ako ng malalim. Ang bigat talaga sa pakiramdam. Hindi ko alam.


"What should I do? Lalayo ba ako? O kakausapin ko siya?" Tanong ko naman kay Rich.

"You know what, If I were you, kakausapin ko siya. Kasi alam mo, walang mangyayari kung tataguan mo lang ang nakaraan. The decision is always in our hands. You may not bring back the past, but you can still establish a better present so that the best future will await you." Sabi naman niya.

Tama siya. Kung tatakbo ako at tatakbo mula sa nakaraan, walang mangyayari sa akin kundi ang malito. Kundi ang mangamba at matakot. Kailangan kong harapin si Raikko. I may not get the answer that I want, I'll just be happy for him.


"Matanong nga kita Beshiebam, mahal mo pa rin ba si Raikko?" Tanong naman ni Rich.

"Rich I don't know. You know that my heart can't hide the truth. Kahit naman ilang beses niya akong saktan at kahit gaano pa kasakit ang mga iyon, isang tao lang naman ang alam mahalin ng puso ko. Kahit gaano ko siya kagustong kalimutan, I can't." Sabi ko naman at muli nanamang umiyak.


"So, mahal mo pa rin siya. I can see it through your eyes. Alam mo Sae, walang masama if you'll take the risk. Kilala mo si Raikko, sige sabihin na nating sinabi niyang ikakasal na siya kay Erika. He made you believe. But knowing him, he is always loyal to you. Sa tingin mo, magpapakasal siya kay Erika kahit ikaw ang mahal niya? O ginawa lang talaga niya iyon para protektahan ka at maabot mo lahat ng meron ka ngayon?" Paliwanag pa ni Rich.

That made me realize. Paano pala kung lahat ng iniisip ko ay hindi totoo. Paano kung nagiging pessimistic lang ako? Paano kung lahat ng ito ay may nag-aantay na magandang kasagutan.

"Sige Rich. Kakausapin ko siya. For now, gusto ko lang malaman ang sagot. Hindi ko na hinihiling na mabalik ulit ang nakaraan. I'll be happy with that." Sabi ko naman.


My Ex Is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon