|4|: The Third Wheel

403 11 0
                                    

SAE'S POV
~○~☆○☆~○~

Nakaupo ako ngayon sa likod ng sasakyan nila Raikko. Si Gab naman sa harap nalang umupo. Pero ang pinagtataka ko pa rin hanggang ngayon, nasaan na ba si Raikko? Hindi ko lang masabi o matanong dahil nauunahan ako ng aking pagdaramdam. Akala ko siya ang manunundo sa akin. Ipinangako kasi niya sa akin na sabay kaming papasok. Pero umasa ako sa wala.

Isinantabi ko naman ang lahat ng aking pag-aalinlangan at kinausap ang driver niila.

"Kuya, nasaan si Raikko. Siya kasi dapat ang susundo sa akin" tanobgvko naman sa driver.

Tinignan naman ako sa mata ng driver sa pamamagitan ng rear view mirror.

"Pasensya na kayo Ma'am. Nasiraan po kasi si Sir Raikko sa junction sa may Eastside Avenue kaya tinawagan niya ako dahil nasaktuhang malapit ako sa bahay niyo." Sabi naman ng driver.

Eastside Avenue? Akala ko ba nasa Acacia Street na siya. Malayo pa ang Eastside Avenue sa Acacia Street. Tama ba ang pagkakaintindi ko. Si Raikko nagsinungaling sa akin. Inposible ito.

"Kuya ang sabi sa akin ni Raikko nasa Acacia Street na siya? Paanong sa Eastside Avenue siya nasiraan?" Tanong ko ulit sa kanya dahil hindi ako mapalagay.

"Ganun po ba ma'am. Pagkakaalam ko po kasi may dinaanan siya sa bandang Eastside kaya doon po ang daan niya. Sino po ba ang kakilala niyo doon?" Sagot naman ulit ng driver.

Kaya pala matagal siya kasi may dinaanan pa siya sa Eastside. Paano naman ako. Kanina ko pa siya inaantay hindi naman pala ako ang priority niya.

"Ehh.. bakit hindi daw po niya ako masusundo?" Tanong ko naman sa kanya.

"Nasiraan daw po kasi siya nang papunta siya dito. Pinaayos muna po niya yung kotse niya tapos ako ang inutusan niyang magsundo sa inyo." Sagot naman ulit ng driver.

Bakit bigla naman akong nalungkot. Dahil ba dalawang beses niya akong hinayaan.

Hindi ito pwede Sae. Kailangan think positive. Noon pa man, ikaw na ang priority ni Raikko. Hindi lang sa lahat ng oras ikaw ang aabalahin niya. Kailangan mo din siyang intindihin.

"Huy Sae! Ayaw mo bang bumaba?" Pagsisisigaw naman ni Gab.

Nawala kasi ako sa diwa ko sa kakaisip. Aish.. ano ba naman itong nangyayari sa akin.

"Pasensya ka na. May iniisip lang ako. Halika na, male-late na tayo sa assembly." Sabi ko naman kay Gab.

Hinila ko kaagad si Gab papuntang auditorium at nagpatinaod lang namam siya sa paghila ko. Pumwesto kami sa aming klase. Magkaklase kami, pero si Rai, iba ang section niya.

Sa kalagitnaan naman ng morning talk ng aming dean, bigla ko naman naramdaman ang vibration ng aking cellphone. Agad ko naman itong kinuha at tinignan kung sino ang nakaisip sa akin.

From: Rai
______________________________________
Hi Love. Sorry hindi kita nasundo. Di bale, babawi nalang ako sa'yo. Sabay tayo mag-lunch okay. See you later! I love you.
______________________________________

Sa di ko malamang dahilan, bigla akong napangiti ng di-oras. Sabi ko naman sa inyo ehh, gagawa at gagawa ng paraan si Rai para mawala ang lungkot ko. Ni replyan ko naman siya para makapag-confirm sa invitation niya.

To: Rai
______________________________________
Okay Love. Kita nalang tayo mamaya ah. I love you more.
______________________________________

My Ex Is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon