CHAPTER 1🌼

45.4K 771 47
                                    

CHAPTER 1🌼

Hindi ko alam kung bababa ako ng sasakyan o ano.Nasa harap kona ang malaking mansion.

Ang dati Kong tirahan kasama siya.

After five long years na hirap na pinagdaanan ko mula nang malayo ako sakaniya ay ngayon lang ako naka-hinga ng maluwag.
Ngayon ko lang ulit nakita ang labas.Ngayon lang ulit ako nakalanghap ng sariwang hangin.Ngayon lang ulit ako nakalaya. Ang sarap sa pakiramdam.

Hindi ko alam kung anong nangyare at nagising nalang ako na kinakaladkad ng kung sino at natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa gitna ng stage at sa harap ay mga taong nagbibid. Kabadong kabado ako nung mga oras na iyon. Akala ko katapusan kona.

Not until I heard his dangerous voice. "10 million!"

Literal na huminto ang ikot ng mundo ko nang marinig ko ang boses na matag ko nang inaasam. Nagulat ako nung mga oras na iyon. Lihim akong napaluha.Sa wakas ligtas na ako.

Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko. Hinanap niya ba ako at nakita doon? Ang tagal kong hinintay na makita niya ako at iligtas sa mala impiyernong dinadanas ko. Hindi ko alam kung aksidente ba o talagang hinanap niya ako at nakita doon.

Pero bakit hindi niya man lang ako sinalubong? Hindi niya man lang ako niyakap? Hindi man lang niya tinanong kung anong nangyare? Hindi ko siya masyadong nakita dahil madilim pero alam kong boses niya iyon dahil kilalang kilala ko siya. Kilalang kilala ko ang asawa ko.

Pero bakit Hindi siya ang sumundo saakin? Bakit mga guard niya ang sumundo sakin?
I wonder kung galit ba siya---malamang oo!

Malamang galit na galit siya kaya ganun ang nangyare. Pero Hindi naman niya siguro ako matitiis because I know him. Sweet at mabait siya sakin.

"You can get out of the car,Ms. Gonzaga." Sa sobrang preoccupied ko ay di ko namalayang nakabukas na pala ang pinto sa gilid ko. Kinakabahang lumabas ako at hinarap ang butler ni Jairo.




"Mr.Richards bakit Ms. Gonzaga na ang tawag mo saakin? Diba dapat Ms. Montero?" Ngunit blangko'ng mukha lang ang ibinigay niya sakin. Malayo sa palangiting kilala ko.




"Mr.Montero is waiting for you in his library." Matipid na sabi nito. Nawala ako ngiti sa mukha ko at napapahiyang tumungo. Ramdam ko ang pamamawis ng palad ko habang naglalakad papunta sa loob. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. Nagtataka man ay pumasok parin ako sa loob.


Nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng table niya. Di ko maiwasang Hindi matuwa sa nakikita ko. Buhay siya!





"Welcome home my slut and gold digger wife." He mockingly said.  Ngunit wala akong narinig ni isang salita sa mga sinabi niya. Naka focus ang buong atensiyon ko sa mukha niya. Ang tagal kong hinintay na makita siya. Agad nanubig ang mga mata ko. "I miss you..."
Walang sabi sabing tinakbo ko ang distansiya namin at akmang yayakap ngunit malakas niya akong tinulak kaya natumba ako sa sahig. Agad kong ininda ang likod kong tumama sa likod ng side table

Nasaktan ako sa ginawa niya.Kahit kailan ay Hindi niya ako sinaktan. Ngayon lang. Anong nagyayare sakaniya? Bakit niya tinanggihan ang yakap ko?




"J-jairo..." Ang tanging lumabas sa bibig ko. I badly wanted to hug him right now. He looked at me blankly.





"Don't touch me. You're disgusting."





Umayos ako ng tayo. "J-jairo. A-anong nangyayare sayo? Hindi ka naman g-ganito."







He laugh sarcastically. "After what you've done to me five years ago?! Are you really asking me that Veronica?!" Dahil ba sa bigla nalang akong nawala nang hindi nagpapaalam sakaniya?







"I-im sorry.Magpapaliwanag ako--"






"I don't need your reason! Because I know it already." Matatalim ang titig niya.




"K-kung ganon bakit ka nagagalit sakin?" Alam naman niya pala pero bakit galit na galit siya?  Diba dapat maawa siya at parusahan ang gumawa nito saakin? Hindi ba siya naaawa saakin! Sumakit ang dibdib ko sa mga naiisip ko.






Sumama ang timpla niya na tila Hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Naguguluhan ako sa mga iniaasal niya. Humakbang siya papalapit saakin at hinaklit ang braso ko. Naluha ako sa higpit ng pagkakapit niya. Parang babaliin na niya ang braso ko. Nanlilisik ang mga mata niya.




Ang asawa ko.. Anong nangyare at bakit niya ako ginaganito





"May I remind you. You left me Veronica! You left me! You even took 10 million pesos in my account! You think I didn't know?! And I even knew that you left me for that old rich man! You're disgusting slut!"








"N-nagkakamali ka---"






"I am not! I have evidence!" Mabilis siyang tumalikod at may kinuha sa drawer na isang envelop. Nanlilisik ang mata'ng kinuha niya ang nasa loob noon at itinapon sa mukha ko.







"That's your husband now right?! Don't you dare lie to me! You two have dated so many times!" He shouted angrily. Kahit nanghihina ay pinulot ko ang ilan sa mga litrato. Bumuhos ang luha ko sa mga ibinibintang niya.







"H-hindi ko siya asawa. Ikaw ang asawa ko Jairo. Ikaw ang mahal ko."

He slapped me. Pakiramdam ko'y umikot ang paningin ko sa ginawa niya. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at nanatiling nakabiling ang ulo ko.

"That's not enough Veronica. I'll make you pay in every single day. I'll make your every day a hell here. That's what you get for hurting me."


Nakagat ko ang ibabang labi ko. Dumaloy ang mga luha ko. Literal na sumakit ang dibdib ko. Feeling ko ay Hindi ako makahinga sa sobrang sakit. I hurt him. Pero mas mabuti nang nasaktan lang siya kesa hayaan ko siyang mamatay sa kamay ng mga taong halang ang kaluluwa nang wala man lang akong ginagawa diba? Mas mabuti nang ligtas siya at nasa harap ko at humihinga. Mahal na mahal ko siya at Hindi ko kayang mawala siya saakin.







"I-im sorry... I'm sorry for hurting you. I'm really sorry. But I have reason. Just hear me. I'm
begging you. Just hear me."



"I don't need your reason. Its crystal clear that you left me to be with that old man Veronica.Get the hell out here.Now!"



Im crying very hard while going out of his library.




Ito ba? Ito ba ang kabayaran sa isinakripisyo ko para sakaniya?



"And one more thing, Veronica. I am no longer your husband. I don't know if you're playing stupid or what. You send me an annulment papers back then."

Naistatwa ako sa narinig ko. Paano nangyare iyon?!




"A-ano bang sinasabi mo?"

Ibig sabihin tinotoo ng matandang iyon ang sinabi niya?
Nanginig ang labi ko.





Pumasok agad ako sa loob. "J-jairo.. Pinirmahan mo ba iyon? Pano na ako? Tayo? Jairo ano bang nangyayare sayo? Bakit hindi mo nalang muna kasi ako pakinggan nang maliwanagan ka. Jairo pakinggan mo naman ako. Akala ko ba may tiwala ka saakin?"






"Noon iyon." Nagliliyab ang mga mata'ng sabi niya.




Napahagulgol ako. Lumuhod ako sa harap niya at niyakap ang binti niya. "Jairo please wag naman ganito.. Wag.."


Pero agad niyang inalis ang paa niya kaya sumubsob ako sa sahig.




"Get out." Nagtaas baba ang dibdib niya.



"J-jairo.."




"I said get out!"












And he pointed a gun to me.

Sold To My Ex-Husband ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon