CHAPTER 8🌼

26.2K 564 18
                                    


CHAPTER 8🌼

Ilang taon na ako dito, Jairo. Sabi iyon ni manong, yung nagpapakain saakin dito. Ilang taon na akong naka-kulong dito. Kumusta ka na ba? Kumakain ka ba ng mabuti? Inaalagaan mo ba ang sarili mo? Hinahanap mo ba ako?..






Sana naman wala ka pa'ng ipinalit saakin Jan. Kasi eto ako, nagsasakripisyo para sayo. Medyo Hindi pa gumagaling ang sugat ko sa likod. Ni- latigo kasi ako nung matandang kumidnap saakin nung nakaraang linggo eh. Sana nga wag na iyong bumalik. Natatakot kasi ako doon. Baka saktan nanaman ako. Ang sakit pa naman.




Jairo, gutom na ako. Tatlong araw na akong Hindi pa kumakain dito. Hindi pa kasi bumabalik si,Manong.



-You're wife,
  
Veronica

*-*-*

"... Anxiety attack, Mr. Montero."




"Is she okay now?"




"Yes."





Nagising ako sa ingay na naririnig ko. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Jairo na nakaupo sa sofa. Hinihilot niya ang sentido niya at para bang problemadong problemado.



"J-jairo.."




Napatingin siya saakin. Bumalik ang dating ekspresyon sa mukha niya sa tuwing kasama ako.




"What are you feeling?" Nag aalala ba siya? Natuwa ako sa naisip ko. Sana...





"A-ayos na ako." Mahinang saad ko.




"Anxiety attack, the doctor said. What happened? Buti nalang at sinundan kita kanina."





"Nakita...--" Napatigil ako sa pagsasalita. Malamang kapag narinig nanaman niya iyong tungkol sa matandang iyon magalit nanaman siya at iwan niya ako dito mag isa. Baka Hindi pa siya maniwala. Ang alam kasi niya asawa ko iyon. Kaya bakit ako matatakot doon. Napabuntong hininga ako.





"W-wala."





"Wala?" Nakakunot noong tanong niya.







"Nag aalala ka ba saken?" Pag-iiba ko nalang ng usapan.


Napa-ayos siya ng upo at tumingin sa bintana. "Of course not." Mabilis na sagot niya. Nadismaya ako sa sagot niya. Nasaktan ako.





"K-kahit konti?"





"Bat ba ang kulit mo? Sabing Hindi nga e." Inis na sagot niya. Nagbaba ako ng tingin. Pinaglaruan ko ang daliri ko.





"Ganun ba? Sana hinayaan mo nalang ako doon, edi sana hindi ka naistorbo." Liar!






"I won't let that happen. Hindi pa ako tapos sayo. At tama ka, nakakaistorbo ka, pero kailangan e. Hindi ka pa pwedeng mamamatay."




 
Napahikbi ako. Agad Kong pinunasan ang luha ko. "Ganun mo ba talaga ako kinamumuhian? Kahit konting pagpapahalaga wala? Wala lang ba talaga ako sayo?" Sikmat ko.






Tiningnan niya ako ng masama. "Kung makapagsalita ka parang ako pa yung may kasalan kung bakit ganito ako sayo ah! Bakit nung iniwan moko, may alam ka ba sa mga nangyare? Ha?! Wala! Wala dahil wala ka namang pakialam! Hinanap kita! Pero wala dahil pinagtataguan moko! Tinatago ka nung kabit mo! Wala kang alam sa mga pinagdaaanan ko!" Sumabog agad ang galit niya.







Sold To My Ex-Husband ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon